Hindi na ako nagulat pa na usap-usapan na naman kami ni Shaicy sa C.U. nang makabalik kami sa aming bansa. Dahil sa kumalat na isyu na nangyari sa semi-final round ay naging mas maingay ang mga pangalan naming dalawa. Napag-alaman ko rin na karamihan sa mga nag-post noong nakaraan ay mga estudyante mula sa C.U. Sila ang nagsabi na kilala nila ang ugali ni Shaicy at malaki talaga ang galit niya sa akin, kaya posible na ninakaw ni Shaicy ang gawa kong business plan noong araw na 'yon. Pero pinalagpas na lang namin ni Apollo ang pangyayari na 'yon. Tutal naman ay napatunayan na sa lahat na totoong nandaya si Shaicy. Siya naman ang mas nakakahiya at hindi ako. Grabe lang talaga ang kakapalan ng mukha ng babae na 'yon. Talagang handa siyang gawin at harapin ang lahat para lamang mapabagsak ako.

