“F*ck!” Mabilis na tumakbo palabas si Leonardo dahil sa kabang nararamdaman niya ngayon hindi para sa sarili kundi para sa dalaga. Sino ang taong gagawa niyon? Si Hernandez? No. Hindi pa nito alam na may nalalaman siya tungkol sa pagsangkot nito sa Mutawi. Damn! Nasa gate na siya nang bigla s’yang napatigil at napasuntok dito. “Damn it!” Hindi siya pwede magpadalos-dalos ngayon. Hindi niya mapigilan lalo na at tungkol sa dalaga ang problema. Kinuha niya ulit ang mobile phone at agarang tinawagan si Clifford. [Leonardo,] bati nito. “Nasaan si Ocean? Puntahan mo siya agad, Clifford. May natanggap akong litrato.” Habang sinasabi iyon ni Leonardo ay mabilis na naglakad si Clifford sa silid ng dalaga at binuksan ito ng walang pahintulot. Napatingin sa kanya ang dalaga ng may pagtataka. Hi

