[Ayane's POV] Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Plano ko na ubusin ang oras ko ngayong araw sa pagbabasa. Matagal tagal ko na rin nang huli ito nagawa. Hinahatid naman ni Manager Reina ang pagkain sa kwarto. Ibig sabihin ay kami lamang ang nasa mansyon ngayon. Mukhang lalo sila naging busy pagkatapos ng event. *after few hours* Sinara ko ang librong binabasa ko dahil sa sobrang pagkabagot. Nakakapanibago dahil hindi naman ako nababagot tuwing nagbabasa ako. Mukhang unti unting nababago ang sistema ng buhay ko mula ng pumasok ako sa Star Academy. Sinong mag-aakalang darating ang araw na aayawan ko ang librong hawak ko? Tumunog ang phone ko at nakita ko ang isang unknown number na tumatawag. Nagdadalawang isip akong sagutin ito dahil isa sa mga media ito na natuklasan ang aking phon

