PAGKAALIS ni Stell nagpasya na rin siyang umalis pero natigilan ito ng maalala ang bisikleta niya " Haist! Nakakatakot namang pumunta doon mag-isa " pag-iisip nito sa dinaanan nila ni Carol.
" Bukas na lang siguro, mamaya makapasok siya sa bahay nila hindi ko na siya makakausap non " paglingon nito sa daan patungo sa bahay nila " Bahala na nga, bukas ko na lang kukunin ang bisikleta ko kailangan ko siyang makausap " paglalakad nito pero natigilan siya ng may tumawag sa kaniya.
" Paulo....! "
" Anika? " Paglingon niya rito saka nagtungo rito habang naglalakad din ito sa direksyon niya.
" Nagmamadali ka ba? " Tanong nito agad ng mapansin ang pagmamadali nito maglakad pauwi kanina.
" Ah, hindi naman " pagsisinungaling nito ng maisip si Carol " Bakit may kailangan ka ba? At saka diba may practice ka ngayon? " Tanong pa nito.
" Nagpaalam ako kay coach " Sabi nito at napatingin naman siya rito sa sinabi niya.
" May kailangan ka ba saakin? " Tanong pa nito ng mapansin ang bagabag sa mukha nitong kaharap niya.
" Ah, Wala naman naisipan ko lang kausapin ka ng makita kita rito, sa totoo niyan may kinuha ako sa guard at nakita kita " pagsisinungaling nito dahil ang totoo may sadya talaga siya kay Paulo.
" Ah ganon ba " tipid nitong sagot pagkwan may dumaang bisiklate sa harapan nila kaya sumagi na naman sa isipan nito ang bisekleta niya.
" May problema ba? " Tanong ni Anika " May maitutulong ba ako? " Tanong pa nitong muli.
" Kung lalabas ka ba papayagan ka? " Bahagya naman siyang tumango rito.
" Kunin natin ang bisikleta ko? " Ngiti niya rito " at saka para na rin makapag-usap tayo? Ang tagal nating naglilingonan lang sa school e " pagbibiro nito.
" Sige " walang pag-aalinlangan niyang sagot at sumabay rito maglakad.
" Nasaan ba ang bisikleta mo? " Pagtatanong nito habang naglalakad sila, agad naman niyang sinabi rito.
" Paanong nasa likod ng school? " Nagtataka niyang tanong, agad naman niyang kinuwento rito ang mga nangyari maliban sa aksidenting halik na naganap.
" Totoo? Kaya pala subrang d**o niyo kanina " tawa nito kaya natawa na din si Paulo at naalis ang pag-aalala niya pagkatapus marinig ang mga tawa nito.
" MAGKAIBA NGA TALAGA SILA NI CAROL " titig niya sa katabi niyang naglalakad " Panatag ang loob ko kapag si Anika ang kasama ko, Wala akong nararamdamang takot at parang ang liwanag ng mundo " pag-iisip nito.
" Magpagawa ka na kasi ng ID pero matagal nga lang ang process mga one month tamad kasi ang mga tao sa school " pagbibiro nito.
" Oo nga pala, bakit nga ba hindi ko naisip yon " pag-iisip nito.
" Oo at sasamahan kita " napangiti naman si Paulo sa sinabi nito at napahinto siya ng huminto maglakad itong kasama niya nang malapit na sila sa kinaroroonan ng bisikleta niya kung saan isang liko lang nila.
" Paulo sigurado ka bang ligtas tayo rito? " Tanong nito habang nakatingin sa nagtataasang damong tumambad sa kanila.
" Oo, akala mo nga sa palasyo lang naglalakad ni Carol nong dumaan kami rito " Ani Paulo at naglakad pero natigilan siya ng hindi ito sumunod sa kaniya.
" Babaeng babae nga pala siya " natutuwa niyang tingin rito " sige hintayin mo na lang ako rito " Sabi niya pa rito.
" Ah, hindi sasama ako " pagsunod niya rito at maarteng sumunod rito habang iniiwasan ang mga damong makadikit sa kaniya.
