Kabanata 2

4333 Words
AT SA NGAYON nasa airport sila para sa paghihintay nila nang sundo pagkatapos nilang makarating sa probinsya, ang bago nilang titirahan ni Paulo. At sa ngayon maayos na ang pakiramdam niya maliban lang sa alaala nitong hindi pa rin tuloyang bumabalik. " Pang kailangan ba talagang magtungo tayo rito para sa pagpapagaling ko? Hindi ba't mas maganda kung kasama ko sila mommy para tuloyang bumalik ang mga alaala ko at saka panigurado po nalulungkot sila ngayon pagkatapus ng pag-alis ko " pag-iisip nito sa mga magulang niyang hinatid siya sa airport habang pinapakita nila rito ang pagmamahalan ng totoong mag-asawa. " Mas mainam na ito at saka busy ang parents mo sa business ngayong wala na ang Lola mo sa kanila na nakasalalay ang reputasyon ng angkan at lahat nang iniingatan nito kaya mas maganda na kung hindi muna tayo dadagdag sa problema " ngumiti naman siya sa sinabi ng Pang niya pagkwan tumunog ang phone nito at napangiti siya nang makita niyang ang mommy niya ito. " Mommy dumating na po kami " sagot nito sa kabilang linya. " Maayos ka lang ba? " dinig pa niyang pagchorus ng mga magulang niya kaya napangiti ito ng maramdaman nito ang pagmamahal nila rito. " Kamusta ang byahe mo? " tanong pa ng daddy niya, sa ngayon kasi iniiwasan nilang maramdaman nito ang dahilan bakit siya humantong sa nangyari sa kaniya. " Wag po kayong mag-alala maayos po ako at saka andito po si Papang " nakangiti pa niting sagot kaya napangiti rin ang Papang nitong pinagmamasdan siya sa ilang taon kasing pag-aalaga niya rito ngayon lang niya ito nakitang ngumiti. " Mabuti naman basta kapag may nangyari tatawag ka agad " bilin pa nang mommy niya bago tuloyang maputol ang pag-uusap nila. At ilang minutong paghihintay dumating na din ang magsusundo sa kanila. " Magandang umaga Sir Paulo " pagpunta rito ng babaeng tagapamahala nang bahay nila rito " Ang laki niyo na po " paghawak niya pa rito pero natigilan ito ng tumingin lang ito sa kanya. " Lusin kagagaling niya lang sa isang aksidente at tanging ako at ang mga magulang lang niya ang naaalala niya, tanging yong mga taong malalapit lang sa kaniya ang Hindi nabura sa isipan niya " nalungkot naman ritong tumingin ang minsan ding nakaalaga sa kaniya sa tuwing nagbabakasyon sila rito. " Huwag po kayong mag-alala nandito po ako para magpagamot at panigurado maaalala ko kayo " Pagngiti niya rito kaya ganon na lang ang yakap rito ni Lusin. " Nawala ang alaala mo pero yong ugali mo ganon pa rin, napaka bait na bata " natutuwa niyang tingin rito pagkwan napansin nitong dalawa lang sila nang Papang niya. " Hindi ba sumama si Ma'am at sir? " paghahanap nito sa mga magulang ni Paulo. " Paulo mauna kana sa sasakyan " utos rito ng Papang niya bago pa ito may malaman kay Lusin at mabilis naman siyang sumunod rito. " Lusin makinig ka, ang sabi ng doctor hindi maaaring biglang maalala ni Paulo ang dahilan bakit siya naaksidente dahil maaaring lumala lamang ang kaniyang kondisyon kaya kung maaari huwag na huwag mong mababanggit sa kaniya kung ano man ang nalalaman mo sa pagkatao niya " " anong ibig niyong sabihin mang Ron? " nagtataka nitong tanong. " Alam kong alam mo ang ugnayan nang mga magulang ni Paulo kung saan naging dahilan bakit siya humantong diyan " tingin kay Paulo habang nakaupo sa loob nang sasakyan " Dahil gusto niyang takbohan at iwasan yon at yon din mismo ang dahilan bakit kami nandito dahil ang sabi ng doctor mas mainam kung kusang babalik ang alaala niya nang sa gayon kusang maghilom ang sakit sa puso niya dahilan para madaling matanggap ng isipan niya o nang buong pagkatao niya ang lahat ng mapapait niyang alaala at narararamdaman ngunit kung ipipilit nating ipaalala sa kaniya ang lahat maaaring lumala lamang ang sakit niya dahil sa ngayon ang puso niya ay hindi pa rin tuloyang naghihilom maaaring nalimotan niya ang sakit pero kung maaalala niya ang lahat maaaring bumalik ang sakit at mas lumala ang karamdaman niya " paliwanag nito " Naiitindihan mo ba ang mga sinabi ko? " tumango naman rito si Lusin. " Opo, kawawa naman pala si Sir Paulo, kung ganon sa ngayon ang mga nasa isipan niya ay yong mga nakikita niya lang ngayon at mga nalalaman niya na maayos si ma'am at sir " malungkot pa nitong sabi. " Ganon na nga, lahat ng sakit na nararamdaman niya noon para mag-udyok sa kaniya para tapusin ang buhay niya ay tuloyan nang nabura sa isipan niya " sabi pa nito " o sya! halika na at baka naiinip na siya sa loob " pagpasok nila sa loob nang sasakyan at hindi nagtagal dumating sila sa bagong baranggay na titirahan nila. At napasilip sa labas ng ban itong si Paulo nang makuha ng isang dilag ang mga mata niya habang nagbibisikleta ito at nakasuot ng bulaklaking puting dress at sa ganda ng buhok nito ay subasabay ito sa alon ng hangin ganon na lang ang ngiti nito nang bumaba ang tingin nito sa paa ng dalaga dahil naka rubber shoes ito ng itim dahilan para hindi bumagay sa damit nito at hitsura nitong kahali halina ngunit bago pa niya matitigan ang dalaga nong malapit na sila rito ay biglang may tumawag rito dahilan para mapalingon ito at mapatalikod sa kaniyang kinaroroonan namgy dalaga kaya hindi na niya ito natitigan para makilala kung sakaling magkita sila. " Yon ba? Anak yon ni Don Julio " napalingon naman siya sa sinabi ni Lusin at nakaramdaman siya ng hiya nang siya nga ang kinausap nito kung saan napatingin ito sa tinitingnan niya kanina. " Ganon po ba? " nahihiya pa niyang sabi pagkatapos itong tingnan ng Papang niya nang makahulogan. " Tagasaan ba yon? " tanong rin ng Papang niya nang hindi naman nakita itong sinasabi nila. " Taga rito rin " napangiti naman ng bahagya itong si Paulo sa sinabi ni Lusin at natigil sila sa pag-uusap ng huminto ang ban senyales na dumating na sila pagkwan bumaba na sila. " Mga kapitbahay tulongan niyo naman kami sa mga gamit ng amo ko " tawag nito sa mga kalalakihang naguusap pagkwan nagsilapit na din sila para tumulong at yong ibang nakakakilala kay Paulo nagsilapit para tingnan siya, kilala rin kasi ito rito dahil minsanan na silang nagbakasyon rito nong bata siya. " Yan na ba si John Paulo? Ang laki na niya " tanongan pa nila habang tinitingnan ito. " Magandang araw po! " pagbati nito sa kanila kaya yong iba lumapit pa sa kaniya at nakipagkamay habang ang Papang nito ginagabayan ang mga taong naghahakot ng gamit nila. " Lusin ang guwapong bata nang sir mo " sabi pa ng mga tao rito kaya ganon na lang ang hiya ni Paulo habang tinitingnan nila ito mula ulo hanggang paa na para bang artista, Hindi naman nito magawang iwan ang mga ito dahil kawalan ng respito yon kahit lalamunin na siya ng hiya, mahiyain kasi siyang tao pagkwan naramdaman niya biglang may umakbay sa kaniya kaya agad siyang lumingon rito. " Grabe panigurado hahabolin ka ng chix rito " sabi rito nang isang binata pagkwan tinanggal nito ang pagkaka-akbay kay Paulo at nagtungo sa harapan niya " Ako nga pala si Stell, Stellvester Ajero " pakikipagkamay nito, agad naman niyang inabot ito yon pagkatapos matitigan ang ngiti nitong halos kita na ang buong ngipin at sa ganda ng ngiti mahahawa kana rin sa kislap nito. he's like a sunshine, a sunshine boy at saka napaka puti niya rin at hindi maipagkakailang napaka guwapo niya dahil sa mahahaba nitong mukha na bumagay sa kaniya. " Paulo, John Paulo Nase " ngiti na rin niya. " Ang ganda ng braces mo " ngiti pa nito " lahat ba nang taga maynila naka braces? at saka ganito ang datingan sayo? Ang guwapo mo Dre! " pagtapik niya pa rito sa braso at sa ugali niya Hindi siya mahirap maging kaibigan. " Salamat! " Yon lang ang sinabi nito pagkatapos mahiya sa mga puri nito sa kaniya. " Sana maging magkaibigan tayo " sabi pa niya " Hindi ako tagarito pero dati kaming nakatira rito kaya madalas akong nandito " sabi pa nito " Basta kapag may mga itatanong ka sa lugar natin at gusto mong mamasyal Andito lang ako " sabi pa niya. " salamat " sagot lang niya habang natutuwa ritong nakatingin pagkwan nagpaalam na din ito at katulad niya unti unti ding nagsi-alisan ang lahat kaya pumasok na din sila. At ilang araw din ang ginawang pag-aadjust ni Paulo bago nakasanayan ang bago nilang buhay at sa tuwing kinukumusta ito ng mga magulang niya hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama niya na para bang ngayon lang niya iyon naramdaman at sa mga lumipas na araw wala pa rin siyang naaalala maliban sa mga panaginip niyang hindi niya maitindihan. At ngayon kailangan niyang pumuntang palengke para mamili ng mga gamit niya para sa pagpasok nito bukas. " Hindi niyo na po kailangan sumama Pang magpahinga na lang po kayo " pagtanggi ni Paulo sa Papang niyang gustong sumama sa palengke " Sige Pang " pagtakbo niya rito para hindi na makapagpumilit sumama at iniwan ito. Agad namang sumalubong rito si Stell sa may labas kung saan kinausap niyang samahan siya. " Tayo na? " sumunod naman siya rito at naglakad sila patungo sa sakayan ng jeep na nasa unahan pa. " Nga pala, wala ka bang gustong ikuwento saakin? " napalingon naman ito kay Stell ilang araw na kasi siyang dinadalaw nito kaya close na sila " Halimbawa maingay, palasigaw, at nakakatakot na tao " nagtataka naman siyang tumingin rito. " Bakit may ganon ba rito? " nagtataka pa niyang tanong " Tahimik naman ang buong baranggay o nang mga kapitbahay namin at saka matanda rin yong nakatira sa kabilang bahay kaya wala naman akong naririnig diyan sa mga tanong mo " sabi pa niya. " Kung ganon hindi pa siya nakakauwi " bulong ni Stell. " Sino? " nagtataka pa niyang tanong. " Ah wala! " ngiti nito agad " Panigurado baka magka-crush ito sa kaniya o kaya sa kaniya magkagusto yon " lingon pa nito kay Paulo habang nag-iisip at tinitingnan itong guwapo niyang kaibigan " Kaya lang mukhang malabo ring magustohan siya nito " pag-iisip pa niya habang naglalakad sila ni Paulo. At pagkailang minuto dumating din silang palengke pagkatapos nilang makasakay ng jeep at sa maliliit na vendors nito dinala si Paulo. " Sige mamili kana nang gusto mong gamit sa school, mas mura sa mga ganito Dre! " pagtapik pa rito ni Stell habang pinagmamasdan nito ang ilang paninda tapus na kasi siyang bumili for school pagkwan nagtungo ito sa pambabaeng store at nang makapili si Paulo agad siyang nagtungo rito. "Bakit nandito ka? " tanong niya rito nang makita nito ang pinuntahan niyang pamilihan. " Sa tingin mo maganda 'toh? " tanong nito at tinutukoy ang hawak niyang hairclip na kulay puti. " Ikaw ba? Hindi ka tunay na lalaki? " tanong niya rito nang mahina at pabiro. " Hindi Dre! Hindi saakin ito ano ka ba?! " tawa nito at napakaganda talaga niyang ngumiti at saka napaka kulit kasi nitong si Stell kaya hindi maipagkakailang close na agad sila nitong si Paulo. " E para kanino yan? " nagtataka pa niyang tanong " ang sabi mo saakin only child ka, wala kang kapatid na babae kaya saan mo ibibigay? " tanong pa niya. " Ano, sa-sa crush ko " kinikilig pa nitong sabi kaya ganon na lang ang tingin rito ni Paulo. " Sa tingin mo maganda ito? " tanong pa niya at dahil cute naman talaga ang design nong hairclip kaya tumango siya rito. " Sige Ate kukunin ko po " pagbabayad nito sa tindera " Ikaw ba wala ka pang nakikitang maganda dito saamin? " tanong ni Stell pagkatapus kunin ang sukli niya, natahimik naman si Paulo nang maisip nito ang babaeng nakita niya noon sa labas nang ban kaya lang hanggang ngayon hindi niya pa rin yon nakikitang muli o nakikilala. " sa dami ng maganda dito wala ka pang nakikita? " tanong pa niya pagkwan nalingon nito ang tinderang nagpapacute sa kanila " Tulad ni ateng ganda! " panluluko pa rito ni Stell at hinawakan sa mukha ang babae kaya agad itong nilayo ni Paulo rito. " Pasensya na ate " paghila niya kay Stell at nagawa pang kindatan ni Stell yong babae kaya ganon na lang ang kilig nito. " sus Te! sa gwapo non at ganong kilos, pafall yon Te! Papol! " sabi ng katabi niyang tindera pagkatapus masaksihan ang ginawa ni Stell. " Ikaw talaga Stell " ani Paulo habang naka-akbay ito kay Stell at kinakawayan nito ang ilang dalagang nakatingin sa kanila at yong mga dilag ganon na nga din naman ang pagpapacute. " I treat every girls as a diamond, they're so precious kailangan pantay lang ang pagtingin sa kanila " ngiti pa nito sa mga babae. " Tigilan mo nga yang ginagawa mo para kang tumatakbo niyan nang mayor Eh " pagtukoy nito sa pagkaway ni Stell sa mga babaeng lumilingon sa kanila" tsk! Diamond? Sus! ang sabihin mo chick boy ka lang! " nagtawanan naman sila sa sinabi nito pagkwan napag-isipan na din nilang umuwi pagkatapus nang ilang pamamasyal at mapansing nagdidilim na. " Paano, sa school na lang tayo magkita bukas? " ani Stell. " Oo, sige Dre! " pagsakay ni Paulo sa jeep at sumakay na din si Stell sa kabilang jeep patungo sa kanila. At habang nasa loob si Paulo hindi nito maalis ang tingin niya sa babaeng lumalabas ang ulo mula sa jeep dahil sa pagkakatulog nito kaya ganon na lang ang takot niyang baka may sasakyang makasagi rito. Pagkwan huminto ang sasakyan bigla at nagising ito at sa gulat niya agad nitong ipinasok ang ulo niya sa jeep dahilan para mauntog siya rito at paniguradong malakas yon dahil may ilang napasigaw sa pagtunog nang noo nito sa pagkaka-untog sa may sasakyan at si Paulo ganon na lang ang pag-aalala niya rito pero nawala din yon ng makitang para bang wala lang yon sa babae at natulog ulit. Pagkwan sumakay na nga ang hinintuan ng driver at sa tabi ni Paulo ito naupo kaya napalapit pa siya sa babae. " Miss baka puweding maurong ka diyan sa unahan, masikip na kasi dito sa likod " sabi nang mga pasahero sa likod pero parang wala itong narinig at natulog muli pero sa ngayon nakahawak na siya sa may bakal sa loob ng sasakyan at pinatong ang ulo nito sa kamay niyang magkabilang nakahawak rito. " Bingi ba yan? " bulongan pa ng mga tao sa jeep pero si Paulo nagtataka lang siyang nakatingin sa babae at nawewerdohan rito nang kunti. " Miss please, paurong " sabi pa ng mga pasahero may maliit kasing space sa unahan kung saan wala ng madadaanan ang hangin doon dahil nasa pinaka dulo na talaga ito. " Nahihilo ako! " sabi lang nito, kapag umurong kasi siya maaalis siya sa tapat nitong jeep na may bintana na may daanan ng hangin kung saan tuloyan na itong masusuka kapag nangyari yon. " Kung gusto mo magpalit na lang tayo nang posisyon " ani Paulo pagkatapus magreklamo pa rin ng mga pasahero na hindi siya naitindihan pero hindi na ito umimik pa kaya tumahimik na din si Paulo may katigasan nga rin naman ang ulo nito. " Tsk! Miss kung nahihilo ka dapat bumaba ka na lang dahil hindi na magkasya ang mga tao rito " pagalit pang sabi ng lalaking kasasakay lang pero parang walang narinig ang babae at nakaramdam rito ng awa si Paulo pagkatapus masilip ang mukha nito sa buhok niyang natatakpan ito na mukhang hilong hilo na. " Sir malapit na din po akong bumaba kaya luluwag din po ito kung maaari po hayaan niyo na lang nahihilo daw po kasi " ani Paulo at sinabi ang address niya kung saan nasa unahan lang ito kaya lang imbis na maitindihan ito ng lalaki medyo nayabangan ito sa kanya ng mapatingin ang mga babae sa maginoo nitong paki-usap. " Tsk! para na nga tayong sardinas dito tas sasabihin mo yan?! Kung gusto mo ibili mo siya ng sarili niyang sasakyan na puwedi niyang upuan lahat para walang napeperwesong iba! " sigaw ng lalaki pero tumahimik na lang si Paulo ayaw na ayaw kasi nito ng gulo dahil kahit hindi niya maalala ang gulong meron ang mga magulang niya ramdam niya pa rin yon, alaala lang ang wala siya pero yong mga sakit hindi pa rin naghihilom hindi naman niya yon matanong sa Papang niya dahil maging siya hindi niya alam kung paano yon itatanong gayong sa nakikita niya maayos ang lahat nang mayron siya kaya walang dahilan para masaktan siya. " BUWESIT! GIRLFRIEND MO BA YAN BAKIT MO PINAGTATANGGOL?! " sigaw pa nang lalaki kaya napalingon rito si Paulo sa hiya pagkatapus mapansin ang mata ng mga tao sa jeep na nasa kanila na dahil sa sigaw nito, ayaw na ayaw kasi niyang nakakakuha ng attensyon ng iba at ngayon, ito ang nangyayari dahil sa pagsigaw nang lalaki dahil likas siyang mahiyain. " Pasensya na Sir pero ang akin lang naman po nahihilo yong tao at naka-upo naman ang lahat kaya baka puweding hintayin niyo na lang ang pagbaba ko para lumuwag itong loob ng jeep nang hindi na siya pinapasiksik sa unahan " magalang pang sabi ni Paulo kaya lang mas lalong nagalit itong lalaki. " Huwag mo nga akong pinagsasabihan!! " pagkuwelyo niya rito dahilan para mapapikit siya, ang laking tao kasi nitong lalaki pero dahan dahan rin siyang napadilat ng wala siyang naramdamang kahit na ano mang bagay na tumama sa mukha niya at nagtataka ito ng makitang nanlalaki ang mata nang lalaki habang nakatingin sa direksyon ng babae kaya napalingon na rin rito si Paulo at napalunok siya ng makita ang matatalim nitong mata habang nakatingin sa lalaki habang nakapatong pa rin ang ulo niya sa kamay nitong nakahawak sa bakal ng jeep at natatabunan ng buhok ang ilang parte ng mukha niya dahilan para mata lang nito ang makita sa liwanag ng ilaw nitong jeep at ganon na lang ang gulat ng lahat sa sunod na nangyari at si Paulo napadikit siya sa may jeep pagkatapus tadyakan ng babae ang tuhod nang lalaki para hindi siya madamay rito. " Anak ka nang taba mo! " sigaw nito pagkatapus sipain ang lalaki at nanlilisik ang mata nito " Nakita mo na ngang maraming tao nitong jeep tas sumakay ka pa rin tapos ngayon magrereklamo ka?!!! ASAN ANG UTAK MO DOON?!! " sigaw nito " sa taba mong yan tatlong upuan ang occupied mo kaya wag ako ang sisihin mo kung bakit hindi ka magkasya!!! " sigaw pa nito at sa subrang lakas non napahawak ang ilang pasahero sa tainga nila at si Paulo hindi niya yon magawa dahil natatakot siyang baka siya rin ang saktan nitong babae gayong nasagitna siya nitong lalaking sinisigawan niya. " REKLAMO KAYO NG REKLAMO!!! " tingin nito sa mga pasahero " HINDI NIYO BA NAKIKITANG MALAKI ANG ITLOG NITONG PINASAKAY NIYO KUNG MAKABUKAKA NG UPO AKALA MO MALA-NIYOG ANG ITLOG!!! " sigaw nito kaya yong lalaki ganon na lang ang hiya pagkatapos magtawanan ng mga tao nitong jeep at si Paulo nakanganga siyang nakatingin sa walang preno nitong bibig at napaka lakas. " HINIHIYA MO BA AKO? " paghila rito ng lalaki at sa lakas nito isang hila lang ang ginawa niya sa babae at napunta ito sa harapan niya habang nakaluhod rito kaya ganon na lang ang ngiti niya na para bang nagyayabang at bago pa siya matulongan ni Paulo napasigaw ang lalaki sa ginawa rito ng babae. " Hindiiiiiiii!!!!!!!!!! " sigaw nito pagkatapus siyang sukaan nito kung saan kanina pa siya nagpipigil nang hilo pero halata namang sinadya niya ito dahil humawak pa siya sa magkabilang tuhod nito habang naka-upo at doon nagsusuka sa kandungan niya. " MAPAPATAY KITA!!! " sigaw pa ng lalaki dahilan para tuloyang mapahinto ang jeep at ganon na lang ang gulat ni Paulo nang hawakan ng babae ang kamay niya at hinila ito pababa sa jeep. " Huwag kayong tumakbo!!!! " sigaw ng lalaki. " Bilisan mong tumakbo!!! " sabi nang babae kay Paulo habang hilahila niya ang kamay nito at napatakbo na rin siya ng makita ang pagsunod sa kanila ng lalaki at nong malayuan na sila lumampasay ng upo ang babae sa may damuhan sa gilid nang daan at ganon din si Paulo pagkatapos hingalin sa pagtakbo. " Ayos ka lang ba? " ani Paulo pagkatapos malingon itong babaeng katabi niya na naghahabol din nang hangin pero natigilan siya ng nagtataka itong tumingin sa kaniya " Ba-bakit? " nagtataka niya ring tanong. " Wala!!! " pagbawi nito sa naging reaction niya at hinabol muli ang hininga niya pagkwan tumayo na din itong si Paulo at naglakad pabalik sa sakayan ng jeep para tuloyang umuwi pagkatapus nitong mapansin ang langit na madilim na kaya napatayo rin ang dalaga. " Saan ang punta mo? " tanong pa nito pero hindi na siya nilingon ni Paulo. " Kailangan ko nang umuwi at ikaw umuwi kana rin! " sabi nito habang naglalakad pero natigilan siya sa sinabi ng babae. " Nandito na tayo! Diba ito yong sinabi mong address kanina? " agad namang inikot ni Paulo ang tingin niya sa sinasabi nitong lugar kaya ganon na lang ang ngiti niya at natanaw niya ang bahay nila. " Nandito nga ako " ngiti nito pagkwan nilingon nito ang babae " sige, uuwi na ako! umuwi ka na rin at mag-iingat " ani Paulo at naglakad pagkatapos lang ritong tumingin ng babae kaya hindi na niya ito pinansin pa pagkatapos ritong mawerdohan at saka dahil na rin alam niyang may ugaling tinatago ang magaganda nitong mata, pagkatapos niyang maalala ang kaninang eksena sa loob ng jeep. " So dito ka nakatira? " tanong pa nito at napalunok si Paulo nang maramdaman niyang naglalakad din ito at nakasunod sa kaniya. " Oo, kaya umuwi kana rin " pagmamadali niyang maglakad pagkatapos niyang makaramdam ng kaba " HINDI KAYA EKSENA LANG YONG SA JEEP AT MAY PLANO TALAGA ANG BABAENG ITO SAAKIN?! " bulong nito habang tinitingnan ang kadiliman ng paligid at wala man lang tao rito na maaaring tumulong sa kaniya. At tuloyan siyang napalunok sa takot nang magflashback rito ang suot ng babae habang naka baggy pants, denim jacket ng luma, at naka rubber shoes ng sira na ni minsan hindi niya nakitang pormohan ng mga babae rito at higit sa lahat ang ugali nitong first time niya lang nasaksihan for almost 20 years na pagkabuhay niya sa mundo. " Bagong lipat ka ba rito? " tanong pa ng babae at natigilan ito nang humarap rito si Paulo at tumitig sa kaniya kaya hinawi nito ang buhok niyang natatakpan ang mga mukha niya at nagtataka ritong tumingin. " Bagong lipat ako rito kaya kung may pinaplano kang gagawin saakin paki-usap huwag mo nang ituloy, nandito ako para magpagamot kaya wala kang magiging pakinabang saakin, at saka mahirap lang din ako " pagsisinungaling nito " Kaya pakiusap huwag mo na akong sundan! " sabi nito habang kinakabahan at napaatras siya ng hawakan ng babae ang mukha niya na halatang hindi nakinig sa sinabi niya. " Guwapo ka, maganda ang mga mata mo, at saka gusto ko ang braces mo " sabi nito kaya mas nawerdohan rito si Paulo " Sa tingin ko mabait ka kaya lang mukha kang matalino kaya ayaw ko sayo! " sabi nito saka naglakad at iniwan itong si Paulo kaya ganon na lang ang pagtataka niya. " Anong ginagawa mo? " tanong pa niya habang sinusundan nang tingin ang babae at nauna sa kaniyang maglakad. " Ang sabi mo huwag kitang sundan! " sabi ng babae habang naglalakad kaya napasunod na rin siya rito at mas nawerdohan sa kinikilos nito. " Kaya mauuna ka? " tanong pa niya at napahinto siya nang huminto ito. " Ano bang pangalan mo? " tanong din nito pero tumingin lang siya rito " Di bale na nga malalaman ko rin yon sa mga tao rito " sabi pa niya at naglakad muli. " at Bakit mo naman aalamin? " kinakabahan pa niyang tanong. " Dahil ayaw ko nang may stranger dito sa baranggay namin! " napakunot noo naman siya sa sinabi nito. " Anong ibig mong sabihin? " nagtataka nitong tanong pagkwan napansin niyang nasa tabi siya nang bahay niya. " Saan ka ba banda rito? " tanong pa ng babae. " At ba-bakit mo naman tinatanong? " kinakabahan din nitong tanong pagkwan nakita nito ang pagbukas ng babae sa gate nang kapitbahay nilang may matandang babaeng nakatira. " Dahil dito ako nakatira! " seryoso nitong sabi pagkwan lumabas rin ang Papang niya nang marinig niyang may tao rito. " Paulo akala ko ano ng nangyari sayo e kanina pa kita hinihintay at tinatawagan pero hindi ka macontact " pagbukas nang Papang niya sa gate at pinapasok ito habang akbay akbay siya nito ng parang yakap kaya hindi na niya naka-usap pa ang babae at saka panatag na rin siya ngayong kabaranggay lang pala niya itong iniisip niyang may gagawing masama sa kaniya pagkwan pilit niya itong nilingon. " Paulo...? " bulong nang babae habang nakangiti nang makahulogan at kumakaway sa kaniya kaya napaiwas bigla rito ng tingin si Paulo pagkatapos maalala yong mga nangyari sa kanila sa jeep kung saan halos may makaaway siya dahil sa kaniya na siyang palaaway naman talaga na ngayon kapitbahay niya kaya bigla siyang nakaramdam ng kaba habang naglalakad sila nang Papang niya. " May nakilala akong babae ngayon, nakakatakot siya at sobrang werdo " pagsusulat nito sa mga bago niyang alaala na siyang ipinayo rito ng doctor para sa pagpapagaling nito kung saan kailangan may daily journal ito para kung sakaling bumalik ang totoo niyang alaala at kung maaapektohan man ang mga bago nitong alaala e maalala niya pa rin gamit ang pagsusulat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD