KABANATA 8: THE FINAL RITES

1822 Words
Sa kalsadang sasakyan lang nila ang laman ay nakabaling si Megumi sa bintana. Pinagmamasdan ang malalaking puno, mukhang malayo sa lugar nila kung nasaan siya ngayon. Ilang oras lang nilang binabaybay ang paliko-likong kalsada. Hanggang sa maliit niyang sinilip ang bintana, mataas na bahagi na ang tinatahak ng sasakyan nila. Tinanaw niya si Kaito na hataw ang motor sa pag-andar na tila balewala ang pagkatarik ng kalsada. Naroon sa gilid ang naglalakihang iba't-ibang puno kagaya ng puno ng kawayan. Kumurap ang mga mata niya nang tuluyang makapasok ang sasakyan nila sa hamog. Tuluyang huminto ang sinasakya nila. May nagbukas na gwardiya sa parehong pinto nila ng Uncle na si Landon. Nang makababa ay bumungad sa kanya ang mahabang hagdanang bato na natatakpan muli ng hamog kung ano ang nasa dulo. "This way," iginiya siya ni Landon maglakad. Nilingon niya sina Mason at Sila na nakasunod sa kanila. Si Kaito naman ay lihim niyang sinulyapan na nakaupo sa motor at tila hinihintay sila. Muli niyang tiningan ang nilalakaran hanggang sa mapahinto siya. Wala na ang hamog at kitang-kita niya ang isang templo. Nang humangin ay narinig niya ang kalansing ng chimes na nakasabit, kasabay ng mga huni ng ibon na nagliparan. "This is the temple where we will hold your father's final rites. Let’s go," nilinga niya nang kaunti si Landon na may malungkot na ngiti at hinawakan siya sa magkabilang braso para maglakad. Nangilid agad ang mga luha ni Megumi. Oo, maganda ang lugar pero sa narinig ay bumigat ang loo niya. Sa loob ng templo ay naghubad sila ng suot sa paa. Nauna siyang makapasok at agad na napaupo nang matanaw ang litrato ng ama, ngiting-ngiti iyon sa kanya. "P-Papa," walang lakas ang boses niya, luha ang bumubuhos sa kanya habang ang puso ay parang literal na sinasaksak nang paulit-ulit. Habang nakatitig siya sa mga mata ng ama sa litrato ay bumabalik ang alaala noong bata pa siya. Ito lang ang kasama niya sa buong labing-walong taon. At ang makita ito na nasa litrato lang ay walang kasing sakit. Hinawakan ni Landon ang dalaga at marahang itinayo. Hinang-hina ang pamangkin. Sina Mason naman at Silas ay nakasunod sa mga ito. Si Kaito na kaalis lang ng suot sa paa ay umiigting ang panga. Sa bukas na templo ay para pa ring umuugong ang iyak ng anak ng kapatid. Rinig niya sa bawat hikbi nito ang sakit. Nang pumasok ay sinulyapan niya si Megumi na palapit sa litrato ng kapatid. "P-Papa," itinaas ni Megumi ang kamay at hinawakan ang litrato ng ama. Halos hindi siya makahinga nang sulyapan ang ilang insenso, bulaklak, at ilang nakasabit na Japanese letters na naroon. Hanggang sa mapatitig siya maitim na marble na urn. Hinaplos niya iyon ng nanginginig na kamay. Ang lamig niyon ay nararamdaman niya. Nang kunin iyon ay tinulungan pa siya ng kanyang Uncle Landon. Nang mahawakan gamit ang dalawang kamay ay sandali niya iyong sinulyapan. "Papa, nandito na ko," pagkasabi niyon ay niyakap niya ang malamig na urn kung nasaan ang abo ng yumaong ama. Mas dumami ang luha niya. Si Kaito ay nakatayo sa likod ni Mason at diretso ang tingin sa litrato ng kapatid. Ang hagulgol ng anak nito ang nakakapagdagdag ng galit niya. Hanggang sa tuluyan niyang itinuon ang mga mata sa dalaga na wala ng halos iiyak habang yakap ang urn ng ama. Napatitig siya sa mukha nito bago napakurap. Umaabot sa kanya ang pagluluksa nito, diretso iyon sa puso niya. Nakaupo si Megumi matapos ang ilang oras na pag-iyak. Mabigat ang mga mata niya habang naririnig ang pagkanta ng ilang monk kasabay ng gong. Hanggang sa lumapit ang mga tiyuhin niya, nauunan si Landon na magbigay ng insenso sa urn ng ama at magalang pa itong yumuko. Sumunod si Silas, si Mason na naaninag niya ang pagiging seryoso. Hanggang si Kaito. Maingat nitong inilagay ang insenso, pinagkatitigan ang litrato ng ama bago yumuko. Sinulyapan niya ang litrato ng ama na ngiting-ngiti pa rin. Walang lakas niya iyong pinagmamasdan. Kinakausap niya ito sa isip niya. Uncle ko raw sila Papa? Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanila. Natatakot ako, Papa. Saan ako magsisimula kung wala ka na? Sinong paniwalaan ko? Sinong masasandalan at mapagkakatiwalaan ko sa kanila? Hindi ko alam, kung pamilya ko talaga sila. Wala kang sinabi sa akin tungkol sa mga kapatid kaya paano ako maniniwala? Pakiusap, gabayan mo ko at ilayo sa kapahamakan. Kung sila mang apat ang kapahamakan, tulungan mo akong makalaya sa kanila. Makalipas ang ritwal ay hawak niya ang urn ng ama nang lumabas ng templo. Sumulyap siya sa mga tiyuhin na kaharap ang mga monk. Sandali siyang natigilan, may pagkakataon na siyang makatakas. Kahit hirap ay kinipkip niya ang litrato ng ama at maingat na naglakad. Kahit hindi alam kung saan pasikot-sikot ng templo ay tumalikod siya at pasimpleng naglakad. Nakarating siya sa likod ng templo. Akma siyang hahakbang nang humarang ang gwardiya na hindi niya alam kung saan galing. "Ma'am, bumalik na ho kayo sa temple," baritonong boses ng gwardiya na ilang pulgada ang taas sa kanya. Lumapit siya rito at mahinang nagsalita. "Hindi mo naiintindihan. Hayaan mo na akong makaalis. Ang mga lalakeng 'yon, hindi pa ako sigurado kung mga tiyuhin ko sila. Pangako, babalik ako kapag sigurado na ko, ha?" kumbinsi niya at ngumiti rito. Sinulyapan niya ang ilang gwardiyang diretso ang tingin. Nang humakbang siya ay humarang muli ang gwardiya. Nagtitimpi niya itong tiningala. "Maniwala ka, babalik ako kapag sigurado na ko. Hayaan mo lang ako makaalis." Akmang siyang maglalakad nang harangin siya ng isang gwardiya. Ang iba ay kinuha ang urn at litrato ng ama. "Bitawan mo ko!" "Ano ba?!" "Ibalik niyo 'yan!" pilit niyang kinukuha ang urn na hawak ng isa. Hanggang sa itulak siya ng gwardiya at napaupo. Tuluyan siyang napaiyak. "Sir," Narinig niya ang boses ng gwardiya. Nilinga niya ang dumating, naroon si Kaito at nasa loob ng bulsa na naman ang mga kamay. "Gusto niyo pong tumakas kaya-" "If she tries to escape again, do what is necessary." Naningkit ang mga mata niya sa narinig. Mula sa pagkakatitig ni Kaito sa gwardiya ay binaling nito ang malamig na tingin sa kanya. "Pigilan siya, kahit masaktan siya." Sa inis ay ang mga kamay ni Megumi ay kinuha ang ilang buhangin at binato sa nakatayong si Kaito na napapikit. "Wala kang puso!" "Hindi kita kadugo!" "Wala akong pamilyang magaspang ang ugali!" Hinawakan ni Kaito ang mga mata na bahagyang napuwing. Nagmulat siya habang nakataas ang isang kilay. Patuloy ang dalaga sa pagbato sa kanya ng buhangin nito habang umiiyak. "Hindi kita Uncle!" "Hindi kita matatanggap bilang pamilya ko!" "Mas gustong masaktan nang masaktan para lang makatakas kaysa ang makasama ka!" Naglakad si Kaito at huminto sa tapat ni Megumi na nanatiling nasa ibaba. Basta na lang siya nito hinagip sa braso at itinayo. "Bitawan mo ko!" "Nasasaktan ako!" Hinila siya ng tiyuhin dahilan para mapaharap sa mukha nito. Napakurap siya nang matitigan ang tila umaapoy nitong mga mata. Natatakpan na ang magagandang mga mata nito, hindi na kalawakan ang nakikita niya. Kung di isa ng impyerno. Natigilan siya dahil doon. Nagagalit ang Uncle Kaito niya. At nagpipigil iyong ipakita sa kanya. Mariing nagtagpo ang mga makantong panga nito. Bakas na bakas ang muscle na kumakapa sa gilid ng mukha nito. Parang babala na anumang oras ay maaari itong sumabog sa galit. Nang buksan nito ang bibig ay doon niya nalanghap niya ang mint sa hininga nito, kasing-lamig iyon ng hamog na nasa paligid nila. "Tama ka, hindi tayo pamilya," siguradong sagot nito. Takot niya itong pinagkatitigan. "Dahil wala akong kadugong mahina," basta na lang siya binato nito. Sinambot naman siya ng gwardiya. Pagkatapos siya ibato na parang isang bagay lang ay pinagkatitigan siya nito bago kinuha ang urn ng ama. Doon siya nagpumiglas sa mga nakakapit sa kanya. "Bitawan mo ang Papa ko!" "Wala kang karapatan hawakan ang Papa ko!" "Wala kang kwentang kapatid, kung kapatid ka nga niya!" "Ibalik mo siya sa akin!" Napatingin ang galit na galit na si Megumi sa dalawang gwardiya na nakakapit sa kanya. "Bitawan niyo ko!" "Bakit ba pinagsisilbihan niyo ang tulad ng lalakeng 'yon!" "Sabagay, siguradong sama-sama kayo sa impyerno!" "Let her go." Napatingin siya sa dumating. Si Silas iyon na kababa lang ng cellphone. Tiningan siya ng tiyuhin bago sinulyapan ang nga gwardiya na hawak pa rin siya. "Hindi niyo ba ako narinig?" mapanganib ang tono ng kanyang Uncle Silas. Nang bitawan siya ng mga gwardiya ay nagbalanse siya para hindi muling mapaupo. Inagaw niya ang hawak nitong litrato ng ama at niyakap. Naroon si Silas at sinenyasan na umalis ang mga gwardiya na sa pagkatataon na ito ay agad na tumalima. Umiiyak niyang yakap ang ama. Rinig niya ang buntong-hininga ng tiyuhin kaya tiningan niya ito. Inilagay nito sa bulsa ang hawak na cellphone bago nilahad ang palad sa kanya. Pinagkatitigan niya ang palad nito bago pinagtagpo ang kanilang tingin. "Halika na. Kailangan mong kunin ang urn ng Papa mo kay Uncle Kaito mo." Sa nakikita niya, si Silas na laging may hawak na cellphone at madalang sa patak ng ulan magsalita, ang isa sa mga mapagkakatiwalaan niya. Ito at ang Uncle na si Landon. Ngumiti ito at kinuha na mismo ang kamay niya at maingat na hinila para maglakad. Kasalukuyang namang naghihintay sa labas ng mga sasakyan ang tatlo niyang tiyuhin. Napatingin sa kanya si Kaito nang sadyang apakan ang paa nito nang lampasan. Napairap na parang babae si Kaito nang tumayo sa tabi mg motor at sinundan ng tingin ang pamangkin. Dire-diretso si Megumi kay Mason na hawak ang urn ng ama. Kinuha niya iyon nang galit. "Chill, pamangkin. Baka magpulot tayo ng abo ng Papa mo," biro pa rin nito habang nakangiti. "Mahirap pulutin 'yan, dito." Inis niyang tiningala ang Uncle Mason niya. "Kapag hindi ka tumigil, Uncle Mason. Ngipin mo ang pupulitin mo." Namamangha itong tumawa. Siya naman ay dire-diretso sa sasakyan ni Silas. Si Kaito naman ay tinatanaw ang dalaga na sumakay sa sedan ng kapatid. "Landon, narinig mo ba ang sinabi ng pamagkin mo sa akin?" namamanghang baling ni Mason kay Landon habang hawak ang bibig. "Kahit sino, sasabihin 'yon," tugon ni Landon na sumakay na sa Mercedes-Benz. "Bunso!" nilingon ni Mason na kunyari parang isang bata na nagpapadyak. Pinilig na lang ni Kaito ang ulo, sinuot ang helmet at sumakay sa motor. Nang makasakay ay sinulyapan niya ang sasakyan kung saan lulan ang anak ni Subaru. Nang umikot ang sedan ay napatingin siya sa bintana. Diretso ang tingin ni Megumi sa daan nang lampasan siya. Hanggang sa dumaan na ang sasakyan ni Mason na inilabas ang kamay at nilabas ang ulo sa bintana. "Bunso, halika na!" nakakalokong tawag nito. Siya ay sinundan ng tingin ang mha palayong sasakyan bago sumunod sa mga ito. Si Megumi ay nilinga si Silas na hawak ang cellphone. "Uncle Silas?" "Hmm?" "Saan na ako mapupunta ngayon?" Nilinga siya ng tiyuhin. "Ayoko sa Mansion ng kapatid mong masama ang ugali." Napangiti ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD