Bumaba sa sinasakyang bangka si Clara nang makarating siya sa isang baybayin. Nilukod ng kaba at takot ang kanyang puso nang makita ang naglalakihang building mula sa ‘di kalayuan kung saan siya nakapwesto. Gamit ang alahas na nakuha niya pinagpalit niya ito ng pera sa isang matanda sa bayan nila. Kinuha niya ang isang bag at isinukbit ito. Nakarating siya sa highway aat napakagat sa labi. Saan niya naman hahanapin si Leonardo? Ang laki ng Maynila ni hindi nga siya sigurado kung nariot sa lugar na ito ang binata. Hindi naman siya pinagtitinginan ng mga tao roon pero nako-conscious siya sa sarili. Ang gaganda manamit ng mga taga rito. Paano niya ba malalaman kung nasaan si Leonardo? Wala s’yang cellphone at contact nito. Namula ang mga mata niya at tila ba ang nagsisisi sa desisyong uma

