[Ayane's pov] Lumipas ang mga araw ay inabala ko ang aking sarili sa trabaho. Patuloy pa rin ginagawa ang drama namin ni Kentou pero ang aming pakikitungo sa isa't isa ay dahil na lamang sa drama. Aaminin ko na napakahirap na makita siya araw araw habang hindi ko masabi sa kanya ang totoong dahilan. Gabi gabi ay nagpapaplano kami ng aking pamilya para mapabagsak ng tuluyan ang mga Richards. Ngunit hindi madali ang mga aming naging plano. Ayaw naman namin may maapektuhan na inosente para lang mapabagsak sila. Samantala naman ay naging laman sa mga balita ang aming relasyon ni Xeno kaya lalong naginf mainit sa mga mata ng media ang aking mga kilos. Lalo na ngayong may pagsasamahan kaming movie ni Xeno. Lahat yata ng mga celebrity event ay wala akong magawa kundi makasama siya. Alam ko na

