Kabanata 3

2484 Words
Kabanata 3 IMINULAT ko ang aking mata ng maramdaman ko ang marahan na pagtapik sa akin ng isang maliit na kamay. Kumunot ang aking noo ng bumungad sa paningin ko ang isang batang lalaki. "Ina!" malakas na sigaw nito. Umupo naman ako sa papag na hinihigaan ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar kung nasaan ako. Gawa sa kawayan ang buong bahay at ang bubong naman ay sa palagay ko gawa sa dayami. Para itong kubo at maliit lang ang espasyo. "Ano ba iyon Hino?" Bumaling naman ang aking paningin sa babaeng pumasok sa maliit na silid na ito. Nagpupunas siya ng kaniyang kamay sa suot nitong damit na hindi ko mawari kung dress ba na kulay brown o puno lang sadya ng dumi. Bumaling naman ako ng tingin sa batang lalaki na ngayon ay nasa tabi ng papag. Nakasuot ito ng damit na mukhang gawa sa sako ng harina. Hindi ko man alam ang tawag sa bagay na iyon ay nakakasiguro akong ganon tela ang suot niya. Mukha rin siyang madungis. "Gising ka na pala" nakangiting bati sa akin ng babae na sa palagay ko ay ina ng batang lalaki. "Hindi pa siya magigising kung hindi ko ginising Ina" masayang pahayag ng batang lalaki. Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng mukha niya. Hindi maipagkakailang gwapo ang batang ito. Bigla kong naalala na kasama ko nga pala si Lola na pumasok sa portal. Natatandaan ko na magkahawak kami ng kamay bago ako nawalan ng malay. Siguro ay nandito rin siya. "Nasaan po si Lola?" pagtatanong ko sa babae. Nangunot naman ang kaniyang noo na para bang walang ideya sa aking tinatanong. "Lola? Hino may kasama ba ang dalagang ito ng makita mo sa kagubatan?" baling ng babae sa kaniyang anak. "Wala siyang kasama" umiiling na wika ng batang lalaki. Kumunot naman ang noo ko. Wala akong kasama? Pero nakakasigurado akong kasabay kong pumasok sa portal si Lola. "Ako nga pala si Hilda at ito naman ang anak kong si Hino. Pagpasensyahan mo na kung ginising ka ng batang ito" Bumuntong hininga naman ako. Napuno ng pag-aalala ang aking damdamin. Nasaan si Lola? Okay lang ba siya? Uugod-ugod pa naman ang matandang iyon. "Anong pangalan mo?" napatingin naman ako kay Hino ng magsalita ito. Tila ba kanina pa ako tinititigan. "Faneya Uriese Venelo" sagot ko sa katanungan ni Hino na kanina pa mariin na nakatitig sa akin. "Hindi ka ba nangiti Faneya?" kumunot ang noo ko. Binatukan naman siya ng kaniyang ina na si Hilda. "Umayos ka Hino. Nakakatanda siya sa iyo kaya naman tawagin mo siyang Ate" singhal ni Hilda sa kaniyang anak na si Hino na ngayon ay nakasimangot na. "Ayoko siyang maging Ate" Napatitig naman ako sa batang si Hino. Gwapo ito at kapag sumisimangot ay lumalabas ang ka-cute-tan ni Hino. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa batang lalaking ito. "Tawagin mo siyang Ate Hino. Isa" pagalit na wika ni Hilda. Nagmamaktol na tiningnan ako ni Hino. "Ate Faneya" labas sa ilong nitong sabi na tila labag sa loob nito ang mga salitang binigkas niya. "Wala bang masakit saiyo Faneya?" nag-aalalang tanong ni Hilda kaya naman umiling nalang ako. "Wala naman pong masakit. Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin" nakangiting pahayag ko dahil magaan naman ang loob ko sa kanilang mag-ina. "Nasaan nga pala ako?" tanong ko kay Hilda na mukhang natigilan sa aking pagngiti. Hindi niya ata inaasahan na ngingitian ko sila. Sabagay kanina pa ako seryoso. "Nasa kontinente ka ng Akwaryos. Natagpuan ka ni Hino sa gubat ng Pelino malapit sa lawa ng Ophelia. Nasa barrio ka ng mga Minhana" Wala akong naintindihan sa kahit na anong sinabi ni Hilda. Lahat ng salitang sinabi niya ay bago sa aking pandinig. Nakahalata naman ata iyon ni Hilda kaya ngitian niya ako. Kumuha siya ng upuan at inilagay iyon sa tabi ng papag na kinaroroonan ko. Umupo naman siya doon dahil siguro ay nangalay na rin siya. "Ano bang nangyari sa iyo Faneya? Munkhang wala kang maalala" malumanay na usal ni Hilda. Umupo naman si Hino sa papag at walang sabi-sabi na hinawakan ang aking kamay kaya naman napangiti ako. Sa palagay ko ay nasa pitong taong gulang pa lamang si Hino. "Hindi ko po alam" Bumuntong-hininga naman si Hilda. Hinaplos niya ang aking mahabang itim na itim na buhok at malumanay akong pinagmasdan. "Ano bang kakayahan ang taglay mo?" tanong nito sa akin. Kakayahan? Mabuti at natanong ko ito sa aking Lola. "Magpalabas ng tubig sa katawan at kontrolin ito" Tumango naman si Hilda dahil sa aking naging sagot. "Kaya ka nandito sa Kontinente ng Akwaryos dahil kabilang ka sa amin. Dito naninirahan ang mga taong kayang magpalabas ng tubig sa katawan" dahil sa sinabi ni Hilda ay unti-unti na akong naliliwanagan. "Ano ang 'Minhana'?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman nagulat pa si Hilda dahil sa palagay ko ay inaasahan na niyang itatanong ko ang bagay na iyon. "Minhana ang pinaka-mababang antas ng pamumuhay sa Entasia. Wala  kaming kayamanan at ang karamihan sa amin ay alipin ng mga Maharlika at Manhara" "Ang Maharlika ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Sila ay ginagalang at nirerespeto ng karamihan dahil iyon ang kinakailangan. Ang Manhara naman ang nasa gitnang antas ng pamumuhay" "Hindi ko alam kung bakit hindi mo alam ang bagay na iyon. Siguro ay malakas na tumama ang iyong ulo kaya wala kang naalala" Matapos magkwento sa akin ni Hilda ay nagpaalam siyang itutuloy na niya ang kaniyang ginagawa. Gumagawa pala ito ng palayok na pinagbebenta nila sa bayan. Si Hino naman ang nagbebenta nito. Hindi ko magawang isipin na isang maliit na bata ay nagtatrabaho na. Binigyan din ako ni Hilda ng pamalit sa suot kong pantulog. Kakaiba ang tela ng kanilang damit. Magaspang ito at mukhang sobrang luma na. Para bang isang higitan lang ay mapupunit ito. Tagong-tago din ang balat sa damit na ito. Mahaba at longsleeve na mukhang sinusuot ng mga katulong sa sinaunang panahon. Mukha rin itong madumi. Inamoy ko naman ito at wala namang amoy kaya isinuot ko na. Mabuti nalang dahil ayoko pa naman sa lahat ay mabaho. Hindi naman mabaho si Hilda at Hino. Sa katunayan nga ay wala silang amoy kahit na pinagpapawisan sila. Hindi naman mainit sa lugar na ito. Malamig at mahangin. Siguro ay dahil kontinente ito ng tubig. Lumabas ako sa maliit na bahay kubo nila. Mabuti nalang at kasya kaming tatlo sa bahay nila. Pakiramdam ko kasi ay magiging pabigat at pamalunin lang ako. Hindi pa naman sila nakakaangat sa buhay. Pinahiram sa akin ni Hilda ang kaniyang bakya na siyang nagsisilbing sapin nila sa paa. Maputik ang sumalubong na lupa sa akin. Lumubong ang suot kong bakya at agad na naputikan ang aking paa kaya naman napangiwi ako. Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad na. Katulad ng bahay ni Hilda ay ganon rin ang nakikita ko sa paligid. Naalala ko na ito pala ay Barrio ng Minhana. Ibig sabihin ay mahihirap lahat ng nakatira dito. May mga batang naglalaro at hindi alintana ang maputik na kanilang tinatapakan. Karamihan sa kanila ay nakayapak. "Faneya" Lumingon ako at nakita ko si Hino na papalapit sa akin habang may hila-hilang kariton. Mukhang mabigat ito dahil sa palagay ko ay mga palayok at banga ang laman nito. Ang lakas niya para sa isang maliit na paslit. "Anong Faneya? Gusto mong isumbong kita kay Hilda?" humalukipkip ako at napakamot naman sa batok niya si Hino. "Ayaw nga kitang tawagin na Ate" suplado nitong sabi at iniwas pa ang tingin sa akin. "Why?" Hindi naman sumagot si Hino at nakatingin lang sa akin na para bang hindi niya naiintindhan ang sinabi ko. "Bakit naman?" tanong ko pa ulit dahil mukhang hindi siya nakakaintindi ng salitang iyon. Sabagay, bata pa siya at hindi nag-aaral. "Kasi gusto kitang maging asawa" walang preno nitong saad kaya naman muntik na akong masamid sa sarili kong laway. "At bakit gusto mo akong maging asawa?" Ngumisi naman si Hino na ikinakunot ng noo ko. Ano ang nginingisi-ngisi ng batang paslit na ito. "Kasi walang mapaghambingan ang ganda mo. Kahit ang dyosa ay walang sinabi sa ganda mo" Napairap naman ako ng wala sa oras. Nilapitan ko si Hino at pumasok sa may hawakan ng kariton kung nasaan si Hino. "Faneya anong ginagawa mo?" napasinghal ako ng wala sa oras dahil sa tanong ni Hino. "Ate Faneya" pagtatama ko dito. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagsimangot ni Hino. "Para sa isang paslit na gaya mo hindi biro ang ginagawa mo. Tutulungan kitang ibenta ang paninda niyo sa bayan" wala naman nagawa si Hino sa aking tinuran kaya napangisi ako. Habang hila-hila namin ni Hino ang kariton ay lahat ng madadaanan namin na mga Minhana ay napapatingin sa amin. Hindi ko nalang iyon pinansin. Hanggang bewang ko lang si Hino kaya naman konti nalang ay lalampas na siya sa hawakan ng kariton. Nasaan kaya si Lola sa mga oras na ito? Matatagpuan ko kaya siya sa bayan? "Nagpaalam ka ba kay Ina?" biglang tanong ni Hino kaya naman umiling ako. Hindi ko nakita ang kaniyang ina kaya wala na akong pagkakataon para magpaalam at isa pa kasama ko naman ang paslit na ito. Nakalampas kami sa isang malaking tarangkahan. Malayo layo na rin ang aming nilalakad. Makalipas ang ilang minuto ay natatanaw ko na ang nag-iingayan na mga tao. Madami din na mga nakahilerang iba't ibang mga paninda. Panigurado na ito na ang bayan. Madaming mga taong namimili. "Saan tayo Hino?" pagtatanong ko dito ng makapasok na kami mismo sa bayan. Madaming dumadaan at lahat sila ay napapatigil ang tingin sa amin. Sa akin. "Dito nalang Ate Faneya" huminto kami sa isang gilid na walang nakapwesto. Marahil ay dito talaga sila nakapwesto. Inilapag ko ang kariton. Pinagmasdan ko si Hino habang bitbit ang malaking bato at inilagay ito sa unahan ng gulong upang siguro ay hindi gumulong ang karwahe. Inalis din niya ang telang nakatakip sa mga paninda at inayos ang mga palayok at banga sa taas ng kariton. May inilapag na tela si Hino sa lapag at umupo dito. Umangat naman ang tingin niya sa akin. "Upo ka Ate Faneya" Umiling naman ako sa gusto ni Hino. Paano siya makakabenta kung nakaupo lang siya dyan sa isang tabi. "Sa tingin mo ba ay may bibili sayo kung wala kang ibang ginagawa? Tingnan mo ang ibang nagtitinda, humahakot ng mga bibili sa kanila. Tumayo ka dyan at magsisigaw ka din " Wala naman nagawa si Hino. Hindi siya umangal sa akin sinabi. Tumayo siya kaya naman napangisi ako. Masunurin pala ang paslit na ito. Sisimulan na sana ni Hino ang pagsigaw ng may lumapit sa akin na isang lalaki. Kumunot ang noo ko. Pinagmasdan ko ang kasuotan niya. Ibang-iba sa tela na suot ko. Makulay ito at maganda. Hindi rin mukhang madungis. Sa palagay ko ay isa itong Manhara dahil sabi ni Hilda ay walang Maharlika ang nagagawi madalas sa bayan. "Magkano ang isang banga?" tanong nito sa akin. Kung ganon ay bibili pala siya. Tumingin ako kay Hino na nakatingin na din sa amin. "Sampong tanso lang" taas noong sagot ni Hino. Ang lalaki naman ay hindi siya pinansin. Nakatitig lang ito sa akin na para bang sinasaulo ang mukha ko. Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko. Stop staring jerk. "Sampong tanso" sagot ko dito. Kita ko naman ang ngisi ng lalaki na para bang may binabalak. "Bibilhin ko ang lahat ng paninda niyo at bibigyan ko pa kayo ng isang ginto" Natutuwa naman na nagtatalon talon si Hino. Iba ang pakiramdam ko sa gusto ng lalaking ito. Naglabas siya ng sampong pilak at isang gitno. "Dalawampung tanso katumbas ng isang pilak" ibinigay niya ito kay Hino. Inayos ni Hino lahat ng kaniyang paninda at pinagsama-sama ito at binalot sa malaking tela at iniabot sa lalaking nasa harapan namin. "Para sa isang gitno. Akin ang binibining ito sa isang buong gabi" Napasinghap si Hino. Hindi na ako nagulat ng sabihin niya iyon dahil halata naman sa mukha niya na isa siyang m******s. "Hino, umuwi kana" baling ko kay Hino. Magsasalita pa sana siya subalit sinamaan ko siya ng tingin kaya wala na siyang nagawa pa. Umalis siya dala lahat ng pilak na ibinigay sa kaniya ng lalaki habang nagtatakbo at hila-hila ang kariton. Hinarap ko ang lalaking nasa harapan ko. Nakangisi ito na tila ba alam na niya na papayag ako sa gusto niya kapalit ang isang ginto. In your dreams. Hahawakan na sana niya ang braso ko ng iiwas ko ito. "Akala mo ba sasama ako sa iyo?" ngumisi ako. Nakita ko naman ang pagkawala ng ngisi niya. "Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto--" Hindi ko na siya pinatapos pa at gumawa ako ng water bind. Ngayon ay nakapulupot na sa kaniya ang tubig na mistulang tali. Ngumisi ako sa pangalwang pagkakataon. "Jerk" Sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa hindi ko alam. Fvck. Dahil pasikot-sikot ang bayan ay hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik. Makalipas ang ilang minuto ng walang katapusan na paglalakad ay napunta ako sa isang gubat. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa loob ng gubat hanggang sa makarating ako sa malinaw na lawa. Kumikinang ito. "The sacred lake of Ophelia" Lumingon ako sa paligid. Walang tao at ang boses na iyon ay galing sa utak ko. Para bang alam ko na ang bagay na iyon. Lumapit ako sa lawa. Sobrang linaw ng tubig at kita ang mga kulay gitnong isda na nagkikinangan sa ilalim. Hindi kita ang ilalim ng lawa siguro ay dahil malalim ang lawang ito. Inilublob ko ang aking kamay at nakaramdam ako ng kakaibang ginahawa. Tumayo ako upang sana ay maligo ngunit isang bumubulusok na bagay ang nalaglag sa himpapawid. Napatingala ako at may nakita akong malaking ibon na papalayo. Bumaling ako sa lawa at dahil malinaw ang tubig ay nakita ko ang isang bulto ng tao na papalubog. Huminga ako ng malalim at tinaas ang aking kamay. Inutusan ko ang tubig kung nasaan ang lalaki na umangat. Sumunod naman ang tubig at agad na iniluwa ang taong iyon sa isang gilid ng lawa. Lumapit ako dito at napansin kong isa pala itong lalaki. Kumunot ang noo ko. Kahit nakapikit ito ay kitang-kita ang kagwapuhan na taglay nito. Lumuhod ako sa tabi niya at tinungo ang aking ulo sa dibdib niya. Mahina lang ito sa pagtibok. Nagdadalwang isip ako kung ililigtas ko ba siya o hindi. Sa mga oras na ito, kapag nagtagal pa ang tubig na nalunok niya ay mamamatay na siya. Hinawakan ko ang ilong niya at pinisil iyon. Pikit mata kong binigyan siya ng CPR. Naglapat ang labi namin at naramdaman ko ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa aking katawan. Hindi ko nalang iyon pinansin at umayos na ng upo. Umubo ang lalaki at inilabas niya ang tubig na nalunok niya. Napatigil ako sa pagtitig sa lalaki ng makarinig ako ng kaluskos sa di kalayuan. Tumayo na ako at umalis sa lugar na iyon. 'Damn, that was my first kiss' Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD