SAMANTALA pagkapasok ni Carol gamit ang paborito niyang daanan bumungad rito ang tropa ni Ken pero inaasahan na niya ito.
" oh si Carollin'!!! " bungad rito ng mga tauhan ni Ken pero halatang pinipigilan ng mga ito ang takot habang nakatingin sa dinaanan nito.
" WALA NG LALABAS DIYAN! DAHIL ANG HINAHANAP NIYO NASA LOOB NA! " pagkain nito sa lollipop niya saka naglakad sa direksyon ni Ken " Tigilan mo siya dahil hindi totoo ang mga nakita mo! " Ngumisi naman ito sa kaniya bago sumagot.
" Nakakapagtaka masyado naman atang nakikialam ang tulad mo sa isang katulad niya? " Pag-upo nito sa ngayon kasi mas nangingibabaw rito ang galit kaysa sa kung anong nararamdaman nito sa tulad ni Carol dahil sa ngayon ang nasa isip lang niya ay ang magawa ang gusto niyang gawin kay Paulo pagkwan tumawa ito.
" kaya ka ba nagkakaganiyan e dahil totoo yong tungkol sa kuwento mo sa pantalon? " Nakakaasar niyang tingin rito " Pero hindi naman pala ikaw ang gusto kundi ang kapatid mo! Masakit yon diba? huwag kang mag-aalala naiitindihan naman kita sa bagay na yan kaya naman ako nang gagawa ng paraan para layuan niya si Anika kaya matulog kana lang sa paboritong mong puno at antayen ang mga mangyayari " seryoso nitong sabi habang nakatingin sa may damohan " Makinig ka! Kung makikialam ka ulit sa kaniya hindi ako magdadalawang isip na idamay ka! " Malamig nitong sabi.
" WALA AKONG PAKIALAM SA GAGAWIN MO! " paglalakad nito pero mayamaya huminto siya at tinanggal sa bibig niya ang kinakain nitong lollipop " PERO HUWAG MONG GAGAWING NALALAMAN O NAKIKITA KO! " bilin nito bago naglakad muli.
" TSK! BAKIT KA BA MASYADONG NAKIKIALAM DOON? NOON NAMAN MINSAN KA LANG MAKIALAM SA MGA GINAGAWA KO DITO SA SCHOOL PERO BAKIT NGAYON MASYADO ATANG NAPAPADALAS? " pag-uusap nila habang magkatalikod at nakaupo itong si Ken pero nilingon lang ito ni Carol saka nagsalita at naglakad muli pero hindi naman makapagsalita si Ken sa sinabi nito.
" Boss mukhang patuloy kana ngang pakikialaman ni Carollin' " Ganon na lang ang takot ng kasama niyang nagsalita ng sipain niya ito kaya napaupo ito.
" Kung wala kang magandang sasabihin manahimik kana lang! " Pag-alis nito. Samantala pagkarating ni Paulo sumalubong agad rito si Stell.
" Haist! Ang akala ko ano nang nangyari sayo pero nawawala din naman yon sa tuwing naiisip kong kasama mo si Carol pero bakit ang namumutlang Justin ang kasama mo? Hindi ba binigay niya sayo ang ID ko? " Tumango naman ito bilang sagot saka lumingon kay Anika pero mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kaniya ng magtama ang mata nila.
" Huwag ka nang lumingon Dre, ano ka ba naman! " Paghila niya rito sa upuan nila at mga ilang minuto dumating na din si Carol pero natigilan ito ng marinig ang pag-uusap ng lahat hindi kasi nila ito napansin sa subrang ingay at pagpupulong nilang pagtsitsismis. Sa totoo niyan kanina pa ito at hinayaan na din sila ni Josh dahil mahirap kontrolin kapag mga ganitong usapan at saka hindi lang naman silang section ang may ganitong topic kundi halos buong campus.
" Sana maging okay lang si Paulo " Bulongan ng mga ito.
