"Uncle Kaito!" habol-habol ni Megumi si Kaito na sumakay na malaki nitong motor. Nang hawakan nito ang handlebars ay pinigilan niya iyon at may hingal na sinalubong ang mga mata nito. Wala itong emosyon na nakikipagtitigan sa kanya. "Walang balak na sabihin nila Uncle Landon, Silas at Mason ang trabaho ni Papa. Ikaw ba, Uncle Kaito?" Ngumiti ito kaya napangiti na rin siya. Napakisap siya nang ilapit nito ang mukha. "Didn't you say I wasn't your uncle?" Nahihiya siyang ngumiti. Parang close sila nang hampasin niya ito sa braso. "Uncle naman, syempre. Joke, joke lang naman 'yon," lumapit siya sa tenga nito. Asiwang lalayo ang Uncle Kaito niya nang hilahin niya ito sa balikat at bumulong. "Ikaw." Kumurap ang mga mata ni Kaito nang maramdaman ang init ng hininga ng dalaga sa tapat ng

