KABANATA 2: THE CHASE

1132 Words
Napahinto si Megumi nang makita ang maraming kotseng itim nang makalabas ng gate. Iyon ang eksaktong nakita niya sa kalsada kanina. May lumabas roon na isang lalake, isa rin hapon at suot ang kamukha ng damit ng mga lalakeng kasama ng hapon na pumatay sa ama niya. "Hey-" isang suntok ang ginawa niya rito at sinipa dahilan para mapaluhod ito. Akmang kukuha ito ng baril nang sipain niya iyon. Lumapit siya rito, hinawakan ang ulo at tinuhod ang mukha. Nang bitawan ay tulog ito. "Hey!" agad na lumingon si Megumi sa boses na iyon. Natakot ang mukha niya nang matanaw ang ilan pang lalake. Mabilis siyang sumakay sa kotse kung saan galing ang hapon na pinatumba niya at pinaandar iyon. Nagmamadaling lumabas ang hapon sa bahay. "Go and get her!" galit na utos ng Isang lalake. Agad namang kumilos ang mga tauhan para sundan si Megumi. Mabilis ang pagmamaneho ni Megumi ng kotse. Tuluyan siyang nakarating sa isang kalsada. May pa ilan-ilang sasakyan ang naroon. "Saan ako pupunta?" "Saan ako manghihingi ng tulong?" "Paano si Papa?" sunod-sunod at umiiyak niyang tanong sa sarili habang mabilis na nagmamaneho. Napahiyaw siya nang may bumangga sa likuran ng kotse. Awtomatiko niyang tiningan ang rearview mirror. "s**t," mura niya nang makitang nakabuntot ang itim na kotse na nakita niya sa labas ng kanilang bahay. Sinagad niya ang bilis na metro habang hawak nang mahigpit ang manibela. "Bwisit!" muli niyang sigaw nang umalog at tumama ang ulo niya sa kinasasandalan dahil sa lakas ng bangga. "Sino ba kayong mga hapon kayo?" Nilinga ni Megumi ang bintana, urong-sulong ang kotseng gusto siyang sabayan at dikitan. "Layuan niyo ko- ahh!" napahiyaw siya nang may pumutok na baril. Hinihingal niyang tiningan ang kotseng sumasabay sa kanya. Mabilis niyang kinabig ang manibela palapit dito. "Yes!" Natuwa siya nang mabangga ito at napalayo nang kaunti. Napatingin siya sa kalsada. May iilang kotse lang ang kasabay nila. Mabilis niyang inapakan ang silinyador. Nilampasan niya ang isang sasakyan bago sumilip sa rearview mirror. Hindi makasingit ang kotseng humahabol sa kanya. Muling napayuko si Megumi nang marinig ang putok ng baril. Sinulyapan niya ang rearview mirror, nagpulasan ang ilang sasakyan dahil sumilip ang isang hapon sa bintana ng kotse habang nagpapaputok ng baril. Mas binilisan niya ang pagmamaneho. Sigurado siyang iisa lang ang gagawin ng mga hapon na ito kapag naabutan siya. At iyon ang patayin, katulad ng Papa niya. Pinunasan niya ang mga luha. Napatingin siya sa kalsada na tila gubat na. Iniliko niya ang manibela roon. "s**t!" "Aray!" reklamo ni Megumi habang aalog-alog sa loob ng kotse dahil sa lubak-lubak na dinaraanan. Nagtago ang kotse sa matataas na halaman. Pinatay niya ang makina at tahimik na nahintay. Pigil ang hininga niya habang inaabangan ang sasakyan sumusunod sa kanya. Nang marinig ang ugong ng sasakyan at makita iyon. Sumigaw siya nang ubod ng lakas kasabay nang pag-apak sa silinyador. Binangga niya ng sasakyang iyon sa tagiliran. Malakas ang tawa ni Megumi habang bangga-bangga ang sasakyan. Lumabas pa ang isa at tinapat ang baril sa kanya. Mabilis siyang yumuko. Sa pag-angat niya ng mukha ay doon niya nakita ang butas sa windshield niya mula sa baril. "Malas talaga. Ahh!!" buong lakas niyang sigaw habang halos lumubog ang paa sa silinyador. Napahinto lang siya nang tumama ang likod sa kinauupuan. Hingal niyang tiningan ang yuping sasakyan na nakadikit sa malaking puno. Doon