LUCIANA ISLAND Abala ang biyenan, magulang at ang asawa niya sa paghahanda ng mga kakainin nila habang siya ay nasa dalampasigan at nakikipaghabulan sa kuya niya na hinila niya para samahan siya. Nakita niya kanina ang pagtutol sa mukha ng asawa pero sinimangutan lang niya ito. Ito ang pinipilit niya na sumama sa kanya pero nagdahilan na ito raw ang mag-iihaw. Huminto siya ilang dipa ang layo sa kapatid at namaywang. Tinignan niya ito at ngumiti, parang bumalik kasi sila noong bata pa lamang sila na 'pag tinutopak siya ay gusto niyang asarin ito para habulin siya nito. Lahat ng kalokohan na gusto niyang gawin ay hinahayaan siya, he will cover her and don't let their parents find out. "Tired?" tanong nito. Nakangiting umiling siya at umuklo. "Hindi pa, hindi ba at isa sa pangarap nating
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


