Kabanata 27 MAKALIPAS ang dalawang araw ay nagising na din si Lola. Nang huli ko siyang bisitahin nong nagdaang araw ay muli binigyan siya ng gamot upang mas mapabilis ang kaniyang panunumbalik ng lakas ngunit ang kapalit nonay dalawang araw siyang mawawalan ng malay kaya naman nong bisitahin ko siya pagkatapos namin kumain ni Zernon ay nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog. Pinasunod ko naman ng araw na iyon si Zernon kay Punong Mahestrado dahil alam kong kakailanganin pa rin siya don. Ngayon ay wala akong balita sa kung ano na ang nangyayari sa pagpapatigil ng hukbo. Palagay ko ay kung maayos ang takbo ng pakikipag usap nila sa Hari ay Reyna ng Aeryos ay siguro naglalakbay na sila ngayon patungong Pyros. Iniisip ko rin kung paano ako magtatanong kay Lola ng tungkol sa bagay na na

