Kasabay sa pag-ilaw ng mga emergency lights sa kabuuan ng court ay ang pagbulagta ng lalaking kabunuan ni Zack. "Zack!" mabilis na nilapitan ni Gwen ang binata. Hindi na niya napigilan ang sarili. Awtomatiko niyang niyakap ng mahigpit ang binata. Sobra-sobra ang takot niya kanina nang mamatay ang ilaw kasabay sa pagputok ng baril. Mahigpit pa rin niyang yakap ang binata pagkuwa'y tarantang sinuyod ng tingin ang kabuuan nito. "Okay ka lang, Zack? May tama ka ba? May masakit ba sa'yo? Tell me! May nararamdaman ka ba?" Natutuliro niyang tanong habang iniinspeksyon niya lahat ng parte ng katawan ni Zack. Samantalang si Zack naman nang mga sandaling iyon ay hindi naiwasang mapangiti. Kitang-kita niya kay Gwen ang matinding pag-aalala. Nangingiti siya habang titig na titig sa mga kilos ng

