Manghang-mangha si Moon sa bawat daanan nila habang lulan sila ng chopper.
Ilang beses na siya nakasakay ng eroplano pero first time niya sa chopper. Mas thrilling ang pakiramdam at mas tanaw mo ng malinaw ang nasa ibaba.
Kasalukuyan siyang nakatanaw sa dagat na asul na asul.
"You like it?" Napalingon siya sa biglang pagsasalita ni Demir pero agad din siyang napaatras dahil kumiskis na ang ilong niya sa matangos nitong ilong sa sobrang lapit ng mukha nito.
Marahan niya itong itinulak. "Kailangan talaga ganyan kalapit?" komento niya na may kasamang pag-ingos pero tila mas lalo pa itong natuwa sa reaksiyon niya.
"Why? Are you affected being this close? hmmm?"
Naikuyom niya ang mga kamao. Konti na lang talaga makakatikim na ng suntok ang impaktong 'to eh! Masyadong malandi!
Halos mapasandal na siya sa may bintana ng chopper sa pag-iwas niya rito pero sadyang makulit ang talipandas.
Hinawakan siya nito sa braso para hilahin muling palapit kung kaya't nagpumiglas siya. Ngunit nanlaki ang mata niya ng mabilis siyang hawakan nito sa beywang at kinabig.
"Ayy! Ano ba, Mr. Henris!" hindi niya napigilang mapatili dahil napakandong siya paharap dito.
"You can't get away from me, Tigress. I'll make sure na dito ka lang sa tabi ko. You are not allowed to leave my side," bulong nito sa punong tainga niya. Sabay dampi ng magaan na halik sa leeg niya na naghatid ng tila boltahe ng kuryente sa buong katawan niya. Sh*t!
Muli niyang tinangka na makawala rito. Hindi na niya nagugustuhan ang nararamdaman niya. Hindi siya pwedeng kiligin dito. Mali.
"We're here, Dem," isang baritonong boses ang pumukaw sa atensyon nilang dalawa. Ang piloto ng chopper.
Nakangisi itong lumingon sa kanila. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha niya.
Shutangina! Nakakahiya ang itsura nilang dalawa ni Demir. Nakasaklang pa rin siya paharap dito habang nakalingkis ang kamay sa beywang niya na ayaw siya pakawalan.
Nilingon niya si Demir at tinignan ng masama. Ang hinayupak parang balewala lang dito ang itsura nila.
"Do your job, Cal. Stop interrupting us. Mind your own f*cking business," mahina pero may halong inis at pagbabanta sa boses nito.
Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para mabilis na makaalis sa kandungan nito.
"D*mn!" mahinang mura nito ng makalayo siya. Kita niya pa ang pag-dirty finger nito sa piloto na tinawag nitong Cal. Asar na asar ang mukha nito habang si Cal naman ay pangisi-ngisi habang nagmamaniobra ng paglapag sa isang napakagandang isla.
Pero infairness, ang guwapo pa rin ng talipandas kahit nagmamaktol!
Nang makalapag sila ay binalingan siya ni Demir. Nauna itong bumaba at inilahad ang kamay sa kanya. Ayaw man niyang tanggapin pero napilitan siya dahil pakiramdam niya ay liliparin siya ng lakas ng hangin na dulot ng chopper.
Muling dumaloy ang init mula sa palad ng lalaki na nagbibigay nanaman sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Nilingon niya si Cal na nakangisi nanaman ng mapang-asar kay Demir.
"Lumayas ka na rito, f*cker! I'll call you kapag tapos na ang medical mission namin dito. Get your own woman and stop staring at her!" Napalunok siya sa sinambit ni Demir at mabilis siya nitong hinila na parang gusto siyang itago sa bulsa nito. Kung titignan ang paraan ng pananalita ng pakikitungo ni Cal ay tila hindi ito isa sa tauhan ng lalaki.
Tinitigan niya si Cal, base sa itsura nito mukha itong isang prinsipe na luluhuran ng lahat. Ay teka, anong luhod ba yorn? Charot! Napailing siya sa naisip. Bagay na bagay rito ang suot na pang-pilotong damit. Halatang batak din ito sa workout dahil halos magkasing ganda sila ng katawan ni Demir na parang magkakabukol ka kapag nauntog ka sa muscles.
Napakasimpatiko nito lalo na kapag nakangiti. Nakakatulo ng laway at nakakalaglag ng bahay bata!
"Yeah, so this is what I get after bringing you here. Seriously, Man?" tila may himig hinampo sa tono ni Cal pero nakapaskil naman ang nakakalokong ngiti sa labi. Sinabayan pa iyon ng pagkindat sa kanya para lalong asarin si Demir.
"Get the f*ck outta here, Man. Bago ko pa pilipitin ang leeg mo! Leave!" angil nito sabay hila sa kanya. Kulang na lang ay buhatin siya nito sa sobrang pagmamadali na makalayo.
"Bye, Tigress!" dinig pa niyang sigaw ni Cal. Lilingon pa sana siya ng marinig niya na nagsalita si Demir.
"Don't you dare look back, baby! Baka mabugbog ko pa ang sarili kong kaibigan."
Sinilip niya ang mukha nito. Seryoso ito at hindi kababakasan ng pagbibiro. Anong problema ng talipandas na 'to? Galit na galit. Gusto manakit?
Muntik na siya matalisod ng bigla itong tumigil. Doon niya lang napagtanto na nasa harap na sila ng isang maliit na sitio. May mga palapit sa kanilang mga tao.
"Torpedo!" sabik na sambit ng isang lalaking medyo may katandaan na. Puti na ang lahat ng buhok nito gayundin ang mahabang balbas.
"Maestro," sagot ni Demir. Tinapik nito ng isang kamay ang matanda na awtomatiko naman na bumaba ang tingin sa isang kamay nito na nakasalikop sa kamay niya. Halos manlaki ang mga mata niya dahil hindi niya namalayan na magka holding hands pala sila.
Akma niyang babawiin ang kamay niya ngunit hinigpitan nito ang kapit kaya hindi niya maialis.
"Siya na ba, Torpedo?" tanong ng matanda habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa at nakangiti hanggang mata.
Hindi niya masyado maintindihan ang ibig sabihin ng mga ito. Iba rin ang tawag nito kay Demir.
Napalingon siya kay Demir ng tumango ito sa matanda at ngumiti rin. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya at bahagyang pagpisil.
Maygad! Nakaka- OP ang dalawang ito ah?!
"Nga pala maestro, ano ang nangyari rito? Kamusta ang mga residente?" tanong ni Demir na tila nagpabalik sa kanya sa reyalidad.
Oo nga pala, iyon ang ipinunta nila roon. Bakit nga ba nawala sa isip niya? Syete! Landi pa more!
Nakita niya ang pagbalong ng lungkot at pag-aalala sa mukha ng matanda. "Naroon sila sa bulwagan. Hindi rin namin maipaliwanag ang nangyayari sa kanila. Sabay-sabay silang nagkalagnat, sumusuka, tinutubuan ng pantal sa buong katawan at hindi makahinga," sagot nito habang iginigiya sila papasok sa loob ng sitio.
Pansin niya na nagkalat na rin sa lugar ang mga tauhan ni Demir. Gusto niyang umirap sa hangin. Mabuti pa kasi ang mga bodyguards nito marami, samantalang silang magmemedical mission dalawa lang. Paano naman nila magagamot ang isang buong sitio?
Akala yata ng hinayupak na talipandas ay octopus sila. Maraming galamay yarn?
"Oh God!" naibulalas niya kasabay ng paghawak sa dibdib ng marating nila ang bulwagan.