Kabanata 7 ANG lumang bahay ang nabungaran ko ng magteleport ako. Hindi ko alam kung nasa Aeryos pa ba ako o wala na. Kani-kanina lang ay nasa Akademia ako. Ibig sabihin kaya kong magteleport kahit na sobrang layo ng lugar at kahit hindi pa ako nakakapunta dito. Ibig sabihin. Nandito sa bahay na ito si Lola dahil nagteleport ako kung nasaan ang aking Lola. Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay. Luma na ito at mukhang walang nakatira. Kumatok ako ng ilang beses. Walang nagbubukas kaya napagpasyahan kong pumasok na lamang. Pinihit ko ang doorknob at bukas ito. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa madalim na bahay. Walang kahit na anong liwanag. Kung kaya ko lang magpalabas ng apoy sa aking kamay ginawa ko na. Humakbang ako at nagulat nalang ako ng magliwanag ang kamay ko at ng iangat

