"Mama? Pwede bang hindi ko bigyan ng happy meal si Avygail na yon? Ayoko kasi siyang bigyan, eh.... Uhm... Wag na lang kaya siyang kumain?" Bulong sa akin ni Aivan. Pinanlakihan ko siya ng mata, "Aivan, Mali 'yang mga naiisip mo." Kasalukuyan kaming narito sa aming Condominium Unit. Kasama namin si Aygail at si Blake. Hindi ko nga alam kung paano napilit ni Blake si Aivan na dito sila makikitulog ngayong gabi. Nag-aayos sila Blake ng mga gamit nila, habang kami naman ni Aivan ay naghahanda na para sa hapunan. Muli akong napatingin kay Aivan, mayroon siyang dalawang happy meal. Inilagay niya ang dalawang iyon sa harapan niya. Mauubos niya kaya ang lahat ng iyon? Wala ako sa sariling napailing. Ibang klase talaga ang ugali ng anak ko. Sigurado naman ako na kaya siya nagpabili kanina hab

