Kabanata 5
Faneya
PAG-UWI ko sa bahay nina Hino ay nakita ko siyang hindi mapakali sa may pintuan. Napangisi naman ako dahil ang cute niya talaga. Siguradong paglaki nito ay ang gwapo ng batang ito.
"Faneya, mabuti naman at nakauwi kana" para bang nakahinga ng maluwag si Hilda ng makita ako.
"Muntik na nga akong maligaw buti nalang may nakasabay akong mga Minhana na taga rito din"
"Kinwento sa akin nitong si Hino na may lalaking gustong bilhin ang p********e mo. Hindi ko man alam ang gagawin mabuti nalang at nakauwi ka ng ligtas. Malapit ko na sanang humingi ng tulong sa buong barrio"
Pumasok kami sa loob dahil nagdidilim na rin naman. Humawak naman sa kamay ko ang batang si Hino. Napangiti naman ako.
Nang makapasok kami sa loob ay agad akong may naalala. Natatandaan ko kasing hangin ang kakayahan ni Lola. Kung ganon, may posibilidad na nasa kontinente siya kung saan ang mga tao ay mayroong hangin nakakayahan.
"Hilda. Ano ang tawag sa kontinente ng hangin?" nabaling ang atensyon sa akin ni Hilda habang nagsisiga ng apoy. Mas lalo kasing lumalamig dahil pagabi na. Kung hindi lang makapal ang magaspang na tela na suot ko ay kanina pa ako nanigas sa sobrang lamig. Hindi pa naman ako sanay sa sobrang lamig na klima.
"Kontinente ng Aeryos. Bakit mo naitanong?" nagdadalwang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tanong ni Hilda o hindi. Ano naman ang sasabihin ko? Nagkahiwalay kami dahil sa pagpasok namin sa Portal? Mukhang wala naman silang alam sa mundo ng mortal kaya hindi magandang ideya kung sasabihin ko ang totoo.
"Wala lang. Pwede bang magkwento ka sa akin tungkol sa mundong ito?"
Kumunot naman ang noo ni Hilda bago mariin akong tiningnan.
"Kung makapagsalita ka ay para kang galing sa ibang mundo Faneya" Malumanay na saad ni Hilda kaya naman napangiwi ako.
"Hindi ko naman kasi akalain na makakalimot ako" pagpapalusot ko. Bumuntong hininga naman si Hilda habang pinapaypayan ang kaniyang sinisiga.
"Ang mundong ito ay tinatawag na Entasia. May limang kontinente. Ang Kontinente ng Pyros kung saan naninirahan ang mga taong may kakayahan ng apoy. Ang Awkaryos kung nasaan ka ngayon. Tubig ang kakayahan natin. Ang Aeryos ay hangin at ang Landyos naman ay lupa. Ang pinaka importanteng kontinente ay ang Entayos kung saan naninirahan ang Emperor at Empress ng buong Entasia.
Sa mundong ito, may natatanging paaralan at iyon ang Entasia Akademia. Karamihan sa Maharlika at Manhara ay nag-aaral sa paaralan na iyon. Swerte nalang ang mga Minhana kapag nakapasok sa taunang pagsusulit sa Akademia"
Tumango naman ako kahit wala naman akong interes sa Akademia na sinasabi niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan ba ang aking Lola.
"Paano po pumunta sa Kontinente ng Aeryos?"
Kahit nagtataka sa aking tanong si Hilda ay agad naman niya akong sinagot.
"May mga karwahe na naglalakbay papuntang iba't ibang kontinente. Upang makapaglakbay ka ay kakailanganin mo ng pambayad. Bakit mo natanong?"
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na talagang mahanap si Lola. Baka napano na ang matandang iyon. Kahit naman ang asal niya ay hindi pangmatanda ay matanda pa rin iyon. Hindi ko maiwasang mag-alala.
"Naalala ko kasing nandon naninirahan ang aking Lola" pagsisinungaling ko. Wala naman akong ibang magagawa dahil hindi ko pwedeng sabihin ang totoo.
"Duon naninirahan ang Lola mo?" may pagtatakang usal ni Hilda kaya naman kumunot ang noo ko. May mali ba sa aking sinabi?
"Bakit?"
"Isang Aeryos ang Lola mo? Paanong naging Akwaryos ka?" may paghihinalang tanong ni Hilda kaya naman lalo akong nagtaka.
"Namana ko ito sa aking ina" napatango naman si Hilda kaya nawala ang aking pagtataka. Akala ko kung anong meron.
"Kakailanganin mo ng tatlong pilak. Isang pilak para sa paglalakbay. Isang pilak para kapag nagutom ka ay mamaari kang kumain sa isang masarap na kainan. Isang pilak naman para makabalik ka dito kung gugustuhin mo"
Napakamot naman ako sa aking batok. Wala naman akong pilak. Napatingin ako kay Hino na kanina pa tahimik sa isang tabi.
"Aalis ka?" nakasimangot nitong usal. Napangiti naman ako. Ang cute talaga ng batang ito.
"Oo, kailangan ko kasing mahanap ang aking Lola. Alam mo na matanda na" natatawa kong turan habang pinipisil ang pisngi ni Hino. Kay gwapong bata.
Umalis siya sa aking tabi kaya naman sinundan ko siya ng tingin. Nawala siya sa aking maningin kaya naman kumunot ang noo ko ng bumalik siyang may dalang tatlong pilak.
"Sayo na yan. Ikaw naman ang dahilan kung bakit naubos ang paninda ko kanina"
Napangiti ako at hinigit ko si Hino at mahigpit na niyakap. "Salamat" sabi ko dito habang yakap yakap siya. Humilay lang ako sa yakap ng makita ko si Hilda na nakangiting nakatingin sa amin.
"Mag-iingat ka Faneya. Madaming mga bandido na nanghaharang paglampas ng tarangkahan ng Kontinente. Siguradong hindi ka nila papalampasin kapag nakita ka nila. Papahiramin kita ng mga damit at balabal upang matakpan mo ang iyong mukha"
Kinabukasan ay inayos ko ang aking mga dadalhin. Binalot ni Hilda sa isang malaking tela ang aking mga damit na ibinigay niya at itinali ito sa gitna. Madaling araw palang kaya naman ay naghahanda na kami sa aking pag-alis. Mahimbing na natutulog naman si Hino. Sabi ko din kay Hilda na huwag ng gisingin ang anak niya. Mukha kasing may magandang panaginip ito.
"Sigurado ka bang hindi na kita ihahatid sa sakayan?" paninigurado ni Hilda. Tumango naman ako.
"Saulado ko na ang daan. Naligaw ako kahapon pero alam ko na ang tamang daan ngayon" ngumiti ako "Babalik ako kapag nahanap ko na si Lola"
"Sige. Hihintayin ka namin ni Hino. Maraming salamat ulit" wika ni Hilda kaya naman napailing nalang ako.
"Ako dapat ang magpasalamat"
Lumakad na ako paalis. Dumaan ako sa may gubat dahil natatandaan ko ang dinaanan ko kahapon. Kung dadaan ako sa dinaanan namin ni Hino ay siguradong maliligaw ako.
Nang makapasok ako sa gubat ay natanaw ko agad ang lawa ng Ophelia. Malinaw iyon at kumikinang. Katulad na katulad ng aking kakayahan.
Tumalikod na ako upang sana ay maglakad na ng mapatigil ako.
"Woah. Ang sarap ng tubig"
Kung hindi ako nagkakamali ay boses babae iyon. Lumingon ako at hindi nga ako nagkakamali. Sa kabilang dako sa gilid ng lawa ay may babaeng umiinom ng tubig sa lawa. Nag-angat ito ng tingin kaya naman nagtama ang aming paningin.
"Uy, Minhana ka rin? Parehas tayo" tumayo siya kaya naman nakita kong may nasakbit na kung ano sa kaniyang likod. Katulad iyon ng aking dala. Mukhang aalis din siya at maglalakbay.
Napatingin naman siya sa hawak kong tela na may lamang damit. Napangiti siya kaya naman tumaas ang kilay ko. Anong problema ng isang ito? Halata sa kaniya na maingay siya at palangiti.
"Tamang-tama. Maglalakbay ka din ba sa Kontinente ng Aeryos?" lalong tumaas ang kilay ko dahil sa naging tanong niya. Paano niya nalaman.
"Paano mo nalaman?" umirap naman siya sa naging tanong ko. Para bang sobrang obvious ng aking sinabi.
"Saan pa ba ang tungo ng isang Minhana na kagaya natin? Edi sa Aeryos. Sabay na tayo mabuti pa"
Lumapit siya sa akin at walang pasabi na hinigit ang aking braso at ipinulupot ang sa kaniya. Pinigilan kong magtaray. Feeling close masyado.
"Ako nga pala si Narnia Boni, isang Minhana at ulila. Kung tatanungin mo ako kung paano ako nabuhay kung mag isa lang ako ay mahabang kwento at kung gusto mo nama--"
"Hindi ako interesado" pagputol ko sa kaniyang sinasabi. Ang daldal niya.
"Ano naman ang ngalan mo?" masayang tanong nito sa akin.
"Faneya" maikling usal ko. Binitawan naman niya ako at pumalakpak na parang tanga. Ano bang problema ng isang ito? Mukha siyang may saltik.
"Ang ganda ng ngalan mo. Kasing ganda mo"
Napasinghal nalang ako. Kung saulo ko lang ang buong lugar na ito ay kanina ko pa itong itinali sa puno at binusalan ang bunganga. Napaka ingay.
"Anong abilidad mo? Ang abilidad ko ay kumontrol ng tao"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Ano daw? Kumontrol ng tao? Human manipulator? Tumawa naman siya dahil sa pagtigil ko. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Huwag ka mag-alala. Hindi ko pa gamay ang abilidad ko. Hirap pa akong kumontrol ng tao at wala din akong balak na kontrolin ka. Nakakatakot ka kaya. Kanina ka pa walang imik at seryoso lang. Hindi ko mahulaan kung may iniisip ka ba o wala"
Nagpatuloy ako sa paglalakad at umaktong walang naririnig. Ugh. Ang dami niyang alam.
"Anong abilidad mo?" tanong niya ulit na mukhang hindi titigil hangga't hindi ko nasasagot.
"Wala" simpleng sagot ko. Sumimangot naman siya.
"Impossible. Lahat tayo may kakayahan at abilidad"
Hindi ko nalang siya pinansin. Kung meron man akong abilidad na sinasabi niya ay kanina ko pa sinabi.
Nakarating kami sa sakayan ng mga karwahe. Kada isang karwahe ay may dalawang kabayo. Nanguna naman si Narnia kaya sinundan ko nalang siya. Sa aming dalawa ay siya naman ang nakakaalam ng lugar na ito kumpara sa akin.
"Kontinente ng Aeryos" wika ni Narnia at may binigay na pilak sa isang lalaki. Katulad ng ginawa ni Narnia ay iyon din ang aking sinabi t ginawa.
Pumasok ako sa karwahe at kita kong mga kasing edad ko ang nasa loob at mukhang mga Minhana. Kumunot ang noo ko. Anong meron?
"Mahaba ang paglalakbay kaya naman tumulog ka nalang Faneya" wika ni Narnia na aking katabi.
Inayos ko ang aking balabal at inangat iyon upang takpan ang kalahati ng aking mukha. Kumpara kahapon ay mas malamig ang simoy ng hangin ngayon.
"Mga ilang oras ang paglalakbay?" tanong ko dito.
"Mga apat na oras rin. Mabagal kasi ang takbo ng karwahe lalo na at madaming sakay"
Hindi na ako nagsalita pa at ipinikit nalang ang aking mga mata. Hindi ko aakalain na ganito ang uri ng pamumuhay dito. Masyadong sinauna pero alam kong hindi sinuna ito dahil nasa kasalukuyan ako. Hindi nga lang sibilisado ang mga tao. Balot na balot din ng kasuotan ang bawat isa.
Nagising naman ako dahil pauga-uga ang aking sinasakyan. Dahil ako ang malapit sa pinto ng karwahe ay agad kong hinawi ang telang nakaharang kaya naman kitang-kita ko ang malakas na pag-ulan at hangin. Malubak din ang daan.
"Ganito talaga dito. Maya-maya rin ay hindi na uulan at babalik na rin ang tamang klima" usal ni Narnia.
Sinaraduhan ko ang harang upang hindi pumasok ang ulan. Napatingin ako sa mga kasamahan ko sa loob ng karwahe. Karamihan sa kanila ay mahimbing na natutulog.
Nagtataka talaga ako kung bakit napakadaming Minhana ang pupunta sa Aeryos. Ano kayang meron. Hindi na ako nag-abala pang magtanong dahil higit pa sa sagot ang sasabihin ni Narnia.
Hindi na rin ako nakatulog dahil hindi ako komportable lalo na at umuuga ang karwahe dahil sa lubak-lubak na daan. Makalipas ang ilang minuto ay nawala na ang ulan at malakas na hangin. Malamig pa rin ang klima. Iyon siguro ang normal na klima para sa kanila. Sabagay. Kung mainit sa mundong ito ay siguradong ang babaho na namin dahil sa pawis.
Makalipas ang ilang oras ay tumigil na ang karwahe. Rinig kong inanunsyo ng isang lalaki na nasa tarangkahan na kami ng Aeryos. Hindi pinapasok ang karwahe kaya naman nagsibabaan na kami.
"Salamat naman nandito na tayo" masayang usal ni Narnia habang nakadipa ang kaniyang braso na parang dinadama ang ihip ng malamig na hangin.
