Ilang beses ng nagpabalik-balik sa paglalakad at pag-upo si Atasha sa sofa sa may salas, ngunit hindi pa rin niya makuhang kumalma. Kahit ang antok ay naging mailap sa kanya. Nakailang dial na siya sa cellphone number ni William ngunit hindi nito sinagot ang tawag niya. Labis na siyang nag-aalala sa binata. Ngunit hindi naman niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi rin niya alam kung paano ito hahanapin. Napasulyap na lang siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Halos ala una na ng madaling araw sa mga oras na iyon. Ngunit wala pa siyang balita kung nasaan si William at kung ano na ang nangyari dito. O kung ano na ang ginagawa nito. Naupo muli si Atasha sa may sofa, at pilit na kinakalma ang sarili. Ayaw niyang mag-isip ng negatibong pangyayari. Kahit sa katunayan ay nais n

