Ilang araw na niyang pinagtataguan si JJ at hindi pumupunta sa Sweet JJ's kahit gustong-gusto na niyang pumunta roon. Sinadya nga rin niyang patayin ang cellphone niya para 'di siya makontak ng lalaki. Kung naalala niya ang ginawa niyang pagpapatulog dito at ang reaksyon nito 'pag gumising ito ay bigla siyang mangangatal at magdadasal na sana ay hindi na niya makikita ito. 'Pag pumapasok siya ay kailangan pa niyang magpalinga-linga at baka nasa paligid lang ito at naghihintay sa kanya. Kung puwede lang na hindi siya pumasok ay baka nagkulong na siya sa kuwarto niya. Pero ngayon ay nandito siya sa Sweet JJ's, hindi pa rin talaga maiiwasan ang gumawi siya rito. Hinaplos niya ang dibdib at inihanda ang sarili sa napupuntong pagkikita nila ni JJ. Hindi napapansin ng kaibigan ang mga reaksyon

