Malakas na bumukas ang pintuan ng room ni Leonardo sa RDO Quarters (Red Dragon Organization.) Inaasahan niya na ito pero medyo nagulat pa din siya ngunit hindi niya iyon ipinakita. “Major...” “Bakit hindi ka sa akin nagsabi na babalik ka?! Sana napaghandaan man lang ang pagdating mo!” asik nito. Bakas sa mukha nito ang inis ngunit sinusubukan nitong maging mahinahon. “Paghandaan ang alin, Major? Bumalik ako dahil sapat na ang nakuha kong impormasyon na ang Mutawi group na hinahanap natin ay nasa islang iyon. Hindi na ako pwedeng magtagal dahil sinususpetsahan na ako ng mga kasama ko doon kaya mas mabuting umalis na kaagad bago pa nila malaman ang lahat,” kalmadong sagot ni Leonardo. He was standing straight and his head was held high. Hernandez was taken aback. He cursed inside his hea

