Sabay kaming nakarating ni Apollo sa bahay ng kaniyang mga magulang. Ako ay kinakabahan na, pero nang makita ko siya ay mukhang kalmado lang. Agad ko naman siyang nilapitan. Nauna na si Tiffany sa loob ng malaking bahay. “May ideya ka ba kung ano ang mayroon ngayon? Kinakabahan ako. Ang sabi ni Tiffany ay galit daw ang Mommy mo,” sambit ko agad sa kaniya. “Hey, stop worrying about nothing. Kilala ko si Mom. Malakas lang ang trip no’n ngayon. Sigurado ako na may surpresa ‘yan sa atin dahil nalalapit na ang ating kasal. Kaya nagkukunwari lang ‘yon na galit para kabahan ka,” sagot niya sa akin. Pero hindi pa rin nawala ang kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. “Sigurado ka ba talaga d’yan? Hindi talaga ako mapakali ngayon.” Ginulo naman niya ng bahagya

