Nagising ako ng maaga at nandito pa rin ako sa ospital. Ang sakit ng mata ko dahil sa kakaiyak tapos nagugutom na rin ako. Ngunit wala naman akong kasama dito para ikuha ako ng pagkain. "Gising ka na pala. Kain ka na, oh?" napatingin naman ako kay Kaizer na kakapasok lang na may dala-dalang tray. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko. "Lugaw. Alam ko namang gutom na gutom ka na." inilagay naman niya sa lamesa 'yung plato at itinapat sa akin. "Gutom na gutom talaga?" natatawang tanong ko sa kanya. "Bakit hindi ba?" nakangising tanong niya. "Oo na lang pero salamat." sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa sofa sa may gilid at tumingin sa akin ng diretso. Gutom na gutom na talaga ako kaya agad kong kinain ang dala niyang lugaw. Hindi man ako mabubusog dito ay okay na rin babawi na lang ako

