"Totoo ba? Wow!" natutuwang sagot ko sa kaniya. Masaya rin ako dahil sa wakas ay matatali na rin kami sa isa't-isa. Ibig sabihin ay matutupad na namin ang lahat ng mga naplano namin, o mga naplano ni Apollo. Dahil siya lang naman talaga ang may mga plano una pa lang. Pero sa akin ay ayos lang 'yon. Ang mahalaga naman ay tunay na ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. "Yes. He decided, at last. Akala ko ay matatagalan pa lalo dahil sa problema sa kumpaniya ko. Pero mukhang may good news pa siya para sa ating dalawa. He wants to meet us tomorrow already. Para raw mapag-usapan na ang kasal nating dalawa." Kita ko talaga na masaya at excited siya ngayon. "Sige. Maghahanda pala ako para bukas. Sa tingin mo ba ay mabilis na lang ang magiging plano sa kasal natin?" tanong ko pa sa kaniya.

