Chapter 5

1209 Words
Kasalukuyan niyang chinecheck ang bata. Kukunan ito muli ng dugo at ililipat ang dextrose, pumutok kasi ang ugat nito. Wala rin ang bantay nito ngayon, umuwi sandali para kumuha ng gamit. Lalo tuloy siya nainis sa kung sino man ang kamag-anak nito, ang bata pa nito para mag-isa lang na harapin ang sakit nito. Kailangan niya ng masasandalan na pamilya! Kita niya na pinipigil nito ang mapaiyak habang nakatitig sa kamay ng nurse na inihahanda ang pang-blood extraction. Hindi niya natiis kaya lumapit na siya. "Hi Emira, I'm Dr. Villaverde," bati niya rito ng nakangiti. Ngumiti rin ito pero may pagkapilit. Mas halata ang takot nito sa karayom na muling tutusok sa kaniya. Lalo na ng pumwesto na ang nurse. Bumaling ito ng tingin sa kaniya na tila nagpapasaklolo. "Uhm Doc, can I ask you a favor po?" tanong ng bata sa kaniya. "Sure, sweetheart," lumapit pa siya rito at hinaplos ang buhok nito. "Can you hold my hand po? I-I'm scared, wala po kasi si manang Loleng" yumuko ito pero inangat ang isang kamay. Nagkatitigan sila ng nurse at tinanguan ito. Umupo siya sa tabi ng kama at niyakap ito. "You're a brave girl, sweetheart," bulong niya rito na tila nagpakalma sa kaba nito. Matagumpay na nakuhanan ito ng blood sample at nailipat rin ang dextrose IV. Tahimik lang ito habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Thank you, Doc. I didn't feel any pain!" pagmamayabang nito sa kaniya na ikinangiti niya. She's such an angel! Too bad she has a neglectful guardian. "Wow! Are you a super girl?" nanlalaki pa ang mga mata niya na sambit niya rito. Ngumiti naman ito at muling yumakap sa kaniya. Napaka-sweet na bata nito. "Yes! Because I have a super doctor, too!" masigla na ang tono nito. Pero maputla pa rin ang kulay ng balat nito. "Oh be careful, sweetheart ha? If you get too excited or too sad you need to remind yourself to always keep calm. Kasi baka hingalin ulit ang pakiramdam mo. Okay?" hinaplos niya ang hanggang balikat na makintab na buhok nito. "Yes po Doc ganda, and also bawal mapagod sa pag-play. Manang will be kawawa kasi she is always worried about me," parang sinaksak ang puso niya sa sinambit nito. This child is too pure! Mabuti pa ang bata may pakialam sa pag-aalala ng taga-bantay nito. Muli nanaman bumangon ang inis sa dibdib niya na hindi niya mawari kung bakit. Naaawa siya sa bata. "Sweetheart, where is your guardian?" lakas loob niyang tanong dito. Iniurong niya ito para makahiga ng maayos sa bed. Bumuntong-hininga ito. "Tito Demir is always busy with our family business. I miss him already po but I understand that he needs to take care of our business for my future," dama niya ang pangungulila nito pero mas nangingibabaw ang pang-unawa ng bata. Oh! Darn that f*cking future! Lalo at ganito ang kalagayan ng bata. Hindi ko alam kung saan nagmana ng lawak ng pang-unawa at pagka-matured ng pag-iisip ang batang ito but one thing is for sure, definitely hindi sa guardian nito! Galit na galit teh? Napalingon sila sa pinto ng dumating si Manang Loleng. "Naku Doc, pasensiya na ho kayo medyo natagalan ako makabalik at nagluto pa ako," nahihiyang wika ng matanda. Tumayo siya at tinulungan ito sa mga bitbit. "Ayos lang ho, Manang. Huwag din ho ninyo masyado pagurin ang sarili ninyo at baka kayo naman ang magkasakit," paalala niya rito. May edad na rin kasi ito at bakas din niya ang pagod sa mukha nito. Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na rin siya at tapos na ang duty niya. Balak niya dumaan ng grocery dahil wala na siyang stock sa condo niya. Nagmamadali siya dahil baka magsara na ito dahil maga-alas nuebe na ng gabi. Pag-park niya ng kotse sa grocery ay mabilis siyang umibis. Pero napahinto siya ng makaramdam ng tila nagmamatyag sa kaniya. Luminga siya sa tahimik na parking lot, mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan na nandoon. Malalaki ang hakbang na naglakad siya papunta sa grocery ngunit alerto ang pakiramdam niya. Nang mapatapat siya sa may glass wall ng grocery ay nakita niya ang taong sumusunod sa kaniya. Tsk! Sinasabi ko na nga ba at hindi pa rin ito tumitigil! Inis na sambit ng isip niya. Ang stalker niya na si Darius. Naging pasyente niya ito ng maaksidente sa motorsiklo isang taon na ang nakalipas. Lantaran ang pagpapahayag nito ng pagkagusto sa kaniya ngunit agad niya itong diniretso na wala itong aasahan. Guwapo naman ito, mukha rin naman na mabait pero tila ito grabe magmahal na tila obsess na and that's creeping the hell out of her. How obsess this man is? He even bought a condo across her unit. Kaya lagi nakatabing ang kurtina niya sa may veranda dahil nakatambay ito roon lagi at nakatingin sa unit niya. Bumuntong-hininga siya. "Darius, come out!" mahinahong tawag niya rito para ipaalam na alam niyang sinusundan nanaman siya nito. "Hello, My Love," kumakamot na sambit nito kasabay ng pagsulpot nito mula sa madilim na parte ng parking lot. Nakasuot ito ng jacket na karaniwang ginagamit kapag nagmomotorsiklo. "How many times do I need to tell you to stop following me?" "I'm sorry. I just missed you so bad! Bakit ba ayaw mo kasi sa akin? Handa naman kitang pakasalan kahit saan!"sambit nito sa kaniya. Napailing siya. "Sorry Darius, may boyfriend na 'ko. Actually, I'm gonna meet him today," pagsisinungaling niya rito para tumigil na ito. Kita niya ang pag-angat ng tingin nito at pagtitig sa mukha niya. Wari bang inaanalisa kung totoo ang sinasabi niya. Bigla ring nagpalit ang emosyon nito mula sa pagiging maamo sa tila sasabog sa galit na nag-aapoy na mga mata. "No! I'm gonna kill who that man is! Walang puwedeng umagaw sa 'yo sa akin! You are mine!" mabilis itong nakalapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Gusto na niya magsisi kung bakit hindi niya sinunod sa Calix sa suhestiyon nito na ipa-blotter si Darius at bigyan ng restraining order. Akala kasi niya ay temporary obsession lang ang nararamdaman ng lalaki sa kaniya. Idagdag pa na masyado yata siya naging confident na kaya niya ipagtanggol ang sarili. Biglang tumunog ang cellphone niya. Si Calix iyon. "Hello, babe! Yes, nasa parking na 'ko. I'll go and meet you." "What's happening, Moon? Are you alright?" dinig niya ang nag-aalalang tono nito. "Yes, yes! I can see you na, Babe! Ibababa ko na ito sayang ang load!" sagot niya rito sabay patay ng tawag. May lalaki kasi na nakita siyang naglalakad papunta sa gawi niya ng parking lot habang nasa tainga ang telepono. Mamaya na siya magpapaliwanag kay Calix panigurado mag-aalala ito. Lumunok siya. "Darius, tigilan mo na 'ko. Umalis ka na, ayun ang boyfriend ko oh," turo niya rito. Hindi ito tumitinag at kita niya ang pagtatangis ng bagang nito. Mabilis siyang humakbang palapit sa lalaki. Bahala na! Mahinang sambit niya. Basta ang mahalaga maitaboy niya si Darius. "Hi, Babe!" wika niya sa lalaki na abala sa pagpindot ng telepono nito. Nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay walang sabi-sabing sinunggaban niya ito ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD