Epilogue Third Person's Point of View Sa huling hininga ni Faneya ay nabalot ng nakakabulag na liwanag ang buong Entasia. Natigil ang digmaan at napapikit ang lahat dahil hindi kinaya ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Faneya. Kasabay ng unti-unting pagkawala ng nakakabulag na liwanag ay siyang pagkawala din ni Faneya. Ang kaniyang katawan ay unti-unting nanlalabo. "Faneya please. No" mahinang pagmamakaawa ni Zernon sa babaeng ngayon ay hindi na nahinga pa. Sa huling pagkakataon. Muling nagliwanag ang buong Entasia at kasabay nito ang manunumbalik ng dating ganda ng Entasia. Parang walang nangyaring digmaan. Ang lahat ng tao ay napunta sa kanilang sariling kontinente na kinabibilangan at ang mga kakaibang nilalang ay nagbalik na din sa kanilang katinuan at sa kontinente ng Entay

