Hinawakan ni Brandon ang mga malalambit na kamay ni Inday at pinagmasdan nya muna ang magandang mukha nito at nararamdaman nya ang kuryente na dumadaloy sa kanyang katawan patungo kay Inday. " Bukas na bukas Inday, sumama kana sa akin sa maynila, please naman oh" Pagmamakaawa pa ni Brandon at nag isip na muna si Inday ng kanyang isasagot.. " Sandali po mag iisip po muna ako..... Ummmm... sige po sasama na po ako" Nakangiting sabi ni Inday at hindi makapaniwala si Brandon.. " Ang bilis mo naman mag isip, sige bukas na bukas mag ayos ka ng maaga para maaga din tayo makanuwi ng maynila, tara na matulog na tayo" Natutuwang sabi ni Brandon. Kinabukasan, Maagang gumising at nag asikaso si Inday at Brandon para sa pagbabalik nila sa maynila at sa pag uwi nga nila inaasahan ni Inday na muling

