Pagkatapos ng Anim na Buwan Katatapos pa lang ng pakikipagpulong ni Reyna sa representative ng isang kompanya na pagbibilhan niya ng mga trak na gagamitin sa nalalapit na anihan ng tubuhan. Hanggang ngayon ay kakaunti pa rin ang mga trabahador kahit na pa nadagdagan ito. Takot kasi ang mga tao na magtrabaho sa hacienda dahil putok na putok sa bayan ang balitang pagpatay sa mga tumatakas na trabahador. Kailangan pang lumuwas ni Reyna ng Maynila para makipagpulong, pero sulit naman dahil dadating na 'yong dalawang trak sa susunod na linggo at magpapadala pa ng tauhan ang kompanya para ma-training ang mga trabahador sa paggamit no'ng trak. Papauwi na rin naman si Reyna kasama si Ramos at iilang tauhan. Kasalukuyang nakasakay sila sa maliit na private jet na pagmamay-ari ng Don ngunit pinil

