ZACK "Tsk, tsk, tsk. Mga dre, nakita niyo 'yun?! The legendary Zack Ferguson tamed by a tigress woman!" Ang ungas na Dexter at ngayo'y bumabangka na ng pang-aasar. Nanlalaki naman ang mga mata ni Vince habang nakatakip pa ang kamay sa bibig. Kunwa'y hindi makapaniwala ang mukha, samantalang si Tristan nama'y iiling-iling lang ng nakangiti. Inis kong sinundan ng tingin ang dinaanan ng babaeng 'yon. Nakakailan ka na sa'kin. Bumunghalit naman ng tawa si Vince. "Dre, ngayon ko lang nakitang may sumupalpal sa'yo na hindi ka nakasagot. At sekretarya mo pa talaga, ha. Walang sinabi ang kamandag mo sa katarayan ng sekretarya mo," Parang sirang tawa ng tawa si Vince. "Pinalagpas ko lang iyon dahil pagod ako." Pero sino namang niloko ko eh talaga namang natameme ako dun kanina. "Pero in fa

