Kasalukuyang nakangiti si Megumi habang pinagmamasdan ang kanyang Uncle Landon na naghihintay sa tabi ng altar. Nilinga niya ang walang katao-taong simbahan. Tanging mga bulaklak lang na dekorasyon sa silya at silang magti-tiyuhin lang. Sinulyapan ni Megumi ang mga katabing Uncle, si Silas, Mason at si Kaito. Tuwid ang tingin ng mga ito. Napatitig siya kay Kaito na seryosong-seryoso. Nahagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Full black from head to toe. Isang matte black blazer na nakapatong sa isang black silk shirt. Ang pantalon ay medyo maikli na nagpapakita ng kanyang black leather loafers. Kumpara sa lahat ng lahat ng kanyang tiyuhin, lamang na lamang ito. Hindi niya nalamayan ang pagngiti. Hanggang sa masalubong nito ang mata niya na ikinagulat niya nang bahagya. Kum

