Sa araw na 'yun ay napagdisisyunan nilang dalawa na mag-picnic sa dalampasigan. Nag-set si JJ ng tent doon para may sisilungan sila dahil napakainit ang sikat ng araw. Ngayon ay nakaupo siya at kumakain ng bibingka na niluto ni Nay inday kaninang madaling araw. Masarap iyon at nakakaadik na kainin. Habang ngumunguya ay nakatingala siya kay JJ na umakyat sa puno ng niyog at kumukuha ng bunga 'nun. Wala sa hinagap niyang marunong pala itong umakyat ng puno. Noong pinapanood niya kanina ang pag-akyat nito ay lalong nadagdagan ang paghanga niya rito. Mukhang sanay na sanay kasi ito sa ginagawa. Feeling niya ay nandito lahat ang puwedeng magustuhan ng isang babae. Marunong mag-bake, magaling umakyat sa puno ng niyog, guwapo, mabait, kung isaisahin niya lahat ay mapupuno ang isang pahina ng note

