Napaisip ako ng malalim sa offer na ‘yon. 10, 000 dollars ang prize para sa first place?! Kung iko-convert ‘yon sa pera ng Pinas ay nasa 500, 000 pesos ‘yon! Kalahating milyon na ‘yon. Napakalaking halaga no’n kung tutuusin. Kahit hindi na muna ako umasa sa pera ni Apollo kapag gano’n. Pero wala rin namang kasiguraduhan kung mananalo ako. Nabanggit ni Dean sa amin na marami ang magiging contestant para sa event na ‘yon. 50 countries ang maglalaban-laban doon. Mula lamang sa mga malalaking unibersidad sa bawat bansa ang pwedeng mag-participate. Wala talaga akong interes na sumali sa academic contest na ‘yon. Pero naaakit ako sa cash prize. Napakalaking halaga talaga no’n. Para sa isang mahirap lamang na katulad ko, para na akong mayaman sa gano’n karaming pera. Kahit na para sa mga mayaya