" Pasensya kana kung sinama kita " paglalahad ni Paulo sa kamay niya para hawakan ito pagkatapos makita ang pag-aalala nito, ilang segundo namang tumitig rito ni Anika.
" O-okay lang yon " hawak nito sa kamay ni Paulo pero sabay silang napalingon ng may marinig silang maglakad ng makaliko sila at alas singko na at sa probinsya mabilis magdilim kaya ganon na lang ang kaba nila.
" Paulo ano kaya yon? " Paglapit rito ni Anika bahagya naman siyang ngumiti para alisin ang takot nito.
" Baka tao din pero hayaan muna kunin na lang natin ang bisekleta nandito na tayo e " pagbalewala din nito sa takot niya, first time nga din naman niyang pumunta rito ng gabi pero natigilan siya ng makitang nakatayo ang bisikleta at base sa hitsura ng mga dahon halatang minadali itong alisin rito kaya agad napalingon si Paulo sa likod.
" Hindi kaya si Carol yon? " Bulong pa nito.
" Paulo yan bisikleta mo diba? " Paglapit ni Anika rito.
" Oo " pagpunta niya rito at sumakay " Halika na? " Agad naman itong sumunod sa kaniya.
" Dapat huwag na kayong dumaan doon lalo ka na " Ani Anika habang nakahawak sa bag ni Paulo at nakaangkas rito " subrang tapang kasi ni Carol kaya sigurado kung may gagawa sa kaniya ng masama matatakot din yon pero hindi sayo " dugtong pa nito.
" Totoo yon " Ani Paulo pagkatapos sumang-ayon rito " KAPAG SI ANIKA ANG KASAMA KO PAKIRAMDAM KO LALAKI TALAGA AKO PERO SI CAROL? GINAGAWA AKONG BABAE " bulong pa niya at natawa na lang siya sa isipan niya sa sinabi nito.
" Sige Paulo, mag-iingat ka " pagkaway rito ni Anika ng makababa ito nang makarating silang school.
" Oo, bumalik kana din sa practice area niyo " ngiti nito bago tuloyang umalis at natigilan naman sa pagkaway si Anika nang banggain ito ni Rohan habang kilig na kilig.
" Oiiii ano yon nagdate kayo? Ang bilis mo ah! " pamimikon nito.
" Ano ka ba, kinuha lang namin ang bisekleta niya " paglalakad nito habang namumula sa kilig.
" Sus! Nakikita ko yang mga ngiti mo! " Pagpapakilig niya pa rito.
" Tumigil ka nga Rohan " kinikilig nitong sabi pagkatapus maisip ang pagsakay nila ni Paulo sa bisikleta at pagkakahawak kamay nila.
" Pero teka, nasabi mo ba yong dahilan bakit gusto mong makausap? " Tanong nito.
" Wala, Hindi naman kasi ganon kadaling sabihin yon, babae ako at kapag ginawa ko yon baka isipin niyang nagpaparinig akong ligawan niya ako at saka hindi naman siguro siya interesado doon " Malungkot nitong sabi.
" ano ka ba gusto ka non! Dapat sinabi mo!! "
" Tumigil ka nga mamaya may makarinig sayo at saka gusto ko lang naman siya " mahina nitong sabi.
" Gustong gusto ba kamo! " Naaasar nitong sabi " NAKU! MADALI LANG NAMANG SABIHING " YONG SAINYO NI KEN AY WALA TALAGA YON" KUNG SAAN GINAWA MO LANG YON PARA SA KANIYA " dugtong nito " GANON LANG, PANIGURADO KASI INIISIP NIYANG MAY NAMAMAGITAN SAINYO NI KEN AT KAHIT KAILAN HINDI AKO NAGKAMALI SA KUTOB KO AT ALAM MO YONG INIISIP KO PA? MALAKAS ANG KUTOB KO RING GUSTO KA RIN NIYA AT SAKA YONG KAPATID MO, UNAHAN MO SIYA BAGO PA LUMALA YANG NARARAMDAMAN MO " natigilan naman si Anika nang maisip si Carol kahit imposible naman talagang magka-crush ito.
" Alam mo Rohan lahat ng mga bagay nakatakda yan mangyari at kung hindi naman kahit anong gawin natin hindi yon mangyayari " makahulogan nitong sabi saka naglakad.
" Iwan ko sayo basta binalaan kita ah " pagsunod niya rito.
SAMANTALA agad namang huminto si Paulo sa harapan ng gate nila Carol pagkatapus nitong makita ang nakaparada ritong sasakyan.
" Friday nga pala ngayon, ibig sabihin uuwi siya ngayon sa bahay ng mommy niya " pagsilip nito sa loob at ganon na lang ang kaba niya ng mapansin ang mga tao sa loob.
" Si Lola at Josh? " Bulong nito " Kapag kinausap ko siya paniguradong kataposan kona kapag nalaman ng dalawang yan ang dahilan " pag-iisip nito " kahit aksidente lang yon hindi pa rin tamang malaman ng Lola at Kuya niya " Pag-alis nito ng parang lantang gulay.
" Inaasahan ko namang mangyayari 'toh, na hindi ko siya makakausap pagkatapus kong hindi umuwi agad " naaasar nitong sabi pagkatapus maisip ang nararamdaman ni Carol " panigurado galit yon ngayon at naiinis, nahihiya? nalulungkot? Kung bakit kasi nangyari yon " pag-aalala nito " Kung ganon Monday pa ako makakapag-sorry? " Pag-iisip nito " Pero okay na rin siguro yon para mapag-isipan ko ang mga sasabihin ko at ihanda ang katawan ko dahil panigurado hindi matatapus ang araw namin nang hindi niya ako nasasaktan " paglunok nito sa takot pero kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa mga naisip niya.
CAROL PART medyo magflassback tayo ah.
" TSK! KAHIT AKSIDENTE YON KAILANGAN PA RIN NIYANG MAGSORI! " Paglalakad nito ng mabilis pagkatapus ng pambabaliwala rito ni Paulo buong klase na para bang walang nangyari " TSK! KAILANGAN TALAGA HINDI KO YON MAKITA NGAYON DAHIL BAKA MA-AKSIDENTE TALAGA YON SA MGA KAMAY KO! " Pagkuyom nito sa kamao niya " BUWESIT YON AH! KAHIT AKSIDENTE YON, KAILANGAN NIYA PA RING MAGSORRY!!! " Paghinto nito at lumingon sa school nila.
" JAMPAWLO!!!!!!! " nanggigigil nitong sabi kaya napalingon rito ang ilang kasabay niya sa daan pagkatapus nitong sumigaw.
" Si Carol pala yan " unahan ng mga ito sa paglalakad pero natigilan siya ng may dumaan ritong bisekleta.
" Oo nga pala, tsk! Sa kabaklaan non panigurado hindi non kayang bumalik doon " pag-iisip nito sa bisikleta ni Paulo " sus! Ano namang pakiaalam ko?! Sunogin ko pa yon eh! " Pag-iisip nito.
" WALA KA NAMANG KINALAMAN SA NANGYARI KAYA HINDI KA TAMANG IWAN RITO " Ani Carol pagkatapus puntahan ang bisekleta ng maisip na delikadong magtungo rito gayong maraming d**o rito na puweding pagtaguan ng mga ahas at wala ding nagtutungo ritong tao kaya hindi ligtas magtungo rito lalo na ang tulad ni Paulo pero natigilan siya ng may marinig siyang tao at sa boses nila nahulaan na niya kung sino ang mga ito kaya agad siyang nagtungo sa mga damohan para magtago at umalis ng hindi nila nakikita at mabilis siyang umalis pagkatapus siyang malampasan ng dalawa.
" Baliw na siya, paanong sinama niya pa si Anika sa labas? Talaga bang hinahanap niya ang kamatayan niya? " Pag-iisip nito kay Ken at ganon na lang ang asar niya ng maalala ang mga paghahawakan ng dalawa " ANO BANG MAYRON DOON? " pagkain nito sa lollipop niya at mabilis na naglakad pero napahinto siya sa tapat ng bahay nila ng makita niya ang sasakyan nila at naisip nitong weekends na nga pala bukas.
" BAKIT NAMAN NANDITO KANA AGAD? BUKAS PA ANG UWI KO AH! " sigaw nito sa driver ng makasalubong niya ito.
" Naku! puwedi bang hinaan mo ang boses mo " pigil rito ng Lola niya pagkwan nakita nito si Josh.
" At ikaw bakit nandito ka na naman? " Masama pa niyang tanong rito saka naupo na siyang sinundan ni Josh at nang driver.
"sinusundo ka " nakangiti niyang salubong rito.
" Tsk! Weekends pa ang uwi ko! "
" Pinapasundo ka na ni tita " lumingon naman Ito sa personal driver niya.
" Totoo yon ma'am " nakangiti pa nitong sagot.
" Bukas ako uuwi at saka puwedi ba mag-isa kang pumunta rito? Akala mo naman may mangrirape sayo sa daan para magsama ka pa! " Masama nitong sabi.
" E ma'am siya po ang nagpumilit sumama eh " agad namang natahimik ang driver ng batokan ito ni Josh habang magkatabi sila.
" Gabi na kaya sumama ako, busy kasi si Tita " rason nito.
" Sa totoo niyan nasa bahay po si madam " madaldal pang sabi ng driver kaya agad ritong umakbay si Josh, akbay na sakal.
" Paghindi ka tumigil puputolin ko ang dela mo " Nakangiti niyang pananakot rito saka binitawan.
" At saka bukas harvest ng mangga kaya pupunta kami sa plantasyon para mamitas at sabi ni daddy magbantay na din may kailangan kasi siyang puntahan kaya maaga tayong pupunta doon " Ani Josh.
" Hindi ako pupunta at kaya ko namang pumunta doon mag-isa kung gugustohin ko at saka may natira pa sa allowance ko kaya mag-aaral na lang ako! " Sabi nito saka tumayo " Bukas na lang ako uuwi! " Dugtong pa niya.
" Ang balita ko kinausap din ni Anika si Paulo at Stell kaya sumama kana " natigilan naman siya sa sinabi nito.
" At bakit kailangan pang sumama doon nang dalawang yon?! " Masungit nitong tanong.
" Naisip kasi ni Anikang isama si Paulo dahil paniguradong bago Ito sa kaniya dahil laking syudad siya at dahil magkaibigan sila " paliwanag nitong ni Josh " at si Stell palagi naman yon sumasama dati kaya naisip kong ipakausap na din para hindi naman nakakatamad sumama, mas masaya pagmarami diba? " Isang masamang tingin naman ang nakuha nila mula kay Carol.
" TSK! BALIW BA KAYO?! ALAM NIYO BA ANG PUWEDING MANGYARI KAPAG NALAMAN NI KEN?! " naaasar nitong tanong.
" Sus! Nag-aalala po kayo? Kanino ma'am? " Pagbibiro rito ng driver at tuloyan na itong natahimik ng tumampal sa mukha niya ang mga paa ni Carol magkakatabi kasi nang upo ang mga ito.
" Ay! Grabe po kayo hindi pa kayo naghuhugas ah! " Pagtrapo nito sa mukha niya.
" Dumaldal ka pa! Puputolin ko ang dila mo! " Agad naman itong nagtago sa likod ng Lola niya kaya ganon na lang ang ngiti ni Josh pagkwan naglakad itong si Carol.
" Hintayin niyo ako sa sasakyan, may kukunin lang ako " Pag- alis nito kaya ganon na lang ang ngiti ni Josh.
" Sasama ka na? " Tanong pa nito.
" Tsk! Ano sa tingin mo? Tsk! pinipilit niyo ako tas magtatanong kayo?! " Paglalakad nito kaya mas lumawak ang ngiti ni Josh.