"Kuya Zack!" tipid na ngumiti si Dale kay Zack pagkabukas ng pinto. Pero hindi niya magawang ngumiti sa sobrang pag-aalala sa nobya. Agad niyang ibinaling ang tingin kay Gwen na noo'y mahimbing na natutulog sa kama. Nasa tabi nito ang nurse na tila may inaayos sa nakakabit na dextrose. Inilang hakbang lamang niya ang kama ng kasintahan. Halatang nagulat pa at tila na-shock ang nurse na nag-aasikaso dito dahil nasa harapan nito ang sikat na basketbolista. Bago pa man siya nagtanong sa sitwasyon ni Gwen ay inunahan na siya ni Dale. "Kuya, relax. Okay na si Ate Gwen. Daplis lang sa balikat ang tama niya." Nag-igting ang kaniyang bagang sa narinig. Kasabay ng matinding pag-aalala sa sinapit ng dalaga'y naalala niya rin ang hinanakit niya dito kahapon dahil sa hindi niya ito nadatnan sa h

