WARNING: Contains adult theme!!! Pabalya na binuksan niya ang pinto nang makarating siya ng cafe. Matalim na tingin ang binigay niya rito lalo at hindi man lang ito nag-angat ng mukha. Nakapamaywang na tumayo siya sa harap ng table ni JJ na nagbabasa ng files. Seriously? Sa pagkakaalam niya ay iniaasa lang nito sa tauhan ang pamamahala ng business nito. 'Pag nakikita niya noon ang binata rito ay nasa counter ito at nakikipag-ngitian sa mga babaeng styudante na pumupunta rito. "Anong kailangan mo?" sikmat niya. "Sabihin mo na at nang makakaalis na ako." Nag-angat ito ng mukha at ngumiti ng matamis. "Masama bang makita ang fiancee ko?" Naggiyagis ang ngipin niya sa inis. "Pinapunta mo lang ako dahil gusto mo akong makita?" "Hindi!" sagot nito at tumayo. Napaatras siya nang mabilis pa sa

