Isla Vienna “Jusko! Brandon, anong nangyari sa’yo?” Gulat na gulat na inalalayan ni Aling Bebang si Brandon nang makitang akay-akay ito ni Anna. “M-manang...” Brandon forced a smile but he grimaced at the pain. Maybsugat kasi siya sa labi dahil sa suntok ni Tobias. “Manang, dadalhin ko muna siya sa kwarto at kunin niyo ang first aid kit,” usal ni Anna. “Sige, sige.” Dali daling kinuha ni Aling Bebang ang kit at sumunod kina Anna. Kitang-kita ang pag-aalala niya sa mukha lalo na ang makitang nasa ganitong kalagayan ang binata. Para na din kasing anak ang turing niya dito. “Ano bang nangyari, Anna? Bakit puno ng dugo at pasa ang katawan ni Brandon?” Hindi alam ni Aling Bebang ang tungkol sa ginagawa ng mga ito. They keep her out in order to protect her. “May nakasagupa lang ako, Manang

