Northern Camp, Green Force Organization. Nakaupo sa silya sina Glenn at Kyro habang kumakalikot sa kanilang mobile phone. Kahapon pa sila nakabalik mula sa Eastern Camp kung saan naghihintay si Jeffrey sa office nito. Mission accomplished! Binigay nila kay Jeffrey ang lahat ng files at sinabi ang lahat ng nakita at naobserbahan nila. Tahimik lang ang matanda habang iniisa-isa ang mga papel na binabasa nito. Kyro’s phone vibrates and he opens the message. “Kailan tayo uuwi sa isla?” Text ni Glenn. Tiningnan niya ito ng nakakunot-noo dahil pwede naman ito magtanong face to face bakit kailangan pang mag-text? “Nakakahiya kay Jeffrey. Sobrang tahimik pa naman.” Text ulit nito. Kyro started typing, “I don’t know. But since we are already done with the task, we should be able to go home as