"Tara na" hinigit ako ni Narnia kaya nagpatianod nalang ako. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta. Masyadong malaki ang bawat kontinente. Mabuti nalang din at may kasama ako.
Inangat ko ang balabal upang itago ang kalahati ng mukha ko. Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong napaka lively ng tao dito. Maaliwalas ang kanilang mukha na para bang walang problemang kinakaharap. Napansin ko din ang kulay puting flag na may nakalagay na Aeryos at isang agila. Siguro ay iyon ang kanilang simbolo.
Hindi ako nagtanong ng pumila si Narnia sa mahabang pila na hindi ko alam kung saan patungo. Siguro ay bago makapasok ay kailangan munang magpalista kasi galing kami sa ibang kontinente at dayuhan lang kami.
Nang makausad ang pila ay may napansin akong malawak na espasyo at isang entablado. May taling nakaharang kaya walang nagtatangkang pumasok sa malawak at pabilog na espasyo sa tapat ng entablado.
"Narnia Boni galing sa kontinente ng Akwaryos" tumango naman ang lalaking nakaupo at sa lamesa na nasaharap nito ay may papel. Siya ang nagsusulat doon. May katabi din siyang babae.
Base sa suot nitong damit. Masasabi kong hindi ito minhana. May gitno itong kwintas at kumpata sa Manhara na nakasagupa ko kahapon at ang damit nito ay magarpo at hindi basta-basta. Ang babaeng katabi naman nito ay madaming alahas ang nakasabit sa leeg at madaming kolorete at desensyo ang buhok nito. Kung titingnan ay hindi rin pangkaraniwan ang ganda at gwapo nilang dalawa. Kung tutukuyin ko kung saang antas sila kabilang ay masasabi kong isa silang Maharlika. Ang lalaki ay madami ding singsing na gitno sa kamay at may bato pa itong mukhang hindi pangkaraniwan.
"Faneya Uriese Venelo"
Umangat ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi naman ako nag-iwas ng tingin dahil walang epekto sa akin kahit titigan niya pa ako sa mata. Napakurap ang lalaki bago ngumisi.
Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at isang malakas na hangin ang dumaan sa harap ko. Kasabay non ang pagbaba ng balabal sa aking mukha.
Ngumisi ang lalaking nasa harapan ko. Wala akong pinakitang kahit anong emosyon kahit sa loob-loob ko ay naiinis na ako.
"Nice to meet you Faneya" nakangisi nitong wika. Masasabi kong siya ang taong walang sineseryoso. Halata naman sa kaniya.
Napatingin ako sa katabi niyang babae na halatang inip na inip na at kung makatingin sa kaniyang kaharap na Minhana ay mukhang nandidiri pa. Napairap nalang ako. Ang arte.
"Galing sa Kontinente ng Akwaryos" ginaya ko ang sinabi ni Narnia na kanina pa naghihintay sa akin. Bakit ba kasi kailangan ilista lahat ng dayuhan.
Maglalakad na sana ako subalit hinawakan ng lalaking iyon ang aking kamay.
"My name is Heros Arasus" pagpapakilala nito at kinindatan pa ako. Hindi ata siya magaling makiramdam. Kanina ko pa pinapahiwatig na wala akong interest kung sino man siya.
"What a douche"
Bulong ko at naglakad na. Alam kong hindi iyon nakatakas sa pandinig niya dahil sinadya kong iparinig iyon sa kaniya.
"Halika na. Bilis" hinigit ako ni narnia papasok sa may malaking espasyo. Dito rin napunta lahat ng mga nagpapalista don na halos kasing edad ko lang.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko kay Narnia na nakatingin sa entablado sa harap. Nilingon naman niya ako at kinunutan ng noo.
"Saan naman tayo pupunta? Nandito na tayo"
Ako naman ang kumunot ang noo. Anong sinasabi niya at ano bang meron at ang daming tao.
"Ano bang meron dito? Ang daming tao at para saan ang pagpapalista na yon?" tukoy sa pwesto na kinaroroonan ng mayabang na lalaki.
"Ano ka ba Faneya. Para namang hindi mo alam. Ito ang pagsusulit para makapasok sa Entasia Akademia. Limang tao lang ang papalarin na makapasok. Nagpalista na tayo don. Ang gwapo ng prinsipe ng Aeryos diba? Ang arte nga lang ng kaniyang kapatid na prinsesa"
Parang nabingi ako sa aking narinig. Ano daw?
Pagsusulit para makapasok sa Entasia Akademia?
Fvck.
Itutuloy...