Chapter 21

1877 Words
"W-William," ani Atasha habang nalulunod sa halik na pinagsasaluhan nila ni William. Pakiramdam niya ay kung hindi ito hihinto ay tuluyan na siyang magpapaubaya sa binata. Labis-labis siyang nadadarang sa apoy ng pagnanasa. Tuluyan na siyang nawalan ng pakialam kung nasaan man sila. Sa kanyang nararamdaman ay parang wala na siyang pakialam kung nasaan man sila. Ang nais lang niya sa mga oras na iyon ay magpakalunod sa ipinaparamdam ni William sa kanya. Maliban sa ama ni Juaquim na hindi man lang niya nakilala at wala naman siyang balak kilalanin, ay walang ibang nakapagparanas ng ganoong klase ng halik sa kanya. Si William lang. Halik na para kang inililubog at hindi makahinha. Nakakadala at nakapagniningas ng apoy. Ganoon ang epekto sa kanya ng halik ng binata. Ngunit ang isang malaking nakakapagtaka ay ang pamilyar na pakiramdam sa bawat dampi ng labi nito sa labi niya. Ang bawat paggalugad ng dila nito sa loob ng bibig niya. Nakakapanghina, ngunit may kakaibang kiliting dulot iyon sa kabuuan niya. "Atasha," narinig niyang muling sambit ni William sa pangalan niya sa pagitan ng halik na pinagsasaluhan nila. Kahit si William ay walang balak huminto sa kanyang ginagawa. Ngayon lang niya muling naramdaman ang mabaliw ng ganoon ng dahil lang sa isang halik. Kailan ba ang huli? It was five years ago. Nang dahil lang sa pagmamagandang loob niya. But the help he gave gone wrong. He take advantage, na bigla na lang nangyari, sa isang pobreng dalaga. Ngunit ngayon ay nararamdaman niya ang kaparehong intensidad ng halik, katulad noong gabing iyon. Halik na nagpabaliw sa kanya. Kaya hindi niya napigilan ang sarili. Ang iniligtas niya, sinalakay din niya. Patuloy lang nilang pinagsasawa ang labi ng isa't isa. Halik na parang wala ng bukas. Ang mahihigpit na yakap na wari mo ay walang makakapaghiwalay sa kanila. Mga yakap na kay higpit na sa tingin mo ay sabik na sabik sa piling ng isa't isa. He move heaven and earth, para lang hindi mapigtas ang init na kanyang nadarama. Habang lalo lang pinaghuhusay ni Atasha ang paglibot ng kamay nito sa katawan niya. She crave for him. He crave for her. Now she admit it. She want William. And now he admit it. He want Atasha. That cravings make her crazy. Crazy as hell. He has no cravings. But she made him crazy. Crazy as hell. Hanggang sa abalahin sila ng taginting ng bakal. At isang eksaheradong tikhim. Kapwa sila hinihingal. Hindi nila alam kung gaano katagal na magkahugpong ang kanilang mga labi. Ngunit kahit gaano man iyong katagal o kabilis, pareho lang sila ng nararamdaman. Nabitin sila sa halik na iyon. Dahil pareho silang naghahabol ng hininga. Pilit na pinigilan ni Atasha si William, na wari mo ay gustong baliwalain ang narinig. Hanggang sa unti-unti itong huminto sa paghalik sa kanya. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Atasha at mabilis na naitulak si William. Ngunit hindi naman sila nagkalayo. Dahil pareho silang nakasalampak sa semento. Akala ni Atasha ay walang makakapagpahinto sa init na nararamdaman niya. Na kahit may bombang sumabog sa tabi nila ay hindi nila mapapansin. Ngunit sa matinis na taginting ng bakal at isang tikhim. Biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang nagniningas pa lang na apoy "W-William." "A-Atasha." "Hey lovebirds!" Eksaheradong saad ng isang tinig kaya sabay silang napatingin ni William sa taong nagsalita, na hindi talaga nila kaagad napansin. "Kailan pa natuloy ang love story ninyo? Kung nagligawan na lang kayo di hindi na kayo gumastos ng malaki para lang magkababy, masarap pa. Hindi na sana dumaan sa butas ng karayom ang inaanak ko. Para lang mabuo." "Martinez!" tawag dito ni William na ikinangisi lang nito. "Ssh, wag kang sumigaw Will. Makakaabala ng tulog ang boses mo eh. Isa pa bago kayo magreak. Alam ba ninyo kung anong oras na at kung nasaan kayo?" Doon ay sabay pa nilang inilibot ang paningin at saka lang nila napagtantong nasa parke nga pala sila. "Wala kayo sa five star hotel, at wala kayo sa presidential suite na may malawak at malambot na kama. Narito lang naman kayo sa parke at nakalupagi pa kayo sa semento. Abalahin ko muna kayo sa loving-loving ninyo ha. Ang drama-drama ninyong dalawa. Tapos magtutukaan lang kayo, sa harapan ko pa. Unbelievable. Kawawa naman ang single na katulad ko. Pero ito sersyoso. Magsitayo na kayong dalawa at sa condo na ninyo ituloy iyang naudlot ninyong rated spg dito sa parke. Mai-eskandalo ang mga multo sa inyo eh." Bigla namang pinamulahan ng pisngi si Atasha. Hindi naman niya akalaing may nakakakita sa kanila ni William sa mga oras na iyon at kaibigan pa ng lalaki. Maang naman na napasunod ng tingin si Atasha kay Jacobo ng tumayo ito sa bench na kanila lang ay kinauupuan niya. Doon lang niya napansin ang pwesto nila ni William na pareho nga silang nakasalampak sa semento. "Nakakahiya," bulalas ni Atasha at mabilis na tumayo. Inalalayan naman kaagad ni William si Atasha. Naiiling na lang si William sa mga sinabi ni Jacobo sa kanila. Sa totoo lang ay nakalimutan talaga niya kung nasaan sila ni Atasha. Ngayon masasabi niyang dahil sa paghalik niya sa dalaga ay nakalimot siya. Bagay na ngayon lang niya naranasan. Dahil lang sa isang halik, parang nawalan siya ng pakialam sa paligid. "Jacobo!" "Bakit?" patamad na sagot ng kaibigan. "Uuwi na ako. Inaantok na talaga ako. Ayaw kong makaabala sa inyo. Ano ako mutsatso. Kasalungat ng mutsatsa. Isa pa ayaw ko ngang maging saksi sa pagbabatu-bato-pick ninyo. No way talaga. Uuwi na ako. Mahalaga lang naman nakita mo na ang ina ng anak mo." "Hindi iyon ang nais kong sabihin sa iyo. G*go!" "Aray naman! Sapul sa mukha ko Del Vechio ang sinabi mo," paismid na saad ni Jacobo habang nakasimangot kay William. "Tumirik ang kotse ko. Kaya dito ako biglang napatigil. Tapos ang pinakamagandang nagawa ng pagtirik ng kotse ko, nakita ko si Atasha." "Ay grabe! Sinasabi ko na nga bang may multo sa parke na ito. Baka naingayan kay Atasha, kaya pinatigil ang sasakyan mo ng maalis mo na dito si Atasha. Kaya lang nawala nga ang pag-iyak, may pa-spaghetti pataas-pababa naman kayo." "Jacobo!" "Tamo itong si Del Vechio. Oo na tara na ihahatid ko na kayo. Pero wag kayong magbatu-bato-pick sa back seat ko ha. Tuloy ninyo yan sa loob ng kwarto ninyo. Tatawag na lang ako ng maghihila at gagawa ng kotse mo," nakangusong saad ni Jacobo kaya naman nailing na lang si William. Halos magkulay kamatis naman si Atasha ng buhatin siya ni William na parang bagong kasal. "M-maglalakad na lang a-ako." "Tss. Magsalita nga ay nauutal ka pa. Makalakad pa ang magawa mo. Huwag mong pansinin si Jacobo. Hindi siguro nakapagturok ang isang iyan ng gamot niya sa utak." "William! Kaibigan mo iyon." "Biro lang. Relax kumapit ka na lang sa leeg ko." At iyon na nga lang ang ginawa ni Atasha. Pati ang ulo niya ay isinandig na lang niya sa dibdib ni William, na ikinangiti nito. Nailing na lang si Jacobo ng lampasan siya ng dalawa. Siya pa ang nagbukas ng pintuan nang back seat. "Just sit back and relax. Mahal na hari na may kasamang prinsesa. Ako na ang bahala sa maayos at smooth ninyong paglalakbay sa kaharian ng isang Del Vechio." "Magmaneho ka na lang Martinez." "Ang sungit mo Del Vechio." "Ayaw mo nang dalawang milyon." Mula sa tingin niya sa bintana ay nabaling ang paningin ni Atasha kay William ng sabihin nito sa kaibigan kung ayaw ba nito ng dalawang milyon. Marahan siyang napabuntong-hininga. Ganoon naman talaga ang mayayaman. Parang walang pakialam sa pera, kung magbitaw ng milyon. Parang nagbitaw lang nang bente pesos sa bulsa. Alam niya iyon, at isa siya sa ganoon noon. Dahil kulang siya sa pagmamahal at aruga. Sa paggastos lang ng pera niya ibinubuhos ang mga kakulangan sa kanya. Ganoon din naman ang nakita niyang ugali sa mga magulang. Hindi halos nagkaroon ng panahon sa kanila ng kuya niya. Ngunit wala naman pakialam sa paglalabas ng pera. Kung sana nagmula sa hirap at natutong magtipid kaya ang mga magulang niya? Maramdaman kaya niyang mahal siya ng mga ito? Magbuhos kaya ng pag-aalaga ang mga ito sa kanya. Tanong niya na sa tingin ni Atasha ay hanggang tanong na lang talaga. Natigilan naman si Jacobo sa sinabing iyon ng kaibigan. "Sigurado ka ba Del Vechio? Hindi ka talaga nagbibiro? Sa kuripot mong iyan? Two million talaga ha. Atasha ikaw ang saksi." Kahit sabihing pag-aaksaya lang ng pera ang gagawin ni William ay natawa naman siya sa sinabing iyon ni Jacobo. Nailing na lang din siya. Si Jacobo na hinihingi lang ni William ang katahimikan ay magkakaroon kaagad ng instant dalawang milyon. Samantalang siya, nagbenta pa ng matres para lang makabuo ng anim na milyon. Doon niya masasabing life is so unfair. Kung ang pagbabasehan mo ay ang pagkakakilanlan at estado sa buhay. Hindi man lahat ng mayayaman ay ganoon. Katulad niyang magastos noon. Pero hindi naman siya nanlalamang. At matipid na siya ngayon. Ngunit karamihan talaga ng tao, ay pera ang sinasamba. Pero hindi niya masabing masamang tao si William. Dahil sa kabila ng kasungitan at ugaling minsan kinaiinisan niya dito ay nararamdaman niyang mabuting tao ito. Lahat lang naman ng kanina niyang iniisip ay bigla lang dumaan sa kanyang isipan. Dahil lang sa simpleng analisasyon sa pangyayaring nasaksihan. "Yeah, I witness and I hear that. Smooth and clear," sagot ni Atasha. "Ayan Del Vechio ha." "I'm serious Martinez. Kaya lang daig mo pang naghihirap ah." "Will hindi sa lahat ng oras makakapulot ka ng dalawang milyon habang nananahimik lang." "Oo na, ipangako mo lang na ititikom mo iyang bibig mo. Higit sa lahat tigilan mo si Atasha sa biro mo at huwag mong isama sa kalokohan mo " "Madali akong kausap Del Vechio. Hay! Two million is waving. Easy money. My account is open anytime," nakangising saad ni Jacobo, kasabay ng invisible na pagzipper ng bibig. Nailing na natatawa na lang si William sa kilos ni Jacobo. Sabagay sino bang hindi matutuwa sa easy two million. "Hampas-lupa," bulong niya. "Mahalaga may dalawang milyon." Muling itinuon ni Atasha ang paningin sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung tama pa bang palawakin niya ang kanyang nararamdaman para kay William. Ngunit kahit papaano depende pa rin sa magiging sagot nito. Magtatanong na lang muna siya pagnagkausap silang dalawa. Kung ano ba ang plano nito sa kanya? Kung may ibig bang sabihin ang sinabi nito. O baka naman, masyado lang talaga itong nag-alala sa anak nito ng umalis siya ng condo nito. Kaya naman biglang nakapagsalita ng kung anu-ano. Sa ngayon hahayaan muna niya ang sariling maging masaya sa nakaw na sandaling siya lang ang may alam. Habang nasa tabi siya ni William ay nakapaikot sa maliit niyang baywang ang kamay nitong ipinaparamdam na ligtas siya basta nasa tabi niya ito. At ang mga panaka-nakang halik nito sa ulo niya. Kaya kung ano man ang magiging sagot ni William sa kanyang mga tanong ay tatanggapin niya. Dahil simula't sapul naman, sinabi nitong walang kasamang damdamin ang kontratang pinirmahan nila. Kaya lang may pa breaching of contract pa itong sinasabi kanina. Na kahit papaano umaasa siyang ang tahimik niyang pagsinta kay William ay magkaroon ng katugon. Katugong, sana ay totoong may magmahal sa kanya. Sana ay mahalin siya ni William, sa kabila ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD