GWEN "Sige na naman, Dale. Hanapan mo naman na'ko ng lansones, please?" "Ate, hindi nga season ngayon ng lansones. Pinuntahan ko na ang lahat ng pwede kong pagbilhan, pati sa Balintawak nakarating na'ko. Wala talaga. Saka male-late na'ko, o." nagmamakaawa na ang kapatid ko sa kakulitan ko. Ano ba naman kasi? Kahapon ko pa gustong kumain ng lansones. Ka-lintik naman at bakit iyon pa ang hinahanap ng sikmura ko ngayon. Ganito ba kapag nabuburyo na dahil sa wala na akong pinagkakaabalahan? Naweweirduhan na'ko sa sarili ko. Wala pa nga isang linggo mula ng huli akong magreport sa headquarters, pakiramdam ko, tuluyang napag-iwanan na'ko ng lahat ng tao. Teka. Hindi ko forte ang magself-pity! Ano ba kasing nangyayari sa'kin at bakit parang may mali? "Hayaan mo, Ate. Mamaya hahanapan kita
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


