Fairytale 22

1106 Words
Ara's POV Naliligaw kami. Nakakahiya mang aminin pero naliligaw na talaga kami. Unfortunately, si Ian pa ang kasama ko. Mas gusto ko pang maligaw mag-isa kesa sa makasama siya. Nakakaasar. Bakit ba kasi nakabuntot sakin to? "Kanina pa nakakunot ang noo mo. Pag yan nahanginan forever na yang ganyan." Sabi sakin ni Ian ng nakangisi. "Che." Pagsusungit ko sa kanya at hindi nalang siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at paghahanap ng daan pabalik. Yung cellphone ko pinahawak ko kay Kaira kanina kaya hindi ko sila macontact. "Ian, Peram ng phone." Utos ko sa kanya. "Bakit?" "Kokontakin ko lang sila Kaira. Nasa kanya kasi phone ko." Sagot ko. Agad namang dumukot si Ian sa bulsa niya at inabot sakin ang phone niya. Kinuha ko iyon at binuksan. Kasu may password. "Password." Tanong ko. "Yun parin." Sagot naman niya sakin ng hindi ako tinitignan dahil sa kabayo siya nakatingin. Tinype ko na ang password niya. Hindi parin pala siya nagpapalit. Pati phone hindi niya pinalitan. I wonder, same number parin kaya? Ako kasi nagpalit na ng phone and sim. 0161 Yan yung password niya. Nabuksan ko naman. Ibig sabihin nun ay Ara. Ewan ko ba sa sarili ko pero hindi ko mapigilang mapangiti. Bwisit. Magtigil ka Ara. Para kang tanga. Sinimulan ko ng kontakin si Kaira. Phone ko ang tinawagan ko dahil hindi ko naman kabisado ang numero niya. "Kaira." (Hoy! Nasan na kayo ni Ian? Kanina pa kami naghihintay dito no.) Sabi ko nga at higblood nanaman to. "Naligaw kami ni Ian. Mauna na kayo at huwag niyo na kaming hintayin. Kaya namin ang sarili namin. Bye." Magsasalita palang sana siya kasu binabaan ko na. Binalik ko kay Ian ang phone niya at inakay ulit ang kabayo tsaka kami naglakad ulit. Nakakahiya dun sa may-ari ng kabayo. Hindi na namin naibalik agad to. Tsk. Nagulat ako nung biglang sumipa ang kabayo at tsaka tumakbo, Hinabol naman ito ng kabayo ni Ian. Oh no. Iniwanan na kami ng mga kabayo. Napasabunot ako sa sarili ko at napapadyak pa. "Kahit anong tantrums pa ang gawin mo, Hindi mo mababago yung fact na naligaw tayo." Cool na sabi ni Ian habang nakapamulsa pa. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Malas ka sakin. Lumayo ka nga!" At tumalikod ulit bago maglakad. Naramdaman ko na parang nababasa ako kaya naman inangat ko ang tingin ko at doon ko narealize na umaambon pala. "Great! Just, Great!" Sarcastic kong sabi bago tuluyang maglakad at naramdaman ko ang parami ng paraming patak ng ulan hanggang sa lumakas na ito. Nagulat ako nung hinigit ako ni Ian at tinakbo sa kung saan. Tumigil kami sa tapat ng isang kubo. "Panu mo nalaman na may kubo rito?" Tanong ko sa kanya. "Natanaw ko lang. Pumasok na tayo, Baka magkasakit tayo sa ulan." Hinila niya ulit ako sa loob. Malinis ang loob ng kubo at walang kalaman laman maliban sa lamesang malawak. Binitawan ako ni Ian at pumunta sa may parang lutuan at nangalikot ng kung ano ano dun. Maya maya ay naglabas siya ng lighter sa bulsa niya tsaka niya sinindihan yung mga kahoy sa lutuan. Nung lumakas na yung apoy ay bigla siyang nagtanggal ng damit. Nanlaki naman agad ang mata ko. "H-hoy!! Bakit ka naghuhubad!!!" Sigaw ko sa kanya habang nakatakip yung kamay ko sa mata ko. "Tss. Basa