[Ayane's pov] Nakahawak ako sa aking namamagang labi habang nakatingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labing lumapat dito. "that bastard" gigil na gigil ni Lance "masyadong nag-enjoy!" Akala ng karamihan ay lampasan ang aming ginawang halikan katulad ng ginawa ng aming mga naunang kaklase. Pero sa likod ng aming pag-arte ay ang totoo ay paglapat ng aming mga labi. Akala ko nang una ay aksidente lamang nagkalapat ang aming labi pero nagulantang ako ng nagsimulang gumalaw ang labi niya. That was my first kiss. And it was unknowingly stolen by the man named Kentou. Dapat magalit ako sa kanyang ginawa pero anong kapa man ang gawin ko sa aking dibdib ay hindi ko magawang magalit o maghinayang sa pagkawala ng aking unang halik. Pakiramdam ko nga nasa alapaap pa ak

