"Mrs. Victoria... hindi ko p-po kayo maintindihan talaga..." Nabablangko ang utak ko ngayon. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin? Ano ang sinasabi niya na siya ang tunay kong ina? Paano ko naman siya naging ina, e sa ibang bansa siya nakatira? Mula pagkabata ko ay rito ako nakatira sa Pilipinas. Imposible rin na siya ang ina ko, lalo na at halos magkaparehas pa kami ng pangalan ni Via. Pina-prank ba nila ako ngayon at inaakala nila na sasaya o matutuwa ako sa prank nila? Lumayo naman ako ng bahagya kay Mrs. Victoria. Nakita kong naiiyak na siya. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang tingnan niya ako. "Alam ko na magaling kang um-acting, Mrs. Victoria. Dahil noong sinabihan ka namin na magpanggap bilang ina ko ay napakagaling mong umakto. Pero bakit mo po ginagawa sa akin ngayo

