Pilit na iniiwas ni Inday ang kanyang mga tingin dahil ayaw nya na mag tama ang mga mata nila ng kanyang amo na si Brandon dahil mas lalo lalo sya kinakabahan. Hindi nya kasi inaasahan na magtatapat sa kanya ng damdamin ang kanyang amo at wala din sya alam sa kung ano nga ba magiging takbo kung sakali man tanggapin nya ang pagtingin nito sa kanya. " Sir matutulog na po ako, sa susunod na lamang po tayo mag usap" Pag iwas na lamang ni Inday at tatayo sana sa kanyang pagkaka upo ngunit pinigilan sya ni sir Brandon nya. " Teka sandali, aalis ka agad? mag usap muna tayo" Pagpigil pa ni Brandon kay Inday kaya muli ito naupo sa kanyang tabi at tinignan nya ang mga magagandang mata ni Inday. " Ano naman po ang pag uusapan natin sir?" Tanong naman ni Inday at nag pukos sa kanya ang mga mata ng