" Alam niyo mas masakit at nakakahiya naman ang kalagayan ni Carol noh biroin niyo, yong kuwento niya tungkol sa pantalon tas hindi naman pala siya ang gusto ni Paulo kundi si Anika " dinig pa niyang usapan ng lahat " Ang sakit non, binigay mo lahat pero hindi naman pala ikaw ang gusto " usapan pa nila.
" Ano naman bang nakakahiya doon? Helooo from the start kailangan maitindihan ni Carol na hindi ang tulad niya ang magugustohan ni Paulo at kahit ako mas malaki ang tsansang kay Anika din ako magkagusto noh di hamak na mas matalino, mas maganda, mas talented, mabait, at mas babae siya doon! " Usapan pa ng mga ito at akala mo mga pagong na nagtago sa mga bahay nila ng makita nila itong maglakad sa harapan nila. At ganon na lang ang asar niya ng mapansin nito ang malulungkot ritong tingin ni Stell at ang hindi maipentang mukha ni Paulo kaya tahimik na din siyang umupo habang nag-aalala rito.
" Nakakainis talaga ang may gawa nong picture na yon " bulong pa ni Stell pasulyap naman silang tiningnan ni Andy at nalungkot ito bigla ng mapansin niya ang mukha ni Paulo habang nahihiya pagkatapus niyang maging main subject ng buong campus at lalo na dito sa loob ng room nila dahil iniisip nga nilang may nangyari talaga sa kanila ni Carol nang dahil sa kuwento nito tungkol sa pantalon na ngayon hindi niya pa rin maitindihan ang dahilan pero gayon pa man tanging classroom lang nila ang nakakaalam non.
" Paulo ganito talaga rito kapag may mga ganitong bagay " Ani Stell nang hindi ito lumabas pagkatapus ng klase nila.
" Stell puwedi kang umalis, magcanteen kana hindi lang talaga ako nagugutom " Ani Paulo na halatang apektado sa mga nangyayari.
" Sasamahan kita Dre mamaya dumating sina Ken " pagsandal nito sa upuan niya " At saka nangako ako sa isang taong sasamahan ka " masaya nitong sabi pagkatapus maisip si Carol.
" Hindi naman ako takot kina Ken kaya puwedi mo akong iwan at saka gusto ko sanang mapag-isa " lumingon naman rito si Stell at nang makita niya itong seryoso tumayo ito.
" O sige pero babalik din ako agad kukuha lang ako ng pagkain natin " Hindi naman umimik pa si Paulo kaya tahimik na lang din siyang lumabas.
" Bakit ba pakiramdam ko naramdaman ko na ang ganitong pakiramdam? " Pagpatong nito sa ulo niya sa mga braso niyang nakapatong sa arm chair niya " dahil sa mga nangyayari pakiramdam ko may mga bagay akong naaalala pero hindi ko maisip kung ano yon, at saka bakit ba nakakaramdam ako nang ganitong kalungkotan? " Paghawak nito sa puso niya " Nahihiya lang naman ako dahil sa kuwento ni Carol tungkol sa pantalon na ngayon usapan ng mga kaklase ko at yong litrarong napost pero hindi naman ako nalulungkot, nag-aalala lang ako sa mararamdaman doon ni Anika at dahil napapansin kong iniiwasan niya ako at sa mga payo ng mga taong nakapaligid saakin na iwasan siya kaya ayaw ko munang kausapin siya at sa tingin ko ganon din ang gusto niyang mangyari " pagsasalita nang utak nito " kaya lang bakit ba subra akong nalulungkot? " Bulong nito " sobrang bigat ng pakiramdam ko " pagpikit nito.
TRISHA HIS FIRST LOVE :
" Sir hindi pa kayo kumakain " habol rito ng personal maid niya habang nagmamadali itong magsuot ng pantalon.
" May lakad po ako manang, may hinahabol po akong game sa school " nakangiti nitong sabi pero natanggal yon bigla ng marinig niya ang malakas na tunog ng nabasag na vase.
" Stupid! Puro ka hiwalay Hindi mo naman ginagawa!!! " Dinig nitong sigaw ng mommy niya.
" Kausapin mo kasi ang anak mo para matapus natin ito! " Sigaw din ng daddy niya.
" Anong kinalaman rito ni Paulo?! Wala din naman siyang magagawa sa mga gusto nating mangyari dahil alam nating pareho na walang may gusto sa paglabas niya dahilan bakit hanggang ngayon magkasama pa tayo!!! " Napakagat naman si Paulo sa loob ng bibig niya sa mga narinig nito.
" Sir sige po umalis na kayo baka malate pa kayo eh " Sabi rito ng katulong pagkatapus makita ang paglungkot ng magaganda niyang mata.
" Sige po " pagmano niya rito saka naglakad palabas. AT halos takbohin na nito ang buong campus patungong table tennis court para sa laro ni Trisha ang girlpren niya at pagkaupo niya nakita niya agad ito habang nakangiti.
" Kung bakit kasi nalate ako " bulong nito habang nakangiti pagkatapus malimotan ang iniwan niya sa bahay nila ng makita ang mukha nang babaeng nagpapawala kahit papaano sa nararamdaman niyang lungkot.
" Pasensya kana kung late ako " nakangiti pa niyang panonood rito pero natigilan siya ng pakiramdam niya ang daming nakatingin sa kaniya at napatayo ito nang matapus ang laro at may nagtungong lalaki sa girlfriend niya at hinalikan siya nito nang mabilis.
" Sino ba yon? " Bulong nito at napangiti siya ng lumingon rito si Trisha pero pakiramdam niya sinampal siya nang para bang hindi siya nakita nito.
" Ah baka dahil hindi niya ako nakilala ang dami din kasing tao rito " paglalakad niya patungo rito kahit nararamdaman niyang may ibang nangyayari pero ayaw niyang isipin yon dahil ayaw niyang mawala ang babaeng kahit papaano nagagawa siyang pangitiin sa mundong pinagkulongan sa kaniya ng mga magulang niya.
" Wala bang alam si Paulo? " Bulongan ng ilang nadadaanan niya " Hindi naman siya mahilig sa social media kaya panigurado hindi niya nakita " usapan pa nila at naririnig niya ang mga ito pero pilit niyang binalewala " nagkabalikan na si Trisha at nang boyfriend niya diba? Hindi ba't pinost nilang pareho yon? Nakakaasar nga dahil Ang sweet na nila agad " tuloyan ng tumigil ang mundo niya sa narinig niyang ito pero tuloyan na itong nakarating sa dalawa at pakiramdam niya may pumipigil sa kanyang huminga habang nasasaktan ito sa nakikita niyang magkahawak kamay ang dalawa habang titig na titig rito si Trisha.
" Pambihira at talagang sinabihan mo pang manood ang gagong yan? " Agad naman tinanggal ni Trisha ang pagkakahawak kamay nila nang makita nito si Paulo sa harapan nila.
" Babe mauna kana puwedi ba? " Para siyang binuhusan ng malamig na tubig pagkatapus halikan muli ng lalaki ang babaeng iniisip niyang magliligtas sa kaniya sa mundo ng mga magulang niya.
" Ano ka ba andaming tao! " Pagkalas niya sa halik rito habang nakangiti.
" Tsk! Gusto ko lang naman sabihin diyang saakin ka lang talaga! " Nang-aasar nitong tingin kay Paulo bago lumabas.
" Sumunod ka saakin " paglalakad ni Trisha at tahimik siyang sumunod rito at sa walang tao niya ito dinala.
" SA TOTOO NIYAN NAPAKABUTI MO PAULO PERO___ "
" Okay lang saakin kahit dalawa kami pero wag mong bagohin anong mayron saatin " pagputol nito sa sasabihin ni Trisha at mabilis ritong yumakap " you promised me! Nangako kang dadalhin mo ako sa mundo mo! Kaya pakiusap wag mo munang sirain ang pangko mo! Pakiusap hindi ko kayang isiping wala na ang mundong kasama ka, Hindi Trisha! Pakiusap!!? " Yakap niya rito ng mahigpit habang umiiyak " ikaw lang ang nakikita ko kaya pleaaaaase! Stay with me! pleaaase?!! I'm begging you! Stay with me!!! " At napaupo ito ng tanggalin ng dalaga ang pagkakayakap niya rito.
" I can't do it! Masyado kang mabait kaya hindi ko kayang gawin " naiiyak din nitong sabi habang nakikita ang nakaupong Paulo at nasasaktan " sa totoo niyan napaka cool mo and I know kapag ginamit kita puwedi kong mabawi ang boypren ko at yon ang katotohanan " pagtatapat nito " kaya sana mapatawad mo ako Paulo Hindi dapat akong umasang mapapatawad mo ako pero gusto ko pa rin " naiiyak nitong sabi saka tumalikod at umalis at pagkalabas niya sinundan ito nang boypren niya.
" akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo sa girlfriend ko? At anong dapat dalawa tayo? Tarantado akin lang yon!!! " pagsipa niya rito " Alam mo walang kuwenta mong kaagaw kung hindi ka lalaban kaya dali, lumaban ka magsuntokan tayo nang magising kang ginamit ka lang ni Trisha at Hindi ka talaga minahal " sampal niya rito sa mukha ng mahina pero madiin at ganon na lang ang inis niya ng hindi ito inimik ni Paulo " bakla pala toh e! " Suntok niya rito pero hindi pa rin ito gumalaw dahil kumpara sa matagal ng sugat sa puso niya walang wala ang mga suntok na 'toh kaya sinundan pa niya ito ng ilang suntok hanggang sa magdugo ang bibig nito bago nila ito iniwan.
" Gago! Ang bakla naman pala nong ginamit sayo ni Trisha! " Tawanan pa nila pagkatapus malingon ang Paulong nakaratay sa sahig habang nagdudugo ang bibig nito at nakatingin sa taas habang pilit na kumakawala ang ilang luha sa mata niya at pakiramdam niya hindi siya makahinga sa sakit kaya mahigpit itong napahawak sa puso niya habang malalim na humihinga sa sakit na nararamdaman niya. End of flashback!
" A...ng sa....ki..t " pagsasalita nito habang natutulog at kita mo sa mukha niya ang lungkot habang nakapikit.
" Paulo.. Paulo... " Napamulat ito ng maramdaman niyang may yumuyugyog sa kaniya pagkatapus nitong makaidlip.
" ANIKA?! " Hindi pa niya makapaniwalang tanong.
" Dinalhan kita nakita ko kasing hindi kana lumabas " pagbibigay niya rito ng pagkain " Pasensya kana tungkol doon sa litrato ah kahit ako hindi ko alam sinong may gawa non " Hindi nito magawang tumingin sa kaniya pero pakiramdam niya nabawasan ang nararamdaman niyang kalungkotan pagkatapus itong makita at marinig ang boses nang dalaga.
" Hindi ko naman iniisip yon kaya huwag mo na ring isipin " pagngiti niya rito kaya napangiti rin itong si Anika " sa totoo nga niyan ikaw rin ang inaalala ko " umiling naman si Anika sa sinabi niya.
" Wala ding problema saakin non nakakagulat nga at may nakakuha pala saatin ng litrato " Sabi nito agad " Pero Paulo puwedi ba akong humingi ng pabor sayo?! " Tumango naman siya rito bilang sagot " Hangga't hindi ko pa nakakausap si Ken huwag mo munang hahayaang Makita ka niya ah?! Hindi ko alam pero hinanap ko siya pero hindi ko siya makita rito pakiramdam ko may pinaplano talaga yon kaya ikaw na lang muna ang umiwas sa kaniya ah " nag-aalala nitong sabi kaya tumango siya rito.
" Hindi ko alam bakit masyado kayong nag-aalala kay Ken pero sige " pagpayag niya rito.
" Salamat at sorry talaga " natigilan ito ng tapikin ni Paulo ang ulo niya ng mahina.
" Huwag mo ng isipin yon " ngiti nito kaya naalis din ang kabang nadarama ni Anika.
" O sige, aalis din ako nito agad mamaya may makakita na naman saatin " Mabilis nitong paglabas at napangiti ito nang tumama ang mata niya sa pagkaing dala nito. At pagkailang minuto nagsidatingan na din ang lahat at gaya ng madalas mangyari si Carol ang may pinaka last na entry. At pasulyap niyang tiningnan si Paulo pagkatapus makita ang maaliwalas na nitong mukha.
" Mabuti naman Dre at nakatulong ang pag-iisa mo medyo masigla na tingnan ang mukha mo " akbay rito ni Stell at ngumiti naman siya rito bilang sagot saka tumango " At mukhang nakakangiti kana rin " masaya din nitong sabi at pagkatapus ng klase mabilis na inabangan ni Anika si Carol nang lumabas itong classroom.
" ANO NA NAMAN?! " masama nitong tingin kay Anika.
" Makikiusap lang sana akong bantayan mo si Paulo total isa lang naman kayo ng uuwian nag-aalala kasi akong baka abangan siya nila Ken " Sabi rito agad ng kapatid niya.
" Ano namang magagawa non saakin? At saka kayo naman ang may picture non kaya bakit kailangan kong madamay " paglalakad nito ng tuloyan pero natigilan na naman ito nang mapansin nitong nasa may gate si Stell.
" Ca-carol nagawa ko na yong sinabi mo pero ba-baka naman puwedi mong samahan din pauwi si Paulo? " Pakiusap niya rin rito.
" Ano namang gusto mong gawin ko tumakbo at habolin ang bisekleta niya? At saka makakarating naman yon nang ligtas " sa sinabi nito napanatag ang nararamdaman ni Stell " Nasaan ba siya? " Tanong pa nito kaya mas lalong natuwa itong si Stell.
" Kinuha niya ang bisekleta niya para unuwi " pagkasabi non ni Stell naglakad na ito " Carol mag-iingat ka!!! " pagkaway pa niya pero hindi na siya pinansin nito " Kaya hindi rin tuloyang naniniwala si Paulo sa puweding gawin ni Ken e dahil may tulad ni Carol na palaging tumitingin sa kaniya at para sa tulad kong nakakakilala sa ugali ng tulad niya hindi ko maiwasan kung ano bang ginawa ni Paulo sa kaniya para makuha ang loob nito " pagmamasdan rito ni Stell at habang naglalakad si Carol pasulyap itong tumitingin sa likuran niya kung nakasunod na ba ito rito hanggang sa lumakad na rin ito ng mabagal pero wala pa ring Paulo.
" Nakauwi na kaya ang Jampawlo na yon? " Pag-upo nito sa may damohan para hintayin ito " haist! Mukhang may pangit na namang nangyari sa hotdog na yon! " Naaasar nitong sabi pagkatapus nang naisip niya. At gaya ng inaalala nito pagkahiwalay ni Stell at Paulo may biglang humarang na mga lalaki sa kaniya habang patungo ito pauwi.
" Ayaw sana naming gawing ito dahil puwedi ka naman naming pilitin na lang pero malalagot naman kami non kay boss " naaasar nilang pagkamot sa ulo nila " Hoy puwedi ka bang sumama saamin? " Pakiusap nila rito na halatang ayaw nilang gawin kaya nakaramdam siya ng kakaiba rito.
" Kung may sasabihin kayo puwedi niyong sabihin ngayon, Gabi na kasi " Hindi niya pagpapatinag sa mga masasama nilang tingin rito.
" Wow!!! Matapang naman pala " tawanan nila pagkwan hinila nang isa ang bisekleta niya kaya napilitan siyang umalis rito " sumunod ka saamin kung gusto mong makuha 'toh! " Pagsakay niya rito at wala naman siyang choice kundi kunin ito kaya sumunod siya sa mga ito at saka pagkakataon na rin niya para makausap si Ken kung siya man ang nasa likod nito.
" Boss gaya ng inutos mo masunorin siyang sumama " pagsipa nong lalaki sa bisikleta niya pupuntahan sana niya ito pero mabilis itong hinawakan ng kasama ni Ken at dinala ito rito habang nakaupo sa malaking bato kung saan matatagpuan malapit sa likod ng school at walang nagpupunta rito.
" Mabuti naman at dumating ka " tingin rito ni Ken saka winasiwas nito ng mahina ang kamay niya kaya binitiwan nila ito " ayaw ko nang maraming sinasabi kaya didiretsohin na kita " tingin niya rito " may itatanong at sasabihin ako sayo pero dapat iisa lang ang sagot mo dahil kung hindi buburahin ko ang mukha mo " pagkuwelyo niya rito na para bang nag-aapoy ang mata nito sa inis pero binitawan niya din ito para pakalmahin ang sarili niya " tssst! Alam mo bang kanina ko pa pinipigilan itong inis ko! " Pagpipigil nito sa kamao niyang dumapo kay Paulo pero wala ka namang makikitang kahit na anong bakas na takot sa mukha nito.
" Ang gusto ko sabay mong ibibigay saakin ang sagot sa tanong at gusto kong mangyari! " Pagtalikod nito para pigilin ang mga kamay nitong masaktan si Paulo.
" Makinig ka! " Mararamdaman mo ang inis sa boses niya " MAY BALAK KA BANG KUNIN SI ANIKA MULA SAAKIN? " tanong nito " ANG GUSTO KO LAYUAN MO NA SIYA! " pagharap niya rito at tinitigan siya " NGAYON ANONG SAGOT MO? " lapit niya rito " Makinig ka siguradohin mong matutuwa ako sa sagot mo " pagbabanta niya rito habang pigil pigil nito ang kamao niya " ayosin mo ang sagot mo! " Pagtalikod nito.
" Hindi ko alam anong gusto mong sagot pero hindi tamang sabihin mo yan sa tulad mong kapwa lalaki__ " natahimik itong si Paulo ng lumipad sa tiyan niya ang kamao ni Ken.
" GAGO KA TALAGA EH! AKALA MO BA NAGBIBIRO AKO PARA TANONGIN MO DIN AKO AT HINDI SUMUNOD SA MGA SINABI KO?! " tadyak niya rito kaya sumalampak sa may puno si Paulo " TARANTADO! AT AKALA MO BA NAKALIMOTAN KO NA ANG GINAWA NIYO NG CAROL NA YON TUNGKOL SA PANTALON? PARA PAGBIGYAN PA KITANG GAGOHIN AKO ULIT!!? NAPAKALAKAS NG LOOB MO! " pagkuwelyo niya rito habang nakasandal sa may puno si Paulo at nagdudugo ang bibig nito pagkatapus tamaan ng suntok ni Ken.
" PERO ALAM MO NAIIBA KA PA RIN TALAGA PARA MAPALAPIT KA NANG HUSTO SA BABAENG LOBO NA YON PARA BANTAYAN KA PALAGI DAHILAN BAKIT LIGTAS KA PA RIN! " tawa nito na halatang naiinis " HOY GAGO! NGAYON WALA NG MAKIKIALAM SAYO KAYA IPAPAALAM KO SAYO KUNG BAKIT HINDI KA PUWEDING LUMAPIT KAY ANIKA! " Pagsampal niya rito ng mahina saka lumayo rito.
" Itayo niyo yan! " Mabilis naman nila itong pinuntahan pero ganon na lang ang gulat ng lahat ng lumipad sa pagitan nila ang bisekleta ni Paulo at mabilis silang lumingon sa pinagmulan nito.
" CAROLIN'!!??? " sigaw pa nila ng makita nila ito kaya pilit na tumayo si Paulo.
" HAIST!!! ANG BABAENG YAN!!! " naaasar ritong tingin ni Ken pagkwan hinarangan ito ng kasama niya pero mabilis ritong tinapon ni Carol ang bag niya at sa lakas non napaupo ito " Te-teka Ang bilis niya?! " Habol nitong tingin rito pagkatapus niyang hablotin din ito ng mabilis pagkwan hinarangan na naman ito ng isa at isang mabigat na sipa ang natanggap niya rito kaya napaatras ito habang nakahawak sa sinipa rito ni Carol.
" Ang lakas niya talaga boss! " Agad namang nagtungo rito si Ken at isang mainit na titigan ang naganap sa dalawa.
" SABIHIN MO NGA ANO BA ANG PAULO NA YAN SAYO?!!! " Naiinis niyang tanong rito " BAKIT BA PALAGI KANA LANG NAKIKIALAM SA KANIYA!!! " sigaw nito habang naiinis.
" Sinong may gawa niyan sa kaniya? " Pagtukoy nito sa namamagang bibig ni Paulo kaya mas lalong nainis itong si Ken sa pambabaliwala nito sa tanong niya.
" HAIST! MAKINIG KA CAROL! WALA TAYO SA CAMPUS KAYA HINDI TAMANG HANGGANG DITO AY MAKIKIALAM KA! " Titig niya rito " ALAM MO SA TINGIN KO HINDI SIYA INTERISADO SAYO KAYA TIGILAN MO NA ANG PAGTATANGGOL SA KANIYA DAHIL WALA KANG MAPAPALA SA TULAD NIYA AT PARA NA RIN HINDI KANA MADAMAY! " paghawak niya sa buhok nito pero mabilis nitong pinilipit ang kamay niya kaya tinaas nito ang isa niyang kamay para hampasin ito at mabitiwan siya pero bago pa ito dumapo rito mabilis itong nasalo ni Paulo kaya sabay ritong napalingon ang dalawa. At naalala niya ang tanong nito kay Carol sa likod ng school.
" BAKIT KA BA MASYADONG NAKIKIALAM DOON? NOON NAMAN MINSAN KA LANG MAKIALAM SA MGA GINAGAWA KO DITO SA SCHOOL PERO BAKIT NGAYON MASYADO ATANG NAPAPADALAS? "
" DAHIL PAKIALAMIRO ANG JAMPAWLO NA YON! PALAGI NIYA AKONG PINAGTATANGGOL KAHIT HINDI KO SINASABI KAYA GINAGAWA KO LANG ANG PABOR NG PABALIK " napangiti naman si Ken sa inis sa naalala niyang ito.
" Tsk! Mukhang tama nga ang sinasabi mo pero hindi pa rin tama yon para tulad ko ang kalabanin mo! " Pagbawi nito sa kamay niya kaya nabitawan ito ni Paulo pagkwan tumingin siya sa dalawa " HINDI KO ALAM ANONG MAYRON SAINYO PERO HINDI AKO NATUTUWA DOON! " naiinis nitong sabi at naglakad
" Hindi pa ako tapus! " Sabi pa nito bago tuloyang umalis mabilis namang lumingon si Carol kay Paulo ng maiwan silang dalawa.
" HINDI BA SINABI KO NG MAG-IINGAT KA!? " Nag-aalala niyang tingin rito pero hindi ito pinansin ni Paulo at tahimik nitong kinuha ang bisikleta niya at umalis.
" Tsk! Huwag mong sabihing ako na naman ang may kasalanan? " Pagsunod niya rito.
" Hindi ko alam kung bakit nandito ka na naman pero puwedi bang tigilan mo na ako " natigilan naman itong si Carol sa sinabi niya.
" Hindi ko alam ano bang mayron itong mundo niyo pero pakiusap huwag niyo na akong isali! Nandito ako para magpagamot at aalis din ako pero kung patuloy mo akong papakialaman hindi lang Memorya ko ang mawawala " mahaba nitong sabi pagkatapus huminto maglakad " pakiusap tigilan mo ako! " Paglalakad nitong muli.
" Teka nga! Bakit ba parang ako ang nag-utos sa Manok na yon na saktan ka para saakin ka magalit? Hoy! Baka nakakalimotan mong kasalanan niyo yon dahil sa paghaharotan niyo ni Anika tas ako ang sisisihin mo? Aba okay rin yon ah! " ngiti nitong sarcastic " hoy Jampawlo!!! Masyado ka naman atang umaabuso! Hindi porket masyado akong mabait sayo iisipin mong puwedi mong sabihin saakin kahit ano! " Sabi niya rito ng malakas " tsk! At saka puwedi bang magpasalamat kana lang! " Sumbat niya rito.
" Salamat ah! Grabe dahil sa kabaitan mo umaayos ang lahat kaya nga napartner mo pa ako sa pag-akyat doon sa daanan mo pagkatapus mawala ng ID ko, kaya nga halos araw araw may pasa at bale Ang katawan ko sa tuwing nagkikita tayo, kaya pala andami nang kahihiyang naipon sa isipan ko, at salamat kasi ng dahil sa pagsisinungaling mo tungkol doon sa pantalon mo lumala ang problema tungkol doon sa litrato dahil iniisip ng Ken na yon pinagluluko natin siya, tsst! Salamat talaga! " Sarcastic nitong sabi " Salamat sa kabaitan mo Carol ah!!! Grabe nakatulong talaga! " Paglalakad nito kaya Ganon na lang ang inis ni Carol kaya sinipa nito ang bisikleta ni Paulong hilahila niya dahilan para mabitiwan niya ito.
" O ano? Sasaktan mo na naman ako? Sige, diyan ka naman magaling " tingin niya rito pagkwan hinila ito ni Carol gamit ang kuwelyo ng damit niya " HINDI BA'T SINABIHAN NA KITA NONG UNA NA HUWAG KANG MAGING MABAIT SAAKIN? PERO HINDI KA NAKINIG HINDI BA?! " titig niya rito sa mata at hindi rito magawang mag-iwas ng tingin ni Paulo habang nakikita nito ang naghahalong inis at lungkot " PERO SA TINGIN KO NAMAN KUWETS NA TAYO SA LAHAT NG GINAWA MO SAAKIN KAYA OKAY NA SIGURO LAHAT NG NAGAWA KO SAYO! O BAKA NGA SUBRA PA!!! " pagbitiw niya rito saka nito hinawi ang buhok niya at naglakad.
" MAKINIG KA! GUSTO KONG TIGILAN MO ANG PAGIGING MABAIT SAAKIN DAHIL KUNG HINDI IBABALIK KO YON SA PARAANG HINDI MO MAGUGUSTOHAN! " Sabi nito saka tuloyang umalis.
" Teka! Hindi ko naman sinabing bayaran mo lahat ng ginagawa ko sayo, ginagawa ko yon dahil gusto ko " habol niya rito.
" Ginagawa ko rin yon dahil gusto ko kaya kung ayaw mong nakikita ako tigilan mo rin ang pagiging pakialamiro mo! " Pagkwan huminto siya ng maramdaman niyang sumusunod ito sa kaniya " subokan mo pang sumabay saakin, babaliin ko ang mga paa mo! " Pagkuha nito sa lollipop niya at kinain saka nito hinawi ang buhok niya at naiinis na naglakad ng mabilis " buwesit! " Bulong pa nito.
" Ang daming nangyari ngayong araw hindi ko alam ano na naman ang nagawa ko kay Carol bakit naguguilt na naman ako basta ang alam ko nakakairita na ang palagi niyang pagsulpot, Hindi naman kasi siya nakakatulong dahil mas lalo lang akong napapahamak dahil sa kaniya " pagsusulat nito.