Ara's POV
Nagising ako sa kagat ng mga lamok. Pagtingin ko sa paligid. Gabi na pala. Tumayo ako at pinagpag yung likod ko.
Ang tagal ko palang nakatulog.
Bumalik na ako sa loob ng bahay at naabutan ko doon sina Onyx, Jero, Kaira at Shantal na naglalaro ng braha.
"Oh, Nanjan ka na pala Ara. San ka galing?" Tanong sakin ni Shantal nung mapansin niya ako.
"Sa garden. Nakatulog ako eh." Kibit balikat kong sagot.
"Nasan yung iba?" Pagtatanong ko nung mapansin na wala yung iba.
"Si Ayen at Ryca nasa kwarto niyo na. Nagpapahinga. Si Andrex at Clyde naman nagluluto sa kusina. Tapos si Ian nasa kwarto ng boys." Sagot sakin ni Onyx. Napatango tango nalang ako.
Naglakad ako paakyat sa taas para sana ituloy ang pagpapahinga ko sa kwarto nung mapadaan ako sa kwarto ng boys. Madadaanan kasi ang room nila pag pupunta kami sa room namin.
Sakto naman na lumabas si Ian at mukhang kagigising lang. Nakapalit na siya ng damit. Nakablack sando at pajama na siya.
"Done checking me out?" Nakangising tanong niya sakin kaya napairap ako. Kahit kelan talaga, napakahangin ng isang to.
Nilagpasan ko nalang siya at nagtuloy tuloy na sa kwarto ng girls. Nakita ko namang nakahiga lang sila Ryca at Ayen at may pinapanood sa iPad.
"San ka galing?" Tanong sakin ni Ayen nung mapatingin siya sakin.
"Sa labas." Simpleng sagot ko bago kumuha ng white t-shirt at pajama sa bag ko. Dumiretso ako sa CR para magpalit. Nangati kasi ako bigla.
Matapos kong magpalit ay inaya na ako nila Ayen at Ryca na bumaba. Kakain na daw kasi.
Nasa harap lang kami ng table at nag-insist si Shantal na siya na daw ang mag-pepray. Matapos ang prayer ay tahimik kaming kumakain. Walang nagsasalita samin.
Nung matapos kaming lahat ay napagdesisyunan ng girls na kami na ang mag-huhugas. Kaya kami na ang naghugas.
Actually, Hindi normal ang paghuhugas namin. Nagkabasaan pa sila. Ghad. Parang mga bata talaga.
**
Maaga akong nagising dahil sa ingay sa baba.
Okay? Anong nangyayari?
Napatingin ako sa loob ng kwarto at napakunot ang noo ko nung mapansing wala ni isang tao ang masa kwarto maliban sakin?
Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili.
Lumabas ako ng kwarto at rinig na rinig ko ang sigawan sa baba.
"SHET KA!!! I NEVER EXCEPT THIS TO HAPPEN. MATAGAL NA PALA TO PERO BAKIT HINDI KA NAGSASABI?? APAT NA TAON!!! APAT NA TAON MO AKONG PINAG MUKHANG TANGA!!!!" Napacross arms ako nang makita ko silang lahat sa sala na nagkumpulan at inaawat ang sumisigaw na si Kaira.
Nandun silang lahat. Maski si Ian. Yung mga babae inaawat si Kaira na umiiyak at namumula sa galit.
Yung mga lalaki naman ay nakatayo lang except kay Ian na nakaupo at nakadekwatro pa habang tinitignan ang nangyayari.
What the hell is happening here?
Bakit sinisigawan ni Kaira si Andrex?
Bumaba na ako para lumapit sa kanila. Hindi ata nila ako napansin dahil busy sila sa panunuod ng eksena.
"Kaira..." Akmang lalapitan ni Andrex si Kaira pero sinampal lang siya nito.
"Aww. Solid." Naiiling kong sabi.
"Gising ka na pala Ara." Sabi ni Jero.
"Hindi. Sleeptalk to." I answered then rolled my eyes.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang sila.
"Andrex, Kaira. Bat nagsisigawan kayo?" Taas kilay kong tanong.
"This bustard. This freaking damn bullshh bustard!!!" At dinuro duro pa ni Kaira si Andrex.
Napaihip ako ng hangin at bored na tinignan si Kaira. "Andrex is a bustard? Sa tino niyang yan? Eh ano pang tawag mo kay Clyde at Dale kung ganun?" Sabay tingin ko sa dalawang traydor. Nag-iwas ng tingin si Clyde, Samantalang si Ian ay nakapoker face parin.
"Matino? Kalokohan!" Nagngingitngit sa galit si Kaira. Ano ba kasing nangyayari??
"Kaira please. Let me explain." Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala si Andrex. I guess this is a serious matter about their relationship. Malakas ang kutob ko na may nangyaring hindi maganda. Lumapit na si Andrex kay Kaira at niyakap si Kaira kahit nag-aalpas ito.
"I love you. Mahal na mahal kita Kaira. Yun ang totoo. Please, Pag-usapan natin to." Humihikbing pakiusap ni Andrex. Pero sadya atang malakas si Kaira pag galit at nagawa niyang maitulak ito palayo sa kanya si Drex tsaka niya sinampal ng magkabilaan at pinagsusuntok pa sa dibdib.
Aray. Masakit yun. Ang brutal ni Kaira.
"K-kaira... pakiusap. Bugbugin mo ako kung gusto mo, Handa kong tanggapin. Basta ba... b-basta ba... p-pag-usapan natin to. Please Kaira." Biglang lumuhod si Andrex sa harap ni Kaira habang hawak hawak nito ang dalawang kamay ni Kaira. Nakatingin lang si Kaira kay Andrex at puno ng galit ang mga mata niya. Puno ng galit, Sakit at luha.
Hindi ko alam ang irereact ko. Lahat kami natigilan sa ginawa ni Andrex. First time kasi naming makitang ganyan silang dalawa. Kung tutuusin, Napaka perfect couple nila. Parehas matino. Pero ngayon, Gulat nalang nararamdaman ko habang pinagmamasdan sila.
"Tumayo ka jan Andrex *hik*" Iyak ni Kaira.
"Hindi. Hindi ako tatayo *sniff* H-hanggang hindi ka pumapayag na makipag-usap sakin." Iyak rin ni Andrex.
Sheeez. Too much for this drama.
"Ayoko na Andrex. Ang sakit ng nalaman ko. Please Andrex. Please lang. Mag... m-mag hiwalay nalang tayo." Napatakip ng bibig sila Ryca, Ayen at Shantal. Samantalang yung mga lalaki ay nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Kaira. Na para bang nagjoke siya.
"Kaira... Huwag ganyan. Huwag biglaan." Sabi sa kanya ni Ayen.
"Kaira. A-ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Ryca.
Tinignan kami isa isa ni Kaira. Binawi niya ang kamay niya sa nakaluhod at nakatungong si Andrex na tahimik na humihikbi.
"Andrex is engaged with Lyssa Amanda Sy." Pagsisimula ni Kaira.
"WHAT???!!!" Tanong nilang lahat. Except samin nila Ian, Andrex and Clyde.
"Four years ago. February, One week bago ang highschool prom natin nung malaman niya yun. Pero hindi niya sinabi sakin. Alam nating lahat na adapted lang si Andrex right? At yun ang gusto ng parents ni Andrex." Nagpunas ng luha si Kaira. Inalalayan siyang umupo ni Ayen.
"Hindi ako pumayag sa engagement. Umayaw ako." Si Andrex na nagsalita habang tumatayo. Nagpunas din siya ng luha niya.
"Kaya nagtayo ako ng sariling business ko. Kaya ayaw kong tanggapin ang offer ni Dad na ako na ang magpatakbo ng kompanya after graduating in college, Kasi once na umoo ako kay Dad. Ibig sabihin tinatanggap ko na ang engagement. Pinilit nila ako pero sabi ko magpapaka independent nalang ako. Akala ko, Akala ko okay na. Pero biglang dumating si LA dito sa Pilipinas at kinausap si Dad. Ngayon, tinakot ako ni Dad, Binago niya ang isip niya na imbis na hayaan nalang ako ay bigla niya nanamang ipinagpilitan ang pesteng engagement na yan. Idadamay niya daw ang restaurant ko pag umayaw ako at pag hindi ako nakipaghiwalay kay Kaira." Tinignan ni Andrex si Kaira na ngayon ay umiiyak parin.
"I was trying to fix this alone pero narinig ni Kaira kanina na kausap ko si Dad sa phone at ang topic namin ay si LA and he kept on pushing me on LA." Sino ba yang LA na yan.
"Si LA. Model siya diba? Siya yung sikat na model?" Tanong ni Shantal at tumango sila Ayen at Ryca.
"Kaira. Hindi option ang paghihiwalay natin. Sorry kung nilihim ko. Pero I'm not yet engaged. At kahit kelan hindi ako maeengage kung hindi sayo. Please Kaira." Andrex Plead.
Umiling iling lang si Kaira habang umiiyak.
"Give me time. Give me space. Give me a break." Yan lang ang sinabi ni Kaira bago tumakbo paakyat sa taas.
Leaving us behind.
What a cliche love story. Tsk tsk tsk.
Hindi talaga bagay sa barkada namin ang fairytale-like love stories. Ang panget.