na ang damit ko at papatuyuin ko lang." Rinig kong sabi niya. "Jan ka lang. Titignan ko kung may mga damit dito." Inalis ko na ang takip sa mata ko at lumapit sa apoy. Mejo nilalamig din kasi ako. Maya maya ay nanjan na si Ian at may inabot suya saking damit na kulay dirty white at parang lumang luma na. "Yan lang ang nakita ko. Mukhang wala ng nakatira sa bahay na to." Sabi niya. Bigla naman akong kinilabutan. "Tanggapin mo na yang damit. Magpalit ka na at baka sipunin ka." Kinuha ko yung damit na inaabot niya. Chineck ko pa ito. "Isuot mo na yan at huwag kang maarte." "Could you stop ordering me around? Tss." Pagsusungit ko sa kanya at tinignang muli ang damit. "Huwag kang sisilip ha? Kilala mo ako, Kayang kaya kong baliin lahat ng buto mo sa katawan." Sabi ko sa kanya. "Tss." Yan lang ang sagot niya. Tumalikod na ako sa kanya para hubarin ang damit ko. Pakiramdam ko ang init bigla. Shet. Maghuhubad talaga ako ng damit knowing na kami lang ang nandito ni Ian? Tinatablan parin naman ako ng ilang, kahit papano. Hinawakan ko na ang laylayan ng damit ko at nagdadalawang isip kung magtatanggal ba o hindi. Haharap na sana ulit ako kay Ian para sabihing hindi nalang ako magtatanggal, Pero bago pa ako makaharap ay nakayakap na pala siya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Parang bigla akong nanlamig. He's hugging me from behind. "Ara...." Ang hinahon ng boses niya. Sh*t!! Ihead bat mo Ara. Chinachansingan ka. Pero bakit ganun? Hindi ako makagalaw?? "I-ian... b-bitaw." Akma kong aalisin ang kamay niyang nakayakap pero lalo lang humigpit. "I missed you baby..." Para akong nanlambot sa narinig. Bakit ganun?? For a second... Gusto kong sumagot ng namiss ko rin siya.... "I-ian ano ba!! H-hindi nakakatuwa. Bitaw na." Nagpupumiglas ako pero bakit parang ang hina ko?? Ano bang nangyayari sakin?? "Ara.... mahal kita..." Those words. Tatlong salita pero ang laki ng epekto sakin. Naalala ko tuloy yung naging usapan namin ni Kaira... "Do you still love Ian?" Tanong sakin ni Kaira. Natigilan ako saglit. Bakit niya ako tatanunging ng ganyang bagay? "Bakit mo natanong?" Seryoso ko siyang tinignan. "Oo o hindi lang." Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam." At tuluyan ng umalis ng kusina. Hinarap ko si Ian. Hinawakan ko yung mukha niya gamit ang palad ko. Okay, Ara. Kahit ngayong gabi lang. Maging mahina ka muna. Kahit ngayon lang.... "Pakshet ka alam mo yun?" Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob. Basta ang alam ko nalang. Naghahalikan na kami. Yeah. I kiss him and he kissed back. Wala akong paki kung topless siya. Shet!! Oo na!!! Namiss ko siya... At kahit sobrang sakit ng ginawa niya sakin noon. Hindi ko parin magawang magalit sa kanya ng buong buo. Part of me hates him but part of me still cares for him. Ganun na ata talaga ako kakomplikado. At habang naghahalikan kami, Dun ko lang napagtanto ang sagot sa tanong ni Kaira. Mahal ko pa ang lalaking to. Ang lakaking trinaydor ako, Ang lalaking dapat pinaghihigantihan ko, Ang lalaking pinagkatiwalaan ko, Ang lalaking dapat papatayin ko, Ang kababata ko. Si Ian, Oo. Mahal ko parin siya at hindi yun nagbago...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD