Fairytale 24

2257 Words
Ian's POV *Blaaaag* *Bugshh* *Splaaak* Nagwawala ako ngayon dito sa kwarto ko sa mansyon ng walang kwenta kong lolo. Lahat ng pwedeng mabasag. Binabasag ko. Pati yung kama ko binaligtad ko. Kalat kalat na lahat ng gamit. Kinuha ko yung vase tsaka ko binato sa TV. Nabasag din iyon. Umupo ako at sumandal sa pader tsaka ko hinilamos ang kamay ko sa mukha ko tapos ay ginulo gulo ko ang buhok ko. Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang matapos na ang lahat ng ito. Ang kumalas sa mafia famiglia at kalimutan ang pagiging reaper ko. Buong buhay ko nabuhay ako sa anino ni Dale. Siya ang mas matanda. Siya ang kuya kaya kahit kambal kami ay mas nasa kanya ang pabor. Pero kahit na ganun ay hindi ako naiinggit. Kasi masaya ako na masaya ang pamilya ko. Ako, Si Daddy, si mommy at si Dale. Nung bata pa kami ay anti-social ako. Hindi ako mahilig makipaglaro sa kapwa ko bata. Nasa kwarto lang ako at nagbabasa. Kay Dale lang ako madalas makipaglaro. Siya lang ang kaibigan ko. Salungat kami ni Dale. Siya maraming kaibigan. Walang nakakaalam na kambal kami. Kasi kahit sa school, Lalayo ako pag lalapit siya. Ewan ko ba pero kasi nung bata kami, Masyadong mataas ang tingin ko kay Dale. Parang hindi ko kayang gampanan na maging kakambal niya.Kasi siya, matalino. Ako, hindi. Isang araw ay may dumalaw sa bahay namin noon. Kaibigan daw nila mommy at mama Ana. Hindi ako lumabas. Nakatanaw lang ako mula sa hagdan. May isang babae na kaedaran nila mommy tapos may kasama siyang batang babae. Maganda yung batang babae. Parang anghel. Lumipas ang mga araw at lagi lagi nang nasa bahay yung batang babae at naglalaro sila ni Dale. Nakatanaw lang ako lagi mula sa malayo. Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko yung batang babae, Napapangiti ako. Gandang ganda ako sa kanya. Naiinggit nga ako kay Dale kasi kalaro niya lagi yun. Kung hindi lang ako nahihiya ay lumapit na ako sa kanila. Lagi ko pang naririnig na Pot ang tawag ni Dale dun sa batang babae. Pati nung minsang nasa beach kami. Naglakas ng loob akong magpakita. Naglalaro sila ni Dale nun ng sand castle, Lumapit ako kay Pot at sinira yung ginagawa niya para lang magpapansin sa kanya. Nasa malayo si Dale nun at kumukuha ng buhangin kaya hindi niya ako napansin. Inaway away ako ni Pot kaya nagtatatakbo ako palayo. Pero imbis na matakot ay natutuwa ako. Kasi atleast napansin niya na ako. Kasu sa pangit na paraan nga lang. Nung minsang may pagkakataon ay tinanong ko si Dale. "Dale, anong pangalan nung batang babaeng lagi mong kalaro?" Tanong ko habang nagmemeryenda kami sa may kusina. "Ah. Si Liara Vanessa. Ara ang palayaw niya." Napatango tango lang ako. Ang ganda naman ng pangalan niya. Liara Vanessa. "Gusto mong sumama kila Ara mamaya? 6th birthday niya ngayon." Yaya sakin ni Dale. Gusto kong sumama pero nahihiya ako. "Ahh. Hindi na. Tinatamad ako eh." Sagot ko kay Dale. "Sayang gusto pa naman kitang ipakilala kay Ara." "Alam ba niya na may kakambal ka?" Tanong ko. "Hindi. Pakiramdam ko kasi ayaw mong malaman nila ang existence mo kaya hindi ko sinasabi. Kahit naman si mommy at mama Ana hindi binabanggit na may kakambal ako. Bakit ba kasi ayaw mong lumbas?" Napabuntong hininga ako. Aaminin ko. Nasaktan ako dun. Pakiramdam ko ay tinatago lang nila ako. Pero ayos na yung dahil ayokong makipagsocialize. Isang araw napansin kong may nagsisigawan sa kwarto nila mommy at daddy kaya sumilip ako. "Please Arthur, No! Please. Panu nalang kami ng mga anak mo?" Rinig kong sigaw ni mommy. "Kukunin ko sila. Hindi sila pwedeng mamuhay dito na kasama ka. Lalo na't nalaman kong halang ang kaluluwa ng ama mo." Rinig ko namang sabi ni daddy. Nakita ko na parang pinipigilan ni mommy si daddy dahil gusto nitong umalis. Pero bakit gustong umalis ni dad? "Huwag please. Hindi ko rin alam na boss si dad ng mafia. Nagulat rin ako. Hindi ko naman ginusto iyon." Iyak lang ng iyak si mommy kaya naiiyak na rin ako. "Anong gusto mo? Manatili ako dito? Hindi ko kayo kayang makasama at ayokong panuorin ang mga anak ko na lumalaki sa poder niyo ng ama mo. Kukunin ko sila Dale at Ian." Lumabas na si Daddy at nagulat siya nung makita ako na nakasilip mula sa pintuan. "Ian, Anak. Sasama ka kay daddy." Akmang kukunin ako ni Dad pero lumayo ako at yumakap kay mommy. "Ian, anak. Masasamang tao sila." Sabi sakin ni dad. Umiling iling ako at yumakap kay mom ng mahigpit. "Daddy? Saan ka pupunta?" Napatingin kami sa kakambal kong bagong dating at galing ata sa labas. Lumapit sa kanya si Dad. "Dale anak. Aalis tayo. Hindi tayo pwedeng tumira dito dahil masasama ang tao dito. Ayain mo na ang kapatid mo." Utos ni Dad kay Dale. "Arthur. Huwag mong ilayo ang mga anak ko sakin." Mom plead. Tumingin lang si Dale samin tapos kay daddy. "Hindi po natin isasama si mommy? Bakit po?" Tanong ni Dale. Naiiyak na rin siya dahil sa nangyayari. "Basta. Aalis na tayo Dale. Sasama ka naman kay Dad diba?" Tumingin si Dale samin ni mom. Umiling ako at hinihiling na huwag siyang sumama. Pero nagulat ako nung lumapit sakin si Dale at hinila ako mula kay mom. "Tara na Ian. Sama tayo kay daddy." Pilit niya akong hinihila pero ayoko. "Hindi! Hindi ko iiwan si mommy!!" Sigaw ko. Nagulat si Dale kaya bumitaw siya sakin. "Pero... hindi ko rin kayang malayo kay Daddy." Sabi ni Dale. Mas close kasi sila ni Dad. Ako naman kay mom. Patuloy parin sa pagmamakaawa si mom kay Dad pero in the end. Ito nalang ang mga nasabi niya. "Hindi ko man kayo kayang kunin ngayon, Tandaan niyo Ian at Dale, Babalik ako at babawiin ko kayo sa mafia ng lolo niyo." At tuluyan ng umalis si dad. Simula nun ay hindi ko na siya nakita. Yung masayang tahanan namin ay naging malungkot. Si mom hindi na masyadong kumakain at lagi ng nagkukulong. Tuwing lalapitan ko siya ay iiyak lang siya at makikiusap na lumayo ako. Ako naman walang magawa kundi umiyak. Si Dale naman naging matamlay na rin. Hanggang isang araw ay dumating si lolo sa bahay at sinabing aalis na kami at tutungo sa America. Pinaiwan niya dito nun si Mama Ana dahil may trabaho siya dito nun. Ayaw man sumama ni Mommy ay isinama parin siya. Aalis na sana kami nung biglang tumakbo si Dale palayo. Ayaw niya daw sumama samin dahil ayaw niyang iwan si Ara. Sinundan siya ng mga guard ni Lolo. Ang tagal kong naghihintay sa van habang nakayakap kay mommy at umiiyak. Nag-aalala ako kay Dale. Ano na kayang nangyari sa kanya? Isang oras ang lumipas ay nanjan na ang mga guard ni lolo at buhat buhat ang kakambal kong walang malay. Pinatulog daw siya. Nung nasa America na kami ay lalong nanghihina si mommy hanggang sa mamatay na siya. Iyak kami ng iyak ni Dale, Si lolo sobrang galit. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit niya kami tinututuruang makipaglaban ni Dale. Sinananay niya kami ng sinanay. Tinuruan kaming humawak ng baril. At tinuruan kaming pumatay ng tao. Mas magaling sakin si Dale dahil mas seryoso siyang nagsasanay. Nung 12 years old ako ay ang unang misyon ko. Ako lang ang pinauwi sa Pilipinas dahil ayaw na daw ni Dale na umuwi kasi ayaw na niyang makita si Ara. Nahihiya na daw siya at wala na daw siyang mukhang maihaharap kay Ara. Masama na daw siyang tao. Pagbalik ko sa Pilipinas, Kay mama Ana ako tumuloy. Siya na ang tumayong pangalawang ina ko. 13 years old. 1st year highschool. Ang unang taong napatay ko. Ang leader ng isang gang. Dun ako naging isang ganap na mafia reaper. Pinalaki ako bilang isang mafia reaper. I used the code name DCV as the Mafia Reaper. Si DCV lang ang kilalang mafia reaper ng famiglia namin. Pero ang di nila alam. Dalawa ang katauhan nito. Iisang pangalan. Dalawa ang katauhan. At kami yun ni Dale. Di nagtagal ay pinadala dito sa Pilipinas si Clyde. Isang Assasin ng famiglia namin. Binigyan siya ng misyon na bantayan ako. Dahil hiniling ko kay lolo na maging isang normal na estudyante lang. At after college. Babalik na ako sa US para seryosohin ang pagiging reaper ko. Namin ni Dale. Binuo ang Gang Ass para ipunin lahat ng kabataang gustong maging gangsters. Pero tulad ng sabi ni Clyde. Isang kalokohan lang yun. Nakilala ko si Ara nung fourth year ako. Minahal ko siya. Naalala niyo pa yung sulat na natanggap ko? Ito ang nakasulat dun. "7 months and we'll get you.' ~VMafia Kaya sinulit ko ang natitirang pitong buwan. Nung naging kami ni Ara, Lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. To the point na nakalimutan ko ang batas ng Mafia Famiglia. Never fall for someone. Bawal kaming magkagusto kahit kanino. Kaya hindi ko hinayaang malaman ni lolo to. Kahit si Clyde pinakiusapan ko. Nung una ang gusto lang ni Clyde ay matapos ang misyon niya. At yun ay bantayan ako. Pero mabilis ko siyang napakiusapan. Kasi alam ko, habang tumatagal na nagiging kaibigan niya sila Ara, Nakakalimutan niyang myembro siya ng mafia. Dumating yung araw na sumunod na rin dito si Dale. Nagpakita siya kay Ara. Tinawag niya pang Pot kaya naman grabe ang inis ko. Bakit? Kasi bukod sa maaari akong isumbong ni Dale kay Lolo na girlfriend ko na si Ara ay natatakot din akong maagawan. Kaya matapos kong ihatid si Ara nun sa kanila ay agad kong pinuntahan si Dale. At sakto naman na nandun na si Clyde nun. Nasuntok na niya si Dale. Sa ginawa ni Dale. Baka lalong matrack ni lolo na malapit ulit ako kay Ara. Kaming dalawa ni Dale. Habang tumatagal ang relasyon namin ni Ara, Kumokonti ang oras ko. Napag-usapan namin ni Clyde na bumuwag nalang sa mafia pero hindi kami pinayagan. Nung nasa Baguio kami ni Ara, Nagulat ako nung may makita akong tauhan ni lolo. Natakot ako para kay Ara. Kahit pa sabibin natin na isa siyang magaling na gangster, Hindi niya parin kaya ang mafia. Hindi niya kaya si Lolo. Kaya naman pagkauwi namin ni Ara ay ang pagpapaalam ko sa kanya. Saktong nakatanggap ako ng tawag kay Jeff at pinapauwi na niya ako. Nasa bahay daw si Lolo at gusto akong makausap. "Lo..." Sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng masama. Yung tipong tumatagos sa kaluluwa ko. "Hindi mo ba maintindihan ang batas ng VMafia?" Kalmado pero alam kong galit na siya. "Hindi ko po mapigilan ang sarili ko." "Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya ayokong may nalalapit sayong babae. Lalo na ang Ara Arceo na yan. Yan ang dahilan ng pagkapasaway ng kapatid mo sakin, Tapos pati ikaw. Sagabal talaga ang Ara na yan sa buhay niyong magkapatid." "Lolo. Ayoko na pong maging reaper. Gusto ko ng kumalas." Naiiyak kong sabi. Wala akong paki kung magmukha akong mahina sa harap ni lolo. Basta ayoko ng mapabilang sa VMafia. "Hindi pwede. Pag ikaw umalis, Idadamay ko pati magulang ni Ara." Nagpantig ang tenga ko. Natigilan ako at hindi ako makapagsalita. "Iwan mo na siya at huwag ka ng magpakita sa kanya. Ang VMafia ang buhay mo at hindi si Ara." Pagkatapos sabihin yun ni lolo ay umalis na siya. Hindi ko kayang kalabanin si Lolo. Tinawagan ko si Clyde at sinabing palipasin muna ang isang buwan bago tapusin ang misyon niya. Kahit pa alam kong ayaw na niyang ituloy ay wala siyang magagawa. Hangga't si lolo ang boss ng mafia, Hindi ko siya maaaring matalo. Kailangan kong makuha ang VMafia. Para pabagsakin si lolo. Makalipas ang isang buwan ay sinagawa na namin ni Clyde ang hindi niya natapos na misyon. Labag man sa loob namin ay kailangan naming palabasin na nagtratraydor kami. Para hindi makahalata ang VMafia na nagbabalak kami ng bagay na ikababagsak nila. I need to gain my Lolo's trust para ipagkatiwala sakin ang mafia. At pag nangyari yun. Tapos na ang lahat. Even if it means, surrendering Ara. Even if it means, Her tears. Makakalaya na kami sa impyernong to. Sinakripisyo ko ang kaligayahan ko kay Ara para lang makalaya dito. Nagpapasalamat nalang ako kay Dale nung nadala niya si Ara sa Hospital nung naaksidente ito dahil sa pag-habol sakin. Hindi alam ni Dale ang plano namin ni Clyde. Kilala ko si Dale. May sarili siyang plano. Alam kong ayaw na rin niya sa buhay namin bilang reapers. Lalo na at dumating na ulit si Ara sa buhay niya. Pero ngayon, Galit na galit si Lolo at gusto na niyang tapusin si Ara dahil sa ginawa nitong pansasabotahe sa kompanya namin. Pinapahamak ni Ara ang sarili niya. Napakapasaway talaga. "Bro." Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Dale. "Umamin ka. Ikaw ba ang tumutulong kay Ara?" Tanong ko. "Yeah." Napaclose fist ako. "Lalo mong pinapahamak si Ara." Wika ko. "Hindi ko siya pinapahamak. May paninindigan lang ako. At alam kong kaya ko siyang protektahan. Di ako tulad mo. Na walang ibang alam gawin kundi magsakripisyo. You're trying to gain lolo's trust? Tingin mo ganun kadaling makuha ang VMafia sa kamay niya?" Natigilan ako. He knew? "Oo. Alam ko ang plano mo. Kaya nga tinulungan ko si Ara para patigilin ka sa kahibangan mo. Bro, grow up. Huwag ka puro pasikreto gumalaw. Kilala mo si lolo. Kung nasan ang sikreto, nandun ang radar niya." Matapos sabihin yun ni Dale ay umalis na siya. Ano na ba ang kailangan kong gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD