NAPALINGON agad itong si Josh sa direksyon ni Carol ng marinig niya ang yabag ng mga paa nito habang nag- aalmusal sila kung saan siya lang ang hindi pa bumababa. " Nandiyan na siya " ani Anika, kanina pa kasi nila ito hinihintay at ganon na lang ang gulat ng lahat ng biglang matapon ni Josh ang iniinom nitong tubig pagkatapos makita si Carol. " Kuya, okay ka lang? " Nag-aalalang tingin rito ni Anika ganon din ang mga magulang niya kaya hindi na nila napansin ang pag-upo ni Carol. " Okay lang " sabi nito habang pinupunasan ang bibig at pasulyap na lumilingon kay Carol, napansin naman yon ng daddy niya habang umiinom ng kape pagkatapos nitong itaas ang baso niya para humigop rito. " Mag-iingat ka, hijo" sabi nito saka nilingon itong si Carol na siyang sinusulyapan ng anak niya at mabil