lang siya nakahinga. "Bwisit. Mayroon pa?" wika niya nang marinig ang ugong ng sasakyan pang parating. Mabilis siyang umabante. Dire-diresto ang sasakyan ni Megumi habang kasunod ang apat pang koste. Napapahiyaw siya sa tuwing naririnig ang bala ng baril. Hanggang sa bumagal ang takbo ng sinasakyan niya. "No," kausap niya rito. Nang tuluyang huminto ay mabilis siyang bumaba at doon niya nakita ang flat na gulong. Narinig niya muli ang putok ng baril. Mabilis siyang tumakbo. Nabitin ang paa niya nang mapadpad sa dulo ng bangin. Pigil-pigil ang mga paa niyang tuluyang mahulog kasama nang maliit na bago sa matarik na bangin. "You're dead." Humarap siya sa lalakeng nagsalita. Naroon ang isang hapon na naglalakad palapit. "Sino ba kayo?" Tinanaw niya ang ilang hapon na pinanood siya. "Sino kayo?!" "Bakit niyo pinatay ang Papa ko?" "I don't get what you're talking about, but right now all I want is your blood to spill here tonight." Takot na nalunok ni Megumi ang laway. Napakurap siya nang may kunin iyong baril sa loob ng suit. Itinaas ng hapon ang kamay, lahat ng lalake ay inilabas ang baril. Sinalubong ng nasa gitnang lalake ang tingin niya habang may sinusuot sa nguso ng baril. Isa iyong silencer. At lahat ng lalakeng nasa hindi kalayuan ay inilalagay iyon sa kanya-kanyang baril. Hindi makagalaw ang paa niya. Wala na siyang tatakbuhan. Pasimple niyang nilinga ang bangin. Kung tatalon siya, siguradong mababali ang buto niya sa katawan. Muli niyang binalikan ang mga hapon na itinaas na ang baril sa pwesto niya. Sa mga ito naman ay siguradong, maliligo siya sa bala ng baril. Magkakandabutas-butas siya rito. May luha niyang itinikom ang mga kamay. "Papa, anong gagawin ko?" mahina niyang tanong. "You and your father will be together in hell." Nang tingan ni Megumi ang daliri nitong kakalabitin na ang gatilyo ay pumikit na siya kasama ang mga luha. Siguro nga ay ito na ang araw na katapusan niya. Nakakalungkot lang na hindi niya nalaman ang dahilan kung bakit pinatay ang Papa niya. Narinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril. Pero napakunotnoo siya. Wala siyang maramdaman sa katawan. Nanatili siyang nakatayo. Ganoon ba kapag tinamaan ng bala? Manhid? Hindi humihinto ang putok ng baril. Sa pag-aakalang kaluluwa na lang siya ay binuksan niya ang isang mata para tingan ang sarili kung butas-butas na. Mas lalong lumalim ang linya sa noo niya nang makitang buong-buo pa rin siya. Hanggang sa marinig niya ang isang helicopter. Agad siyang sumuko nang makita roon ang isang lalakeng naka-all black attire at may suot pang bonnet may hawak na armalite. Napayuko siya at napatingin sa mga hapon na isa-isa bumabagsak. "Ahh!" sigaw niya habang hawak ang ulo dahil sa ingay. Napatingin siya sa ugong ng sasakyan. Lumaki ang mga mata niya nang may sumusugod na kotse. Napaatras si Megumi habang nakaupo. Ga-hibla na lang ang layo nito sa kanya nang may malakas na bumanggang kotse rito. Pinanood niya ang pagtalsik ng kotse. May sumigaw na hapon at nasa direksyon niya ang baril. Pero bago pa man nito mahawakan ang gatilyo ay nakita na niya ang pagtama ng baril sa ulo nito. Sinundan niya kung saang galing iyon. At sa di-kalayuan ay naroon ang isang lalake na tila sniper. Napasigaw siya nang may humila sa braso niya at naroon ang nagungunang hapon na gusto niyang barilin. Nasa leeg niya ang braso nito habang hawak ang baril. "Nobody move!" sigaw nito. Tumahimik ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD