Laura' POV
_
_
_
MAAGA akong gumising Linggo ng araw na iyon. 3rd Year Anniversary namin ng boyfriend kong si Eric. Kaya naman inaabala ko ang sarili ko sa pagluluto ng dadalhin kong pagkain bilang surpresa dito.
Pakanta kanta pa ako habang hinahalo ang beef caldereta na paborito nito.
"Ay ang bango baka naman pwedeng makakurot dyan." sabi ni Wendy. Kaibigan ko ito at kasamahan ko rin sa trabaho bilang receptionist sa Cristobal Hotel and Resort. Kasama ko rin ito sa apartment na inuupahan namin dito sa Makati.
"Aba pwedeng pwede marami akong niluto." nakangiting sabi ko. Masaya ako dahil tatlong taon na rin kame ni Eric hindi ko man alam kung anong pakulo nito ngayong anniversary namin pero sana ay proposal na. Matagal ko na rin inaantay magyaya itong magpakasal na kame, dangan nga lamang ay hindi pa talaga ito nagpopropose.
Nakangiti pa akong nangangarap na lumalakad sa altar suot ang magandang wedding gown.
"Mahipan ka ng hanging bakla." puna ni Bruce ang babaitang kaibigan din namin ni Wendy.
Umismid ako. "Masaya lang, pakiramdam ko talaga magporpose na sakin si Eric." kinikilig pang sabi ko.
Nagsign of the cross pa si Bruce. "Hayaan mo at ipapanalangin kong matauhan ka dyan sa boyfriend mo bago ka yayaing magpakasal." napasimangot ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay kontra ito kay Eric.
Very vocal ito dahil sa tingin daw nito ay lolokohin lamang ako ni Eric. Pero palagi kong sinasabi na hindi kame tatagal ng tatlong taon kung manloloko ito o babaero gaya ng una kong ex na si David.
"Ewan ko ba sa iyo kung bulag ka ba o sadyang tanga. Sa hilatsa ng boyfriend mo imposibleng hindi nambababae iyon. Itsurang palaging nangkakama." Dagdag pa nito, kahit kailan ay hindi nito pinifilter ang salita pag si Eric ang usapan.
"Oy baklita baka mahurt naman itong si Laura." awat naman dito ni Wendy. Hindi ko naman dinadamdam ang madalas na sinasabi ni Bruce tungkol kay Eric, kaibigan ko ito at iginagalang ang opinion niya.
"Don't worry sissy, mahal ako ni Eric at iyon ang masisiguro ko sa iyo. Mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan okay? Kaya no worry na sissy." nakangiting sabi ko at ikinawit ko pa ang braso ko sa braso din nito.
"Ay basta tandaan mo mahal kita at ayokong masaktan ka kaya pagniloko ka noon sabihin mo lang at handa akong
magpakalalaki maiganti ka lang." matapat na sabi nito, that's why I love Bruce one real friend na for keeps. Pranka pero mapagmahal.
"Promised pagniloko ako kahit ako pa ang maghatid sayo dito para jombagin mo." biro ko pa at tumawa nalang ito.
"Nako kahit hindi mo pa ako ihatid ako na ang kusang pupunta ay ihahampas ko yang kawali natin sa ulo niya. Napakaganda mo para talaga doon sa boyfriend mo na iyon kung tutuusin jackpot talaga sa beauty mo ang loko na iyon." mahabang sabi ni Bruce,
Napanguso ako madalas talaga akong sabihan nito ng maganda half british kasi ang yumao kong Tatay na doon ko nakuha ang ganda ng ilong ko at tangkad maging ang kutis ko ay doon ko rin nakuha.
Matapos kong makaluto ay isinalin ko na ito sa container. Umakyat ako sa silid at mabilis na naligo dahil gusto ko bago pa magising si Eric ay nasa apartment na ako nito.
Nang makaligo at gayak ay kinuha ko ang cake sa ref na binili ko kagabi. Bitbit ang paperbag na pinaglalagyan ng beef caldereta ay nagpaalam na ako sa dalawa kong kaibigan.
_
_
_
_
_
_
DAHAN DAHAN akong pumasok sa loob ng apartment ni Eric, dalawa lamang sila ng pinsan nito na nakatira doon sabi ni Eric ay nagbakasyon raw ang pinsan nito sa Marinduque at aabutin ng dalawang linggo bago ito makabalik muli kaya mag-isa lang si Eric sa ngayon sa apartment nito.
Ipinatong ko ang paperbag at box ng cake sa mesa. Doon ko na rin binaba ang bag ko. Up and down ang apartment nito, dahil tiyak na tulog pa ito ay aakyatin ko nalamang ito sa silid nito.
Habang papaakyat ako ng hagdan at papalapit sa silid ay nagtaka pa ako na may sapatos ng babae. Pinulot ko iyon, nang marating ko ang dulo ng hagdan at red na panty naman ang nasa sahig pati t-shirt na panlalaki at isang red na dress din. Bigla akong kinabahan. Nanginginig ang mga kamay na pinulot ko ang mga iyon.
Huminga ako nang malalim at nanginginig pa rin ang mga kamay na binuksan ko ang pinto ng silid ni Eric. Napasinghap ako sa nasaksihan ko. Si Eric nakahubad kasama ang isang babaeng hubad din, nakatalikod ang babae at nakakumot ang kalahati ng katawan.
Ilang segundo lang akong nakatingin sakanila bago ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko. Kinuha ko ang unan na nahulog at buong lakas na hinampas sa natutulog na si Eric.
Nagising ito at gulat na gulat. Hinampas ko uli siya. "Mga hayop kayo! Hayop ka!" sigaw ko at mabilis akong sumampa sa kama at hinila ang buhok ng babaeng nakatalikod.
Gulat at galit ang naramdaman kong namakilala ko ito. It was Vicky. Ang team leader sa lobby area ng Cristobal Hotel and Resort kung saan kame pareparehong nagtatrabaho. Nagpupuyos ako sa galit, lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa buhok niya.
"Ano ba!!" tiling sigaw nito. "Bitiwan mo ako!" galit na dagdag nito. "Eric awatin mo yang babae na yan!" banta nito kay Eric. Nagpupumiglas ito sa pagkakasabunot ko.
Hinawakan ako ni Eric at pilit na inaalis ang kamay kong nakahawak sa buhok ni Vicky. "Putangina mo!" galit na sigaw ko. "Malandi ka, malandi ka!" umiiyak na nasigaw ko at wala akong paki kahit makita pa nila akong umiiyak.
Nakalas ni Eric ang kamay ko at agad na nakalayo si Vicky saakin. Mahigpit naman ang pagkalahawak ni Eric sa baywang ko. "Go umuwi ka na muna Vicky." utos ni Eric dito.
"No!" galit na sabi nito. "Ang pangako mo hihiwalayan mo na yan, so do it now!" utos nito kay Eric.
Ang kapal ng pagmumukha ng babaeng ito. Kumabit na may gana pang utusan ang boyfriend ko na hiwalayan ako. "Umuwi ka na muna Vicky!" Mataas ang boses na utos ni Eric dito. Akmang sasabunutan ko uli ito ay mas lalo pang hinigpitan ni Eric ang pagkakahawak sakin.
Agad naman na tumalima si Vicky at hinanap ang damit. "Siguraduhin mong hihiwalayan mo yan!" banta pa nito bago umalis.
"Ang kapal ng mukha mo!" nang gagalaiting sigaw ko. Taas baba ang dibdib ko sa galit. Pinakawalan ako ni Eric. Dahil doon ay buong lakas ko siyang sinampal.
Tumutulo ang luha kong nakatingin sakanya. "Anniversary natin pero eto ang regalo mo!" wika ko at tumawa ng pagak.
"I'm sorry babe, natukso lang ako." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Agad kong inilayo ang kamay ko.
"Natukso? Sa itsura ninyo mukhang nakailang round pa kayo!" nang uuyam na sabi ko. Yumuko ito. "Bakit Eric?" tanong ko, gusto kong malaman ang dahilan niya kahit alam kong lalo ko lamang sasaktan ang sarili ko.
"Lalaki ako Laura, may pangangailangan na hindi mo kayang ibigay!" bulalas nito. Napailing iling ako sa sinagot niya. Wala itong ikinaiba kay Dave same reason.
"Three years Eric, three years! Nasayang ang tatlong taon ng buhay ko sa walang kwentang kagaya mo!" galit na sabi ko. "Nang dahil lang saan sa s*x?"
"Minahal kita Laura pero alam mong may pangangailangan din ako_
"Putanginang p*********i mo!" putol na mura ko. "Kung mahal mo ako makapaghihintay ka, kung mahal mo ako hindi ka matutukso dahil lamang sa may pangangailangan ka." sabi ko.
"Ganoon lang siguro kababaw ang pagmamahal mo kaya ang dali sayong mambabae para lang may maikama ka at maibigay ang pangangailangan mo. Kasi kung mahal mo ako hindi mo gagawin ang bagay na yan!" umiiyak na sabi ko. I am a loser. Natalo na naman ako ng pagiging hopeless romantic ko, masama bang ingatan mo ang sarili mo at ilaan ang bagay na iyon para sa kasal nyo? Para sa taong mahal mo?
Hindi ito umimik. Lumabas ako ng silid sinundan ako nito sa ibaba. "Laura please, lalaki lang ako nagkakamali sana maintindihan mo."
Galit na hinarap ko siya. "The hell with your reasons. Puro lalaki lang ako, may pangangailangan. Kaya nga may porn site at kamay edi sana naghandjob ka nalang!" Gigil na sabi ko. Pesteng to ano kasalanan ko pa kasi hindi ko maibigay?
Dinampot ko ang bag ko pati ang niluto ko at cake na bitbit ko. Nunca na hayaan kong kainin niya ang mga iyon. Nagmamadali akong lumabas ng apartment niya. Hinabol niya pa rin ako hangang sa may pintuan.
Paglingon ko ay gusto kong matawa ni hindi man lang ito nagshort o brief. Tiningnan ko siya mula ulo hangang paa.
"Break na tayo, kay Vicky na iyang wala pang 4 inches mong pagkalalaki." Sabi ko, sa itsura nito ay tila nagulantang pa sa sinabi ko. Kapal ng mukhang mambabae kakapiraso naman pala ang pinagmamalaki. The nerve!
Agad akong pumara ng tricycle na nakita ko at nagpahatid sa terminal ng Jeep pa Sta.Mesa. Nanginginig pa rin ako sa galit, gusto kong ingudngud ang higad na si Vicky sa putek.
_
_
_
_
_
_
NANG makarating ako sa apartment namin ay ibinaba ko agad sa lamesita ang bitbit ko. Kalalabas lamang ng silid ni Bruce noon.
"Warlalu?" tanong nito. Bigla ay humagulgol ako at walang tigil na umiyak. "Ay baklush ka anong nangyari? Naholdup ka ba?" nagpapanic na tanong nito subalit lalo lamang akong humagulgol.
"Wendy!" sigaw ni Bruce, "Kumuha ka ng tubig dali, naholdup yata itong si Laura." lumabas naman ng silid si Wendy at iniabot kay Bruce ang tubig.
"Uminom ka muna ng mahimasmasan ka." utos ni Wendy.
Lintek na mga luha ko ayaw tumigil. "May babae siya nahuli ko sila!" bulalas ko.
"Ay kabayong lintek sinasabi ko na nga ba talaga, kaya iba ang kutob ko sa huklubang ulikba mong boyfriend eh." nagpupuputak ng litanya ni Bruce. "Halika samahan mo ako at naku titirisin ko talaga yang ulikba na yun." lait pa nito.
"Ano bang nangyari Laura?" usisa ni Wendy. Umupo ito sa tabi ko at hinimas himas ang likod ko. "Kumalma ka." utos nito.
Huminga ako nang malalim. "Si Vicky at si Eric nahuli ko mga hubo't hubad." kwento ko. "Kapal ng mukha niyang sabihin na lalaki lang daw siya at may pangangailangan." muli ay umiyak na naman ako. I was so hurt. Pang ilan na ba ito? Bakit palagi nalang?
Marahas na tumayo si Bruce. "Ay lintek talagang ulikbang Eric na yan akala mo pagkagwapo para ipagpalit ang gaya mo? Halika puntahan natin at ng makalbo ang gagong iyon!" galit na galit si Bruce, pilit ako nitong niyayaya palabas upang sugurin namin si Eric.
"Tapos si Vicky pa ang kaulayaw?" pagkukumpirma ni Wendy.
"Oo, magkasama sila sa iisang kama!" sagot ko, nanlalaki ang ilong at mata ni Bruce sa gigil.
"Iyong tikbalang na iyon ang ipinalit? Santisima abay bagay nga silang dalawa mga impakta!"
"Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa iyon saakin ni Eric..." umiiyak na sabi ko.
Pakiramdam ko hindi totoo ang fairytale wala talagang happy ending ang pag-ibig.
Hinimas himas ni Wendy ang likod ko. "Blessing na rin iyan, imagine kung napangasawa mo iyon tapos ganoon kagago nakuuuu talaga magugunting ko ang lalaking iyon!", anito pa
Was it really a blessing in disguise? Ang mahuli ko bang may babae ito ay isang blessing? I thought perfect na siya para maging asawa, he was kind actually. Kaya nga sinet ko na ang isip ko na siya na talaga ang nararapat.
"Hay naku girl, ako noon pa ayoko na diyan sa boyfriend mo na yan. Iba talaga ang kutob ko, feeling ko iiskoran lang noon talaga tapos iiwan din. Sa ganda mong iyan ay 100 percent gusto ka talagang ikama!" nasaktan ako sa sinabi ni Bruce, lahat nalang ba ng lalaki ang hangad lang ay maikama ako? O ang mga babae? Ganoon nalang ba iyon?