Hindi alam ni Brandon kung paano pagagaanin ang kanyang loob dahil sa totoo labis ito nasasaktan na nakikita nya si Inday na masaya na sa piling ng iba at hindi nya matanggap. " Kamusta na Bella ang araw mo? hindi kaba napagod" Pagsalubomg naman ni sir Rodolfo kay Inday at yumakap naman ito sa kanya. " Maayos po ang araw ko sir Rodolfo, sa totoo nga po hindi ako kinabahan ng makita si Brandon" Masayang pagbabalita ni Inday at natutuwa naman si sir Rodolfo. " Mabuti naman kung ganoon, Bukas na ipapakilala ng Bloom Beauty Company ang kanilang bagong kabas na produkto at isa ka sa mga ipapakilala nila bilang Indorser nila" Pagbibigay alam pa ni sir Rodolfo at nawala ang mga ngiti ni Inday. " Ibig sabihin nandoon ang kanyang Ina at ang kanyang fiance" Tila kinakabahan pang sabi ni Inday

