hindi sinabi ni Inday kay sir Rodolfo ang kanyang pagbubuntis dahil ayaw nya na mag alala pa ito sa kanya kaya minabuti na lamang nila ni Chad na ilihim na lang muna. " May malaki tayong problema ngayon, may malaking nawawalang funds ang kompanya natin ngayon Chad, pinapa imbestigahan ko na kung paano ito nagyari" Masamang pagbabalita ni sir Rodolfo na ikinabahala ni Inday at Chad. " Sino naman maglalakas ng loob na kunin ang funds ng kompanyan natin Papa? ano na mangyayari sa mga investor natin?" Pag alala pa ni chad. " Tumawag sa akin si Mr Montenola at inaalis na nila ang collaboration natin sa kanila dahil sa problemang ito, sa ngayon magulo pa ang sitwasyon at kapag tuloyan na bumitaw ang Bloob Beauty Company sa collab malaki mawawala sa atin" Malungkot na pagkakasabi ni sir Rodolf

