Chapter 3

1011 Words
LIGHT SILVER Nakasunod kaming pito kay Mist habang kami ay naglalakad patungo sa kaniyang kuwarto. Nasa dulo ng hallway ang direksiyon ng kuwarto ni Mist kaya ngayon ko pa lang din mapupuntahan ang kuwarto niya. Parang hindi nga mas'yado pansin ang kuwarto niya. Nasa pagitan pa ito ng kuwarto ni Thunder at nang isa pang kuwarto. Kanino kayang kuwarto ang isang 'yon? Pagkapasok namin sa loob ay namangha na agad kami dahil sa nakita. Kumpara sa kuwarto naming pito, ang kuwarto ni Mist ay puno ng mga high technology. Med'yo madilim ang paligid, pero maliliit na lights na nagbibigay liwanag sa kisame ng kaniyang kuwarto. Nagtungo kami sa kaniyang higaan at sa tabi nito ay may mga computers at laptops. Sa dami nito ay napalingon ako sa direksiyon ni Mist. Siya kaya ang gumagamit ng lahat ng 'yon? Napapikit pa ko ng aking mata dahil parang biglang nag-iba ang kulay ng mata ni Mist. Tinitigan ko siya ulit, pero mukhang nagkamali lang ako ng nakita kanina. Siguro ay gawa lang 'yon ng ilaw. Naglakad si Mist patungo sa upuan kaharap ng kaniyang mga computers at mabilis na nag-type doon. Tumayo kaming pito sa likuran niya kahit na hindi na kami halos magkasiya dahil sa dami. "What are you doing?" Yumuko si Dark at inilapit ang kaniyang mukha sa screen ng computer. "I'm trying to know where's Heaven right now, but I can't find even find device around her that will help us to connect with her." Nagsalubong ang kilay ni Dark sa sagot ni Mist. "You know more than me." Lumayo si Dark at tumayo sa likuran ni Mist. Tahimik lang ang iba naming kasama pati na rin ako dahil nakatuon ang atensiyon namin sa ginagawa ni Mist. Countless words and numbers coming out to his computer screen. There's also pictures of places flashing to the monitor and numerous pictures of people we don't know, but we can't see the woman that we're looking for. "I'm sorry, but it's hard to find her." Hindi na kami nagulat sa pinahayag ni Mist. Nakita namin sa malaking screen na gamit niya ang paulit-ulit na lumalabas na error sa tuwing pipindutin na niya ang enter. Hindi pa rin huminto sa kaniyang ginagawa si Mist hanggang sa nagulat kaming lahat dahil biglang nagkulay pula ang lahat ng monitor at screen na nasa aming harapan. Tumigil sa pagpindot si Mist. Nagtinginan kaming pito dahil sa nangyari. Hinawakan ko ang balikat ni Mist. "Mist, anong nangyari?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil hindi siya sumagot sa akin at hindi man lang siya gumalaw. Nakaramdam ako ng pag-aalala para sa kaniya kaya muli ko siyang tinanong. "Mist, ayos ka lang?" Nakatalikod si Mist sa direksiyon namin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Lumapit na lang ako sa kaniya at sinilip siya, pero agad din akong napaatras nang makita ko ang kulay pulang mata ni Mist. "Anong nangyari sa 'yo, Light? Para kang nakakita ng multo." Lumingon ako kay Sky nang marinig ko ang kaniyang tawa. Buti at marunong na siyang tumawa, pero bumalik na naman ang pangangasar ng isang 'to. "Si Mist. Tignan ninyo ang mata niya." Tinuro ko si Mist. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa nakita. Pakiramdam ko ay nawala ko bigla sa realidad dahil sa nakita. Lumingon silang lahat kay Mist at lalapit na rin sana sa mukha nito, pero biglang gumalaw si Mist at lumingon sa direksiyon namin. Napaatras ako dahil sa gulat. Para na tuloy akong matatakuting tao dahil sa nakita ko kanina. Lumingon ako kay Rain nang maramdaman ko ang pagkapit niya sa damit ko mula sa aking likuran. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatago. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nasa normal na ang mata ni Mist. Namalikmata lang yata ako dahil nakaharap siya kanina sa mga monitor na kulay pula. "Sorry kung hindi agad ako nakasagot sa 'yo, Light. May iniisip kasi ako kanina. Ano ulit 'yong tanong mo?" Umiling ako sa kaniya at saka ngumiti. "Wala 'yon. Hayaan mo na lang." Biglang nagsalita si Storm at naglakad patungo sa pintuan ng kuwarto ni Mist. "Kung hindi n'yo naman kayang mahanap si Heaven. Aalis na muna ako sa mansion. Wala akong dahilan para manatili rito sa mansion kung wala siya, hindi ba? Hahanap na lang ako ng paraan para mahanap siya. Paalam." Itinaas pa ni Storm ang kamay niya at winagayway ang kaniyang kanang kamay sa amin bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ni Mist. "Sandali lang!" Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Ibinaling ko ang aking paningin sa iba ko pang kasama. "Hindi ba mas madali na 'tin siyang makikita kung hindi tayo maghihiwalay?" Walang sumagot sa tanong ko. Sa halip ay isang buntong hininga lang din ang tinugon nila sa 'kin. "I think, I will live outside of mansion too. Mahihirapan lang ako sa paghahanap kung wala namang kuwenta ang ibang kasama ko. I'm sorry, Light. I think you're wrong." "Watch your words, Cloud. Wala ka pang nagagawang maganda ngayong araw simula nang mawala si Heaven kaya huwag kang magsalita ng gan'yan." "Stop fighting, Cloud and Thunder. Hindi tayo pinagsama-sama ni Heaven para mag-away." Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa nangyayari. Halos dalawang taon na kaming magkakasama sa iisang bubong, pero bakit kung umasta sila ngayon ay parang hindi kami magkakakilala? "Guys, please stop fighting. Paano na 'tin mahahanap si Heaven ng gan'yan?" Nakarinig kami ng mahinang paghikbi mula kay Rain. Nasa gilid siya ng kama nakaupo at hindi namin makita ang mukha niya dahil tinatakpan niya ito. Si Mist naman ay nakaupo pa rin sa kaniyang upuan at nakaharap sa monitor. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. "I'm sorry, but I will out too." Lumingon kami kay Dark na naglalakad na rin palabas ng kuwarto. Hindi na namin siya napigilan dahil tuluyan na siyang nakalabas. Isa-isa na ring nagsilabasan ang iba naming kasama hanggang sa kami na lang nina Rain at Mist ang natira sa loob. Heaven, ito ba ang gusto mong mangyari sa loob ng mansion na ilang taon mong tinirahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD